CHAPTER FOUR

13 1 0
                                    

Binigay ko agad sa mga police on duty ang statement ko tungkol sa nangyari kagabi, sinabi nila na hindi ako ang unang nag report ng same incident sa kanila dahilan para tumaas ang kilay ko dahil ilang taon na akong dumaan sa kalsadang 'yon pero wala naman akong nakikitang mga police na nag iikot doon. Gusto kong magalit dahil wala silang ginagawang aksyon sa insidente para bang naghihintay pa sila na may mamatay muna.

"Sana lang po gawan niyo ng aksyon ito kaagad at hindi na kayo maghintay ng mas worst situation pa bago kayo kumilos." sabi ko sa kanila bago ako tumayo.

Meron pa silang sinabi pero hindi ko na pinakinggan, wala ka talaga aasahan sa mga police dito sa Pilipinas. Walang lingon akong naglakad palabas ng police station pero agad din akong natigilan ng makita ko si Jin na nakasandal sa kotse niya, seryoso ang mukha niya habang may kausap sa phone at nasa malayo ang tingin.

Nawala bigla ang inis ko habang nakatingin sa kanya, hanggang ngayon para pa rin akong nananaginip na nandito siya sa harap ko, nakakausap ko siya na para bang personal na kaming magkakilala noon pa man, nakasakay ako sa kotse ng isa sa world phenomenal group na BTS. Kung malalaman siguro 'to ng mga co-ARMY ko sasabihin nila sa akin na sobrang swerte ko o kung ano ang ginawa ko sa past life ko para maging ganito ka swerte.

"Lord, kung may kapalit man 'tong pinaparamdam mo sa akin ngayon, okay lang pero sana po hayaan mo muna akong sulitin 'to."

Naestatwa ako ng lumingon sa direksyon ko si Jin at nagtama ang mga mata namin. He give me his famous bread smile at mabilis na nagpaalam sa kausap niya bago naglakad palapit sa akin. Parang slow motion ang bawat hakbang niya papalapit at parang nauubusan ako ng oxygen sa sobrang pag pa palpitate.

"So how it goes?" curios niyang tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako makasagot, nakatingin na lang ako sa kanya na para bang na hypnotize niya ako. Hindi ko alam pero parang biglang nag malfunction ang utak ko at naka buhol-buhol ang brain cells ko.

"ARMY?" natatawa niyang tinusok ang pisngi ko kaya bahagya akong napaatras at nagulat.

"Huh?" wala sa sarili kong tanong.

"Are you okay? What happened inside?"

"I'm okay, they just get my statement."

"Hmm." Tumango-tango siya at inayos ang pagkakasuot ng ball cap niya.

Sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko parang anytime lalabas na siya sa dibdib ko, kaya napahawak ako sa dibdib ko at dahan-dahan akong huminga ng malalim kasi kung hindi baka bigla na lang akong mag collapse dito.

"Are you okay?" nag aalala niyang tanong at pilit niya akong tinitingnan sa mga mata ko na pilit ko naman iniiwas sa kanya dahil mas lumalala ang palpitation ko. "ARMY, what's happening to you? You look pale, do I have to bring you to the hospital?"

"I think I'm having a heart attack." Habol hininga kong sagot.

"Why? Why?"

Dahan-dahan kong binalik sa kanya ang tingin ko at nakita ko kung gaano siya nag pa panic habang hindi alam kung ano ang gagawin. Napaka gwapo talaga niya, para siyang vampire dahil hindi siya tumatanda. Lord! Talaga po bang nag-iisa lang ang taong 'to? Talaga po bang wala ng iba 'yong abot kamay lang sana kasi itong nasa harap ko suntok sa buwan 'to e.

"ARMY, let's go to the hospital."

"No, they can't cure me there."

"What do you mean? Of course, they can cure you there."

Matagal bago ako sumagot, saglit ko lang siyang tiningnan sa mga mata and I can really see the universe on those beautiful eyes.

"No one can cure me, my heart is going crazy and I think I'm losing my mind right now because you are standing here in front of me. How can I function properly when the guy who I admire the most for half of my life is here?"

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon