Chapter Thirty Eight

3 1 0
                                    

Before ako bumalik sa trabaho, nakapag setup na kami ng formal met up between my family and his family sa isang restaurant ni Kuya naman, sobra ang kaba at takot ko pero mabuti na lang nawala iyon kasi it seems that both parties like each other, inabot na nga kami ng midnight doon sa restaurant dahil hindi sila natigil sa kwentuhan at nagsimula na rin mag prepare ang mga nanay namin para sa wedding, mga bagay na excited silang makita at ilagay sa venue pati ang church wedding napag usapan na rin nila dahil magkaiba ang wedding tradition ng mga Pilipino at mga Koreans. Ang mga tatay naman namin busy mag usap tungkol sa business, I overheard na gusto nilang mag tayo ng golf club and course dito sa Korea. Samantalang tungkol sa online games naman nagkasundo si Liam at ang mga kuya namin. Gusto ko sana ma out of place mabuti na lang nagkasundo kami ng sister in law niya tungkol sa mga libro, nakita niya kasi ang binabasa kong libro na nasa bag ko.

Babalik na ako sa trabaho bukas kaya nandito ako sa bahay mag isa at kailangan ko daw magpahinga, wala si Gorge dahil kailangan niyang mag groceries at mamili ng ibang mga damit na gagamitin niya sa office, si Liam naman busy sa mga sunod-sunod na business meeting niya para sa tinatayo niyang company pagkatapos ng matagumpay na pag launch ng application na ginawa nila ng team niya.

Busy ang lahat bukod sa akin na nandito sa sala, nakaupo sa bean bag couch habang nakatingin sa city view. Wala akong maisip na gawin dahil nagawa ko na ata lahat ng pwede kong gawin, ilang araw ko na rin hindi binubuksan ang phone ko dahil ayaw kong ma stress baka kasi may mabasa akong something lalo na at hindi naman sikreto sa iba na itinakbo ako sa ospital.

"Ano na lang kaya ang gagawin ko?" bulong ko.

Inikot ko ang mata ko sa paligid habang nakanguso at nag iisip ng pwede ko pang gawin ng dumapo ang tingin ko sa isang drawing set, naalala kong binili ko 'to noong nakaraan kasi gusto ko ulit bumalik sa pag da drawing, pero dahil ang daming nangyari nitong nakaraan hindi ko na nagawa.

Alam ko na ang gagawin ko, tumayo ako at kinuha iyon pagkatapos ay pumwesto ako sa bean bag couch at kinuha ang favorite picture ko ni Liam no'ng promotion nila dati.

Sa sobrang focus ko sa ginagawa ko hindi ko na namalayan na nakauwi na pala si Gorge, halos mapatalon ako sa gulat ng may malamig na bagay ang dumampi sa pisngi ko at paglingon ko si Gorge pala, tumatawa niyang inabot sa akin ang hawak niyang yakult.

"Hindi pa rin nawawala ang talent mo, magaling ka pa rin." sabi niya habang nakatingin sa drawing kong almost half done na.

"Akala ko nga kinalawang na ako e." I smile at her bago ko ininom ang yakult.

"Parang hindi naman."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa paligid, hindi ako sanay na walang sinasabi si Gorge kaya nagtataka ko siyang tiningnan, nakatingin lang siya sa hawak niyang yakult habang malalim ang iniisip.

"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya.

"Habang nasa grocery store ako kanina mag isa at namimili na realize ko lang na saglit na lang pala ikakasal ka na, iba na ang kasama mo mag groceries, iba na ang kasama mo sa bahay, iba na ang palagi mong pagluluto, iba na rin ang kasama mo magkape sa umaga, ang kasama mo manood bago matulog sa gabi." bagsak balikat niyang sabi. "Hindi ko inaasahan na darating pala ang panahon na makikita kitang isa-isa ng kukunin ang mga gamit mo rito dahil lilipat ka na sa bahay niyong dalawa. Alam mo naman na may separation anxiety ako pagdating sa 'yo e."

Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang mabilis na kumawala sa mga mata niya.

"Pero don't get me wrong, sobrang saya ko para sa 'yo dahil 'di ba pangarap mo 'to? Isa 'to sa mga daydream natin noon at sino bang mag aakala na ang dating fan ay soon to be wife na ng kanyang kpop idol." she smile again. "Sobrang saya ko no'ng sabihin niya sa akin na gusto na niya mag propose sa 'yo nagpasama pa siya sa akin para kausapin sila Tita at Tito sa plano niya at akala ko nga hihimatayin siya sa sobrang kaba habang kausap si Kuya mo. Sobrang nakikita ko kay Liam kung gaano niya gustong pakasalan ka at alam ko rin nasa mabuti at tamang kamay ka kaya hindi ako nangangamba para sa 'yo." hinawakan niya ang mga kamay ko habang mahina ng humihikbi hindi ko tuloy na pigilan ang sarili kong hindi rin maiyak. "Masaya ako para sa 'yo pero nalulungkot ako dahil mag isa na lang ako."

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon