SC 1

1.1K 36 10
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

Ngayon ang araw ng date nila Ethan at Alpas. Pasakay pa lamang sila ng tren papunta sa E City. Madaming tao ang mga nagtutulakan papasok sa tren kaya hinahawakan ni Ethan ang magkabilang balikat ni Alpas para hindi siya banggain ng mga nagmamadaling sumakay.

“Ayos lang ako,” natatawang sabi ni Alpas habang nililingon si Ethan.

“Dapat pala bumili na lang ako ng sasakyan,” sabi ni Ethan. Normal na boses lamang ang kaniyang ginamit na para bang bibili lang siya ng kendi sa kanto.

Natawa lang si Alpas at tumingin sa kaniyang harapan. Nakapasok na sila sa tren at humanap ng mauupuan.

Matapos makausap ni Ethan ang kaniyang magulang, nalaman niya na ang mga halos bagay na binibigay sa kaniya nila Sheena at Diana ay galing sa kaniyang tunay na mga magulang. He doesn't feel guilty anymore about accepting those things dahil sinabi ng mga magulang niya ay deserve niya ang mga iyon.

“Anong nasa isip mo?” bulong ni Alpas.

“Wala naman. Hindi ka nahihilo sa tren?” tanong ni Ethan habang inaayos ang buhok ni Alpas.

Umiling si Alpas at ngumiti. “Sa bus lang talaga,” sabi nito.

“Good,” sabi ni Ethan at hinalikan ang noo ni Alpas.

Tinulak siya ng bahagya ni Alpas habang namumula. “M-madaming tao.”

Tumawa lang si Ethan habang inaakbayan si Alpas. “Medyo malayo ang E City. Matulog ka kaya muna?”

“Hindi naman ako inaantok,” sagot ni Alpas.

“Matulog ka dahil papagurin kita mamaya,” bulong ni Ethan sa tenga nito at pagkatapos tinignan ang reaksyon ni Alpas.

Pulang pula ang mukha niya habang tinutulak palayo si Ethan sa kaniya. Natawa si Ethan at hindi na biniro pa si Alpas baka maiinis pa ito sa kaniya.

Sinabi ni Alpas na hindi siya inaantok pero nakatulog pa rin ito sa balikat ni Ethan pagkalipas ng ilang minuto. Napangiti si Ethan at hinalikan ang buhok ni Alpas, hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga taong tumitingin sa kanila.

He hugged his mate. He wanted to put him on his lap and hide his face from anyone who's staring but he didn't—he was afraid someone in the train would suffer from a heart attack if he really did that.

Ginising ni Ethan si Alpas ng malapit ng tumigil ang train sa station. Buti na lamang at isang sakayan lang ang papunta sa E City.

Dinalat ni Alpas ang kaniyang mga mata at hinayaan muna siyang mag-adjust ni Ethan sa kaniyang paligid. Tumigil na ang tren at nagsilabasan na ang maraming tao.

“Tara?” tanong ni Ethan.

Tumango si Alpas at tinulungan siyang tumayo ni Ethan.

Inayos pa ni Ethan ang damit ni Alpas habang tamad na sumasandal ito sa kaniya.

Ethan chuckled deeply. “Akala ko bang hindi ka inaantok kanina?”

“Akala ko rin eh,” mahinang bulong ni Alpas.

“Buhatin kita?” biro ni Ethan.

Napatayo ng maayos si Alpas at naglakad na palabas ng tren bago pa totohanin ni Ethan ang kaniyang sinasabi. Tumawa si Ethan at sinundan siya.

“Kain muna tayo, love?” tanong ni Ethan.

“Hmm.” Tumango si Alpas.

Naglakad sila papunta sa malapit na fast food chain at kumain lang din ng mabilisan.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Alpas habang pinipisil ang kamay ni Ethan na nakahawak sa kaniya.

“May nakita akong pasyalan dito na may snow,” sabi ni Ethan.

His Gentle Werewolf [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon