CHAPTER FIVE

14 1 0
                                    

Sobrang unexpected na magiging comfortable agad sa akin si Jin habang kumakain. Totoo nga talaga ang sinabi niyang allergy siya sa seriousness, sobrang sakit ng panga at tiyan ko kakatawa sa kanya. Sa sobrang saya ng usapan namin hindi na namin namalayang halos tatlong oras na pala kami nandoon.

Nag offer siya sa akin na ihahatid niya ako hanggang sa condo namin at syempre hindi ko 'yon tinanggihan, grab lang ng grab!

"Thank you for today." nakangiti niyang sabi ng nakarating na kami sa condo ko.

"No! Thank you for fulfilling my fangirl dream today."

"It's really nice to meet and talk to an ARMY like you."

"And it is really life changing to be with a BTS member."

"Okay, you win." Umiiling niyang sabi at sumandal.

"Why? I'm not competing with you." nagtataka kong sagot.

"Yes, you are."

"No."

"Yes, you are, you suddenly remind me of Jungkook who doesn't want to lose."

Nagtataka ko siyang tiningnan, hindi ko alam na gano'n ako. I mean I don't usually back down easily but still it depends on the situation. On the second thought dahil nga sila ang big influence ko baka nga halos 60% ng personality ko nakuha ko sa kanila.

"Fine —" nagkibit balikat ako at ngumiti ulit sa kanya. "I need to go now, I already took so much of your time. Thank you again."

Nag aalangan kong tinaas ang kamay ko papunta sa world wide shoulder niya. I took a deep breath bago ko dahan-dahan pinatong sa balikat niya ang kamay ko at tinapik tapik 'yon.

"I really enjoy this day, take care always and I'm waiting for your new song."

Inayos ko ang hawak sa laptop bago binuksan ang pinto sa gilid ko at palabas na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso para pigilan.

"Wait." sabi niya. "Can I have your phone number, if you don't mind?" tanong niya in a very sincere voice. "I just want to get in touch with you, I only know a few people here in the Philippines and it will be great if I'll be friends personally with an ARMY right?"

Matagal ko siyang tinitigan dahil parang nag loading ang pag process ng mga sinabi niya sa utak ko. Ilang beses akong pumikit-pikit baka kasi mali ako ng narinig o mali ako ng intindi sa sinabi niya.

"You want my phone number?" pag uulit ko sa sinabi niya.

"Yes, your phone number."

Excited akong umayos ng umupo ulit at mabilis kong binuksan ang bag ko para kunin ang card holder ko kung saan nakalagay ang special business card ko, personalize 'yon dahil 'yong huling group photo nila ang background ng card.

"Here! It's limited edition." excited kong sabi sa kanya.

"Wow." gulat niyang bulong habang tinitingnan ang business card na inabot ko sa kanya.

"That's special so please take a good care of it and don't give my number to anyone, okay." pabiro kong bilin sa kanya. "Good bye." paalam ko sa kanya ulit bago ako lumabas ng tuluyan sa kotse niya.

Binaba niya pa ang window sa passenger side at kumaway sa akin habang nakangiti and that smile make my heart flip. I waive back at him bago ako pumasok sa loob ng condo.

Full of energy akong umakyat papunta sa condo unit namin at dahil nasa mood ako pagkatapos kong mag shower at magpalit ng damit umupo ako sa dining table para magtrabaho.

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon