CHAPTER ONE

43 2 0
                                    

                                                                                  CALISTA



Gusto ko na talagang mag resign sa trabaho na 'to, hindi na nga malaki ang sahod palagi pa akong over work at nag o-over time, hindi na rin worth it ang stress na nararamdaman ko hanggang sa pag-uwi ko sa bahay. Jeez! Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob para mag submit ng resignation letter sa grumpy boss ko?

Napatingin ako sa paligid, halos wala ng tao sa kalsada, sarado na rin halos lahat ng mga establishments bukod sa mga convenient stores na 24/7 bukas. Kanina pa ako nandito pero wala pa rin dumadaan na pwedeng sakyan pauwi, palagi na lang akong hindi binibigyan ng choice pag ganitong oras ako umuuwi, wala na naman akong magagawa kung hindi ang maglakad pauwi dahil ayaw ko naman tubuan ng ugat dito kakahintay ng sasakyan.

"Pag ako talaga na rape dito o kaya na holdup sinasabi ko talaga mag re-resign ako agad bukas!"

Ilang beses akong huminga ng malalim habang nakatingin sa kalsada na lalakaran ko, hindi talaga mawala sa isip ko ang mga hunted at creepy na daan sa mga horror movies na napanood ko. Mas lalo tuloy kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil kung saan saan na umabot ang imagination ko!

"We can do it self, Aja!"

Mariin kong hinawakan ang strap ng backpack ko bago sinimulan tahakin ang madilim, tahimik at nakakatakot na daan habang nagdadasal sa lahat ng santong kilala ko na sana makauwi ako ng buo at buhay sa bahay.

"Shit." bulong ko.

Bahagya kasi akong napahinto sa paglalakad ng may naramdaman akong mga taong naglalakad sa likod ko. Damn it! Dahan-dahan akong lumingon para kumpirmahin kung tama ba ang nararamdaman ko at halos bumigay ang mga tuhod ko sa takot ng may dalawang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin, madilim pero dahil sa liwanag galing sa buwan kahit paano naaninag ko sila, pero hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa suot nilang hoody jacket.

Halos mapasigaw ako sa takot ng magsimula silang maglakad ulit papalapit sa akin.

"Oh God!"

Mabilis akong naglakad papalayo sa kanila habang panay ang lingon sa likod pero dahil mas malalaki ang bawat hakbang nila sa akin mas umiikli ang distansya sa pagitan namin. Napapikit ako ng mariin at mabilis ng tumakbo habang kinukuha ang cellphone ko at nag dial ng number ng hindi tinitingnan dahil abala ako sa palingon sa mga lalaki.

"Hello?"

"Help!" I burst out crying as soon as I heard someone on the other line while gasping for air.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako tumakbo ng ganito kabilis at katagal. Narinig kong sumagot ang kausap ko sa kabilang linya pero hindi ko siya masagot dahil ng makita ng mga lalaking may kausap na ako sa phone binilisan na nila ang pagtakbo papalapit sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang mas bilisan pa ang pagtakbo. I just keep on crying for help hoping that the person on the other line can help me.

Hindi ko na kayang tumakbo, nahihirapan na akong huminga dahil sa takot at pag-iyak alam kong malapit na rin bumigay ang mga tuhod ko dahil sa pagod, Lord! This is it na po ba? Muntik na akong sumuko ng may nakita akong lalaking nakatayo sa tabi ng kotse niya, nakabukas ang pinto nito sa driver seat at parang pasakay na siya doon pero may kausap pa siya sa phone niya.

"Tulong!" I shouted loudly that made him turn in my direction.

Halos itapon ko sa kanya ang sarili ko ng makalapit ako sa kanya. Mahigpit akong yumakap sa bewang niya habang humahagulgol at hinahabol ang paghinga.

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon