CHAPTER TWNETY SEVEN

6 1 0
                                    

I groan dahil sa ingay galing sa phone ko, kanina pa kasi halos walang tigil sa pagtunog. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nagtaka ako ng makitang nasa kwarto na ako, binuhat siguro ako ni Jin papasok dito kanina.

Sino ba 'tong tumatawag ang aga aga e? Humihikab kong kinuha ang phone ko na nasa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Big Brother calling.........

Napaayos ako ng upo bigla pagkatapos kong makita ang pangalan ni kuya sa phone ko at mabilis na sinagot.

"Kuya?"

[Calista Sienna Clarkson.]

That sent shivers to my whole body. Hindi ko gusto pag tinatawag niya ako sa pangalan ko tapos sa ganitong tono. Bakit na naman ba?

[Really? Sa dami ng pwede mong gawing boyfriend iyong international superstar pa?]

"Po?"

Paano niya 'yon nalaman?

[Ikaw ang trending topic sa lahat ng social media at iyang mukha mo ang laman ng balita internationally?]

Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya at tiningnan ko kung ano ba ang ibig niyang sabihin, parang gusto lumuwa ng mga mata ko ng makita kung gaano karami ang following request at Friend request ko sa lahat ng social media account ko, ang dami ko rin messages galing sa kung sinu-sino at tawag din.

[On the other hand, paano ka nagka boyfriend ng hindi namin alam? Hindi mo man lang pinakilala sa amin bago ka sumama d'yan sa Korea.]

"Kuya naman."

"H'wag mo kong ma kuya kuya d'yan, anong address mo d'yan sa Korea."

Mabilis kong sinabi sa kanya ang address ko rito sa Korea dahil ibigay ko man sa kanya o hindi sigurado naman akong malalaman niya rin kung saan ako nakatira e.

"Kuya, let me explain."

[Mag-usap tayo pag nag kita tayo.]

Bago pa ako makasagot ulit pinatay na niya ang tawag. Ano bang nangyayari? Mabilis kong tiningnan kung ano ba ang pinagkakaguluhan ng mga madla at tinuro ako nito sa IG story post ni Jin.

"Oh my god." I gasp at napatakip pa ako ng bibig.

Video edit iyon ng mga pictures namin ni Jin sa Pilipinas, mga stolen pictures ko, mga pictures namin na sweet at mga pictures namin na magka holding hands at magkayakap. At the end of the video is iyong greeting niya sa akin sa ika 100th day anniversary namin.

"Shit!"

Nawala sa isip ko!

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla ulit tumunog ang phone ko at this time si Gorge naman ang tumatawag.

[Bakla! Jusko abot hanggang dito sa Pinas ang buhok mo. Anong feeling na ginawa ng public ni Jin ang relationship niyo? Huh?]

"Bakla! Ang kilig ko abot hanggang Pluto!"

Sabay pa kaming napatili na parang mga high school students.

"Pero nagtataka ako kasi tinawagan na ako ni kuya pero wala akong natanggap na tawag galing kila Nanay at Tatay."

[What's wrong with that?]

"Hindi ko alam pero 'di ba dapat sila ang unang tatawag sa akin?"

[Sabagay may point ka naman d'yan pero hayaan mo na baka mamaya overwhelm lang din ang parents mo at maya maya tawagan ka nila.]

"Gorge."

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon