CHAPTER TWENTY NINE

7 1 0
                                    

After one week nandito na ako sa office ng Hybe kung saan ako mag ta trabaho, pagkatapos akong i tour ng Marketing Head at ituro niya sa akin kung saan ang office ko ay pinakilala na niya ako sa iba pa namin kasama sa trabaho kahit na parang hindi na niya kailangan gawin iyon dahil kilala na naman nila ako. They give me a warm welcome na para bang normal na new employee lang ako na sobra kong na appreciate sa kanila, dahil sobra ang kaba ko kanina papunta rito thinking na baka hindi nila ako itrato na normal na employee dahil sa relationship namin ni Jin.

"You'll be handling TXT projects first, Cali." sabi sa akin ng head marketing namin no'ng nakabalik na kami sa office niya. "This is their ongoing and upcoming projects." inabot niya sa akin ang ilang pirasong folders. "Please guide them properly. I trust you." nakangiti pa niyang dagdag.

"I'll do my best Ma'am." nag slightly bow pa ako sa kanya. "I'll go ahead to meet the team." paalam ko sa kanya bago ako lumabas ng office niya.

Nagtanong ako sa mga kasama ko kung saan ko makikita ang team ng TXT at tinuro naman nila sa akin kung saan iyon kaya mabilis na akong naglakad papunta doon, sumakay ako ng elevator papunta sa 5th floor kung nasaan sila ang office nila. Habang hinihintay ko ang elevator binasa ko muna ang message ni Jin sa akin kanina pagkatapos niya akong ihatid sa building na ngayon ko lang nabasa.

Jin: Good luck on your first day ARMY, I hope I run into you later. Let me know if something happened.

Mag re reply na sana ako kaya lang bumukas na ang pinto ng elevator kaya binalik ko na agad sa bulsa ko ang phone at lumabas. Pagpasok ko sa loob ng nag iisang pinto sa buong floor sinalubong agad ako ng palakpakan galing sa mga staff.

"Welcome, Ms. Cali." bati nila sa akin.

"Oh! Gosh! Thank you." nahihiya ko naman na sagot.

Isa-isa silang nagpakilala sa akin mula sa mga managers, hanggang sa mga directors, writers at editors. Nakakatuwa rin na ang energetic nila.

"The boys are still on their daily practice." sabi ng isang manager.

"I understand and I don't want to ruin the atmosphere of the team but I need to catch up on their activities. Do you all mind helping me?"

"Of course!"

Nagsimula na kami sa discussion tungkol sa activities ng TXT pati na rin ang mga upcoming activities nila, marami akong mga suggestions na tinanggap naman nila kaya medyo marami kaming babaguhin at a ayusin na sa mga nasa listahan. Nagpalitan kami ng ideya ng buong team at kahit first day ko pa lang ang gaan ng feeling na ganito ang mga ka trabaho mo.

" I appreciate your time, team." I smile. "Since this is my first day, lunch is on me."

"Yes!" celebration nilang lahat na nag patawa sa akin.

"Let's wait for the boys so we can eat all together."

Maya-maya lang isa isa ng pumasok sa loob ng office ang boys. I suddenly feel old dahil no'ng una ko silang makita debut pa lang nila and now isa na sila sa kilalang kpop group sa mundo. They are all smiling despite na kitang kita ang pawis sa kanila at sa mga suot nila, halos hinihingal pa nga sila.

"Good afternoon, sorry we are late." magalang na paumanhin sa amin ni Soobin.

"That's okay, here is Ms. Cali she's our new Marketing Manager." pagpapakilala naman sa akin ng isa sa mga manager.

"Nice meeting you." sabay sabay nilang bati sa akin and they respectfully bow their head and I did the same way.

"Manager-nim, are you the girlfriend of Jin Sunbae-nim? Nagtataka na tanong ni Beomgyu na mabilis naman siyang mahinang pinagalitan ni Yeonjun at Soobin.

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon