♔︎CHAPTER 23♔︎

4 1 0
                                    



DAVIGNE POV


"Galit na galit ang asawa ko ng makita nya kami. paglabas namin ng restaurant ay patuloy nya akong sinusumbatan hindi na maawat ni Jerome at umalis nalang dahil sabi ko sa kanya away mag-asawa iyon ayaw ko syang madamay pa. Hanggang sa mawalan syang control at tinulak nya ako kasunod nun ay mabilis ng pagbangga ko sa humaharorot na sasakyan.."







Nasapo ko ang aking kamay na nanginginig at tuhod na hindi mapakali.






S---si--- Jeah








ang nakilala kung si Jeah...may malungkot palang nararanasan..higit sa lahat yung kambal nya..sya nga yun hindi nga ako nagmamalikmata. Pero hindi pala talaga sya si Jeah kundi Clea ang kanyang pangalan.






Clea...






Bakit hindi man lang hinayaan ni tito jerome na makilala ni Jeah ang tunay nyang ina? Bakit naging sakim sya? Bakit nawala na lang sa mundo si Jeah na hindi nya man lang nayakap ang kanyang tunay na ina?






Itong babaeng nasa harap ko..hindi ko alam bakit kami pinag-tagpo..bakit sakin pa? Anong dapat kung gawin? Dapat ko bang sabihin tungkol kay Jeah? Na ang anak nyang matagal ng gusto nyang makita ay matagal ng patay?





Napabuntong-hininga ako at hindi ako makatingin ng maayos sa mukhang ng mama ni Jeah. Hindi ko alam ang dapat kung i react sa kanyang pag-kwento nya sa akin ng talambuhay nya kasama ang naging asawa nya pagiging third party ni tito jerome.






Ano nga ba ang dapat kung gawin?







"Simula ng aksidenteng iyon. limang taon na pala akong natutulog at hindi ko man lang magawang magalit sa asawa ko dahil ako naman ang nagkasala sa kanya. Kahit ano man ang nagawa nya..mahal ko sya at hindi mag-babago iyon.Nabuhay siguro ako dahil hindi ko pa oras at alam kung may plano ang Diyos na magkita kami ng anak ko at magkakasama din sila ng kanyang kambal" ngiting sabi ng mama ni Jeah.






"umm..si-siguro nga po.."tipid kung sabi.






"pasensya kana iho kung na kwento ko sayo ang mga ganitong bagay. Magaan ang loob ko sayo alam kung napakabait mong bata. Ilang taon kana ba iho? Syaka wala ka pang pamilya? Asawa?" Tanong nya sakin.






nabulunan naman ako sa huling tanong ng mama ni jeah.
Ngumiti lamang ako ng pilit. Hindi ko alam sa aking sarili bakit nagawa kung i kwento sa kanya ang kanyang anak.






"28 anyos na po ako..10 years ago..may nakilala akong babaeng maingay, tingin ko po sa kanya noon isang baliw na babae dahil ewan. Basta po may pagka-asungot sya.."






naalala ko ang unang pagkikita namin na pagbangga nya sa dede ko at naging chismosa sa pag-uusap namin ni Lavi noon.






"Sya ang babaeng pala kaibigan..pero kaming dalawa lamang ang hindi nagkasundo. Ngunit nagbago lahat ng muntik na syang makuha ng masamang tao"






I remembered that time when she slapped Cemond's hand for trying to touch me. if I didn't get out of my condo then something bad would've happened to Jeah. i'm glad i was there and i helped her myself not wayne. If maybe that happened. She will be more liking wayne than me.






"After that happened, I want to know her more..I will be denying my feelings to her. Because I'm scared she reject me if I confess to her. Pero sya mismo ang umamin na mahal nya ako at dun na nagsimula ang pagmamahalan namin dalawa..After 2 years With in a relationship..I'm proposing to her. She will be said yes to me.."





Ang mga alala na nagmahalan kami ng dalawang taon. Mga problema na aming hinakbangan na magkasama. Mga masasaya na panahon na kami magkasama. Mga hinanakit namin sa bawat isa. Mga taong nagsisilbing pader sa aming dalawa.





ngunit sya si Jeah Jyrill Monfellio. Ang babaeng tinanggap ako ng buong buo.Ang babaeng nagpasaya ng buhay ko. Ang babaeng gusto ko makasama habang buhay. Hanggang sa kamatayan. Ngunit hindi natupad dahil naiwan ako ritong buhay at sya ay nasa langit na.





Nabigla ako ng hawakan ni manang ang aking kamay.





"kitang kita ko ang pag-mamahal mo sa babaeng iyon. Napaka-swerte nyo sa isa't isa. Ngunit asan na sya? Bakit wala sya rito?" Takang tanong nya sakin.





Napayuko ako





"She's died 8 years ago.." tipid kung sagot at nabigla sya napatakip na lamang ng bibig at hindi ko alam ang gagawin ng mag-lantay ang kanyang mga luha.






"b-bakit po kayo umiiyak??" Paos kung tanong.






wala naman akong binabanggit na pangalan. Ngunit kahit sabihin kung si Jeah iyon hindi rin nya naman makikilala.





"Masakit sakin na nangyare sayo yan iho..ewan ko bat ako naiiyak..dahil mahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay. Kagaya ng anak ko alam kung andyan lang sya at sabik na akong makita sya..sana ay pagbigyan na ako ng panginoon na ipakita sakin ang matagal ko ng hinahanap ang Anak kong si Kleofe.." naiiyak nyang sabi.





wala akong nagawa kundi yakapin lamang ang ina ni Jeah.





"hwag po kayong mag-aalala.. tutulungan ko po kayo..mag-tiwala lang po kayo sakin..sa ngayon maigi pong matulog na kayo"



bukas na bukas din ibabalik na kita sa hospital. Ako na gagawa ng paraan para makausap si tito jerome. Upang makita rin ni Clea ang tunay nyang ama.

SHE'S ADDICTED TEMPTATION [GL STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon