KABANATA 17
Lumalalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang mga magkakaklase.
Pagkatapos uminom ng mga estudyante na nasa labas, pumasok sila sa sala at naki-upo sa mga estudyante na nakapulong doon. Natapos na din silang maglaro at nagpasya na magkwentuhan na lang.
Kasalukuyang naka-upo si Ethan sa tapat ni Alpas, medyo magkalayo silang dalawa. Ang kaniyang atensyon ay nahahati sa kwentuhan ng klase at sa mga tawa ni Alpas dahil palihim niya itong pinagmamasdan.
Alpas can feel the heat of directed gaze from a certain someone. Nilibot niya ang kaniyang mga paningin at namula siya nang mahuli niyang nakatitig sa kaniya si Ethan.
Ethan covered his mouth to hide his chuckle, then he feigned a cough before clearing his throat. He averted his gaze and tried to focus to his classmates’ stories.
The story of everyone went from their funny moments to their unforgettable memories and now it suddenly shifted to horror stories.
“Alam niyo ba na dati daw cemetery ang school naten?”
Goose bumps sprang up all over Alpas’ body and his fingers trembled. No one noticed it but a certain someone furrowed his eyebrows—it was Ethan who looked at Alpas worriedly when he heard the new topic.
Ethan can see that his mate's excitement turned into uneasiness. He was now itching to sit beside Alpas and comfort him.
“Anong cemetery? Hospital daw!” sabi ng isang estudyante habang tumatawa.
“Ano ba yan, naniniwala pa kayo diyan? Noong elementary ako dati rin daw cemetery ang school namen. Lahat ba ng school dating cemetery or hospital?” sagot naman ni Carlos.
Natawa sila habang nagsipagsang-ayon kay Carlos.
“Eh yung multo daw sa classroom naten? Si Maria,” sabi ni Julianna.
Alpas frowned slightly.
“Saan mo naman galing yan?” natatawang tanong ng isang kaklase nila.
“Totoo daw 'yun. Alam mo yung kwento niya, sir?” tanong ni Julianna.
Napatingin ang lahat kay Alpas.
Umiling si Alpas at lumunok. Hindi niya pinapahalata na bumibilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa takot.
“Wala pa naman akong na-encounter na ganyang kwento,” marahang sabi ni Alpas.
“Ako na lang magkukwento base sa chinika sa’kin,” sabi ni Julianna.
Palihim na kinurot ni Alpas ang kaniyang braso. Sa sakit ng kaniyang braso niya binaling ang kaniyang atensyon at sinubukan niyang i-kalma ang kaniyang sarili.
Walang nakapansin kay Ethan na pumunta sa kusina para kumuha ng bottled water at dahan-dahang umupo sa likod ni Alpas. Nakabaling kasi ang atensyon ng lahat kay Julianna.
Binuksan ni Ethan ang bottled water at binigay ito kay Alpas. Nabigla si Alpas at tumingin sa kaniyang likuran.
Ethan flashed him a soft smile, reassuring his mate. Palihim niyang hinaplos ang likuran ni Alpas.
Alpas gradually calmed down, he stopped pinching himself and focused at the warmth of Ethan's hand. Then, he drank from the water bottle.
“Kinikilabutan ako sayo pres eh!” sabi ni Carmila.
“Ibahin niyo nga yang topic, kung hindi gigisingin ko kayong lahat mamaya para magpasamang umihi,” biro ng isa.
Nagtawanan silang lahat at iniba ang kanilang usapan.

BINABASA MO ANG
His Gentle Werewolf [BxB] ✓
General FictionCOMPLETED Hindi alam ni Ethan Keith Figueroa na siya ay isang werewolf hanggang sa nagpalit siya ng anyo sa harapan ng kaniyang guro na si Alpas Alvarez. And what if the reason why they were being emotionally attached to each other in just a short a...