CHAPTER TWO

27 1 0
                                    

Napayuko ako ng mag salubong ang kilay ng Senior Manager ko habang binabasa niya ang resignation letter na pinasa ko sa kanya pagpasok ko.. Gusto ko sana ipasa na lang 'yon via e-mail at hindi na magpakita rito dahil hindi ako nakatulog maayos pag uwi dahil sa tuwing pumipikit ako naalala ko kung paano ako habulin ng mga lalaking 'yon, kaya lang hindi naman kaya ng konsensya ko maging unprofessional sa company na pinapasukan ko sa loob ng mahigit 4 years.

"This is an immediate resignation, Ms. Clarkson."

Napalunok ako ng mariin sa tono ng pananalita niya, nakayuko pa rin ako at kahit hindi ko siya nakikita alam kong nagsusuntukan na ang mga kilay niya ngayon at may lumalabas ng usok sa ilong at tenga niya. Ilang beses akong huminga ng malalim bago ko inangat sa kanya ang tingin ko.

"Yes sir, it is." Seryoso kong sagot.

Binitawan niya ang resignation letter ko at sumandal sa swivel chair ng hindi inaalis sa akin ang seryoso niyang tingin.

"Of all the people in this company as a manager ikaw ang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa atin ngayon at kung gaano ka importante ang project na hinahawakan mo ngayon."

Paano ko naman po makakalimutan ang tungkol sa letcheng project na 'yan e muntik na nga akong mamatay dahil d'yan e.

"I'm sorry, I can't accept your resignation right now."

"But Sir —" I tried to protest, which made him frown.

"Look, naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon dahil sa nangyari sa 'yo kagabi and I'm sorry about that trust me, I know right now that you are struggling mentally and it caused you trauma."

Oo sir! Hanggang sa panaginip ko nga nandoon sila e!

"You are one of my best employee here and you are perfect as a manager that is the reason why I can't let you go dahil alam kong hindi na ako makakakita ng katulad mo. Ayaw ko na isipin mong ini-invalidate ko ang nararamdaman mo ngayon pero for the meantime kahit hanggang sa ma close lang natin ang project hindi ko muna tatanggapin ang resignation mo." I open my mouth to protest again when he stops me. "For your comfort and safety papayagan kitang mag work from home hanggang sa matapos natin 'tong project, pupunta ka lang dito sa office pag meron tayong meeting with the investors at pag contract signing na. How is that for you?"

Hindi ko inaasahan na makikipag compromise siya sa akin ngayon para lang hindi ako makapag resign dahil sa tagal kong nagtatrabaho under him doing this is not his thing, siguro sobra talagang importante sa kanya na ma-close namin ang project na 'to at makuha namin ang deal para gawin niya 'to.

"I will give you half a day to think about this pero tatawagan ko na ang I.T. department natin to prepare your equipment." dagdag pa niya.

Napangisi ako at napailing dahil na realize kong bago ako pumunta rito buo ang loob kong mag re resign na ako pero dahil sa offer niya hindi ko na alam.

"Babalik po ako rito pag nakapag desisyon na ako, Sir. Thank you po."

"Thank you, let's talk later."

Tumango muna ako sa kanya bago lumabas ng office niya. Bagsak ang dalawang balikat akong bumalik sa table ko habang paulit ulit kong inaalala ang mga sinabi ni Sir Raven dahil hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng gano'ng offer.

"Calista!:"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot galing sa kung saan si Gorge. Tiningnan ko siya ng masama dahil hindi siya umuwi kagabi at hindi siya sumasagot sa mga tawag ko, kung kailan naman na kailangan ko siya.

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon