CHAPTER EIGHT

7 2 0
                                    

Hindi ako makatulog, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon sa pag yakap niya sa akin, amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya at randam ko pa rin ang body heat niya sa bawat parte ng katawan ko. Nakangiti kong inabot ang phone ko at binuksan ang IG account ko para mag story.

C_lista

You are every reason, every hope and every dream I've ever had. What a beautiful moon.

Pag alis ni Jin kanina kinuhanan ko ng picture ang buwan, ito ang nilagay ko sa story at caption. After mag post ng story pumikit na ako ulit para pilitin ang sarili kong matulog, pero hindi ko pa nahahanap ang tulog ko ng sunod-sunod na tumunog ang notification ng phone ko.

"Sino naman kaya 'to?"

Inabot ko ulit ang phone ko para tingnan kung sino ang nag cha-chat sa akin at nanlaki ang mga mata ko at impit akong napasigaw ng mabasa ko ang pangalan ni Jin sa screen, nag chat siya sa akin pagkatapos niyang mag react sa IG story ko.

Jin: It's already late, why are you still awake?

C_lista: Can't sleep. You?

Jin: I just came home.

C_lista: Why? Where have you been?

Jin: Business meeting.

Nag ta-type na ako ng reply sa kanya ng biglang lumabas ang mukha niya sa screen ko. Tumatawag siya! Nataranta ako bigla., napaayos ako ng upo sa bed at ilang beses akong tumikhim bago sagutin ang tawag niya.

"Hi!" bati niya sa pagod at inaantok na boses kaya napakunot ang noo ko.

"Hello. You sound tired, are you okay?"

"Kinda exhausted because of the business meeting earlier."

"You should take a rest."

"I'm already lying on my bed and my eyes are closed."

Natawa naman ako sa boses niya, ang groggy at ang lalim na kasi parang any time makakatulog na siya pinipilit lang niya ang sarili niyang gumising.

"Jin, you should sleep now."

"I just want to hear your voice, ARMY."

Natigilan naman ako sagot niya.

"Okay."

Hoy! Bakit gusto mo pa marinig ang boses ko? Magkasama naman tayo kanina. Ay naku! Pa mix signal na siya baka mamaya delulu lang pala ako.

"Hmmm. Are you busy tomorrow?"

"It's the weekend, I don't have work. Why?"

"Nothing. Can you cook for me again?"

"Sure! What food do you want?"

"Anything."

"Okay, just drop by and I'll cook for you."

"That's great."

"You really need to sleep now."

"Hmm. Good night ARMY."

"Good night, Jin."

After ilang minuto hindi pa rin siya sumasagot, malalim na ang paghinga niya lang sa kabilang linya ang naririnig ko at parang humihilik na siya. Nakatulog na nga siguro.

"Sleep well, my moon."

Pinatay ko ang tawag pagkatapos para makatulog si Jin ng maayos at para na rin makatulog na ako dahil anong oras na.

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon