KABANATA 20
Umupo si Ethan sa sala pagkatapos niyang bigyan ng inumin ang kaniyang mga magulang.
“Sorry,” banggit nito.
Napatingin bigla ang dalawa sa kaniya.
“Wala ka namang dapat ipagpaumanhin,” sabi ni Alwina.
Tumayo siya at pinuntahan si Ethan, mukha pa siyang nag-aalinlangan na yakapin ito. Tumango si Ethan at agad naman siyang niyakap ng kaniyang nanay.
He felt so weird. He have been wanting to recover his memories and learned who were his biological parents. He didn't expect to see them and gain his memories at the same time. He's still pretty much taking it all in.
Ngumiti si Thiago at tumayo na din para makisama sa yakapan ng mag-ina. Pumikit si Ethan at huminga ng malalim. He remembered that they were living peacefully back then, he was the pride of his parents and the future alpha of the pack.
His brain is still refusing to remember everything that his grandfather did to him. It's really traumatizing.
Pagkatapos ng kaunting minuto na magkayakap silang tatlo, umupo sila ulit sa kanya-kanya nilang pwesto.
“So, sasama ka ba sa amin, Azrael?” tanong ni Thiago.
“Pa, Ethan na po. Sanay na po ako sa Ethan Keith,” sagot ni Ethan.
Natawa si Thiago. “Whatever you want, son. So?”
Ethan pursed his lips. “Sasama po ako. I'll be leading the pack soon, right?”
Ngumiti si Thiago at Alwina, they look satisfied with Ethan's decision.
“Pero dito muna po ako kay Alpas. I'll explain everything to him. Please understand, it'll surely take time,” sabi ni Ethan.
“We understand,” sabi ni Alwina habang nakangiti pa din.
“Walang problema, nak. Sakto pa lang lumilipat ang lahat sa bago nating tirahan,” sabi ni Thiago.
Tumango si Ethan bago uminom ng tubig. A lot happened to day and he's kind of exhausted.
“Una na kami. We'll wait for your arrival,” sabi ni Thiago habang tumatayo.
“Ingat po kayo,” sabi ni Ethan at hinatid sila sa labas.
Niyakap ulit siya ni Alwina bago sumakay sa kotse at tinapik naman no Thiago ang kaniyang balikat.
Matiyagang pinanood ni Ethan na maakaalis ang kotse bago niya kinandado ang pinto at dumiretso sa kwarto ni Alpas. Naisipan na lang din niyang matulog at sabayan na lamang kumain si Alpas pagkagising nito.
-
The next day, Ethan woke up early while Alpas is still sleeping. Pagkabangon ni Ethan ay agad siyang nagluto at dumiretso sa kwarto para pakainin si Alpas.
“Alpas,” bulong ni Ethan sa tenga ni Alpas.
Ginapang niya ang kaniyang kamay sa nakalantad niyang tiyan at hinaplos ito.
“Love, kailan mo pong kumain,” sambit ulit ni Ethan at hinalikan ang tenga ni Alpas.
Dahan-dahang iminulat ni Alpas ang kanyang mga mata at kumurap. Ngumiti si Ethan at pinaulanan ng halik ang mukha ni Alpas.
Natawa si Alpas at tinulak niya ng kaunti si Ethan. Tinulungan siyang umupo ni Ethan at pinakita agad ang niluto niyang almusal.
Akmang binuksan ni Alpas ang kaniyang bibig para magsalita nang pinigilan agad siya ni Ethan.

BINABASA MO ANG
His Gentle Werewolf [BxB] ✓
Художественная прозаCOMPLETED Hindi alam ni Ethan Keith Figueroa na siya ay isang werewolf hanggang sa nagpalit siya ng anyo sa harapan ng kaniyang guro na si Alpas Alvarez. And what if the reason why they were being emotionally attached to each other in just a short a...