CHAPTER NINE

8 1 0
                                    

Nasa byahe kami ni Jin papunta sa Sta. Rosa Laguna, nag drive-thru lang kami ng pagkain dahil pag-uwi kanina nilapag lang namin sa kitchen ang mga pinamili tapos nagpalit ako ng damit at umalis na rin kami kaagad. Weekend kasi ngayon at for sure maraming tao ang pupunta sa Enchanted Kingdom, ayaw kong pumila ng mahaba para makasakay sa mga extreme rides.

"Jin." tawag ko sa kanya pagkatapos kong sumubo ng fries.

"Hmm?" tugon naman niya habang nasa daan ang tingin.

"Don't you have work today?"

"I have."

Halos masamid ako sa mabilis niyang sagot na parang wala lang iyon sa kanya.

"Seok Jin!" singhal ko sa kanya at napuno naman ng malakas na tawa niya ang sasakyan.

"What?"

"How can you —"

"Chill, ARMY." saglit niya akong nilingon bago binalik sa daan ang tingin. "I can still manage to finish those later, I just want to relax first. Besides, I'm not just here for work, I'm also here for vacation."

Kakaiba talaga ang lalaking 'to. Habang nasa byahe kami nag kwentuhan lang kami tungkol sa BTS noong mga panahon na nagsisimula pa lang sila, kaya halos hindi ko na napansin ang haba ng byahe dahil nag enjoy ako sa kwentuhan namin.

"Oh." amuse na sabi niya ng nakarating na kami sa Enchanted Kingdom.

Mabilis siyang nag park pagkatapos ay magkasabay kaming bumaba ng sasakyan. Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa mga matataas na rides na kita hanggang sa labas ng amusement park. Napangiti lang ako habang nagsusuot ng face mask dahil kailangan namin 'to para sa security and safety namin pareho.

"Hey." nakangiti kong tawag sa kanya. "You should wear this." sabi ko at inabutan ko siya ng isang cute na face mask.

Hindi naman siya tumanggi at mabilis niya 'yon sinuot, napag usapan na namin ang tungkol dito dahil kung gusto niyang mag enjoy at hindi pag kaguluhan ng mga tao kailangan niyang takpan ang gwapo niyang mukha. Pareho kaming nakasuot ng face mask at ball cap para na rin proteksyon sa init.

"Let's go!" excited niyang aya sa akin.

Nagulat at napatingin ako sa kamay kong hawak niya habang naglalakad kami papunta sa entrance ng E.K. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin sa malapad niyang likod, alam kaya niya kung ano ang epekto ng mga simpleng ganitong bagay para sa katulad ko? Baka hindi na ako mag hugas ng kamay!

"Good morning, Ma'am and Sir." masigla at friendly na bati ng babae sa ticketing booth. "Ano pong package?" dagdag pa niya.

Hawak pa rin ni Seok Jin ang kamay ko kaya hindi pa rin bumabalik sa disposisyon ang utak at sistema ko. Tulala lang akong nakatingin kay ate kaya inulit niya ang tanong sa akin.

"Sorry." I smile kahit hindi naman niya 'yon kita dahil sa suot kong face mask. "Ekspress please for two and if not included can you add Agila too?"

"Sure, Ma'am!"

Mabilis na inayos ni ate ang tickets namin at sinabi na niya ang total price, bago pa ako makapag react at makakuha ng pera inabot na ni Jin ang credit card niya.

"Thank you, Sir." nakangiting inabot ni ate kay Jin ang card niya pabalik at bahagyang tumango si Jin habang binabalik niya sa wallet ang card niya. "Here is your ticket ma'am and sir."

"Thank you." sabay naming sabi ni Jin sa kanya bago kami dumertso sa entrance.

Sinalubong naman kami ng nakangiting lalaking crew na nilagay sa wrist namin ang wristband ticket at tinatakan kami.

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon