CHAPTER SEVEN

12 1 0
                                    

Pagkatapos namin maayos ni Gorge ang table, tinawag na namin si Jin para kumain at para naman siyang batang super excited na mabilis lumapit. Halos kuminang ang mga mata niya habang nakatingin sa mga pagkain.

"Wow! It looks and smells great!" excited niyang sabi.

"Let's eat, so you can taste it as well." nakangiti kong aya sa kanya.

Kinikilig ako dahil isa 'to sa mga fangirl dream ko ang mapag luto sila pero at the same time kinakabahan din ako dahil baka hindi niya magustuhan ang pagkakaluto ko.

"What do you call this food again?" tanong niya habang nakaturo sa adobo. "They usually serve this food to us before."

"Pork adobo." nakangiti kong sagot. "Let me give you some." mabilis ko siyang nilagyan sa plato niya. "You need to taste this one too it's called caldereta." at nilagyan ko rin siya ng caldereta. "You need to have some fried rice as well."

Natigilan ako ng maramdaman ko ang tingin niya habang busy ako sa paglalagay ng kanin sa plato niya at ng lingunin ko siya halos mabitawan ko ang hawak kong sandok sa nakakatunaw niyang titig at magandang ngiti.

"Guys, let's eat." bigla namang singit ni Gorge at binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.

"Thank you for the food, ARMY." nakangiting sabi naman ni Jin habang nakangiti pa rin na sa sobrang ganda natanggal no'n lahat ng problema ko sa buhay.

"I hope you'll like the food." matipid na sagot ko habang pinipigilan ang kilig.

"I surely will."

Habang naglalagay ako ng pagkain sa sarili kong plato pasimple ko siyang nililingon habang kumakain. Enjoy na enjoy siya habang puno ang bibig at nanlalaki pa ang mga mata, hanggang ngayon ganito pa rin ang expression niya pag na e-enjoy niya ang pagkain. Nakakatuwa.

"How was it?" biglang tanong sa kanya ni Gorge.

"It tastes good! This is the most delicious adobo I ever tasted, you cook so well ARMY, should I hire you as my cook?"

Halos masamid ako sa kinakain ko dahil sa sinabi niya, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Hindi ba niya alam na isa 'yan sa mga pangarap naming ARMY? Ang maging taga luto, taga punas ng pawis, taga ayos ng buhok, taga bigay ng tubig kahit nga taga ayos ng damit nila e. Willing akong iwan ang lahat kung aalukin niya akong maging cook.

"Don't give me that kind of offer 'coz I'll surely accept it." sagot ko.

This time siya naman ang nasamid, naubo siya at mahina niyang pinalo-palo ang dibdib niya kaya nataranta kami ni Gorge.

"You okay?" nag-aalala naming tanong sa kanya at inabutan ko siya ng tubig na mabilis naman niyang kinuha para inumin.

Hinintay namin siyang kumalma habang nagpipigil ng tawa na nakatingin sa kanya. Pulang-pula ang mukha niya at pinagpawisan din siya.

"You know that I'm just joking, right?"

"I know, but if you are serious I'll still accept it."

We stare at each other for awhile bago siya tumawa ng malakas pero nanatiling seryoso ang mukha ko kaya natigil siya sa pagtawa.

"Are you serious?" gulat niyang tanong.

"Yes."

"You're a Manager right now, how come you want to be my cook?"

"Working for you is my first dream before becoming a manager."

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon