♔︎CHAPTER 8♔︎

7 1 0
                                    

♔︎CHAPTER 8♔︎


HINATID ako ni Cemond paauwi ng bahay.


"salamat cemond, gusto mo bang pumasok?" Tanong ko.



"hwag na muna...ahh umm..Jeah p-pwede ba kitang yayain kumain sa labas bukas?" Utal nyang tanong. Nabigla naman ako sa tanong nyang iyon.



sabado bukas at wala namang iniwan na any projects or assignment ang guro. Kaya free na free naman ako bukas.
Mas okay na sigurong pumayag ako kaysa naman sa kwarto ko ako magkulong at iiyak lang ako magdamag.



"sige ba! Basta libre mo ha" ngiting sabi ko.



"Luh talaga! Pumapayag ka?" tuwang sabi nya. I roll my eyes on him.




"haha sabi ko nga eh basta libre ko kahit ano after that pasyal tayo. O sya sunduin kita ng 10am ha" ngiting sabi nya.




"oo na sige na uwi kana ha ingat" sabi ko at hinintay syang maka-alis. Nang naka-alis na sya nawala bigla ang ngiti ko sa labi.




Nagsimula na namang maalala ko ang lahat ng nangyare...Si Davi kalat na kalat na ng lesbian sya at maraming nanghinayang dahil maganda talaga sya..




Eh ganun talaga ang buhay...maganda at gwapo kung magiging lesbian sila or bakla wala silang magagawa dahil yun ang choice nila dahil duon sila sasaya.



napahawak ako sa labi ko..she's my first kiss



Papasok na sana ako sa loob ng may biglang tumawag sakin. Na nagpakabog nanaman ng puso ko. Nang marinig lang nito ang tawag nya.



"Jeah"


Huminga muna ako ng malalim bago ko sya harapin.



"Anong ginagawa mo rito?" Pabalang kung tanong.



"Kanina pa ko nandito..bago kayo dumating.." sabi nya at nakatitig lang sakin. Pero malambot na iyon hindi tulad ng Davi na nakita ko na walang emosyon ang mga mata kung tumingin.


Napatingin ako sa kotse nya na nakaparada sa di kalayuan sa gate namin. Bakit hindi ko man lang napansin na nadaanan na pala namin ang Kotse nya?


"You didn't notice because you thinking of me inside of his car. Right?" Casual lang nyang sabi na nagpa-init ng ulo ko.


Kapal ng mukha. Sarap nyang sampalin sa kabila para pumantay ang kakapalan ng mukha nya.


"Anong sinasabi mo? bakit kita iisipin? Anong meron sayo?" Taas kilay kung tanong. Lumapit sya sakin at napalunok naman ako dahil bakit kasi namamangha ako sa ganda nya? lesbian ba talaga to?


Feeling ko ako pa mukha bakla sa aming dalawa eh.


"Meron sakin? Mahal mo lang naman ako"


nagulat naman ako sa sinabi nya. bakit nya to sinasabi? Pano nya nalaman yan?


"It's obvious Jeah, besides you said it earlier ..your feelings to me" casual na naman nyang sabi. nilihis ko ang tingin ko dahil grabe ang meaning ng mga tingin nyang nababasa nya pati tumatakbo sa isip ko.



"ano naman? Forget it. Stay away from me i don't to see you again here. Hindi welcome ang kagaya mo dito" matapang kung sabi na hindi na uutal.




"Why I do that? Kung kailan alam ko na mahal mo ko? Kung kailan na handa na kung mahalin ka? Kung kailan handa akong itago ang pagiging torpe ko at Iaalay ang puso ko sayo? "



SHE'S ADDICTED TEMPTATION [GL STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon