CHAPTER THREE

23 1 0
                                    

Ater namin kumain ng breakfast bumalik na kami sa office at habang nag hihintay ako mag lunch time tumambay muna ako sa cubicle ni Gorge. Ini-stalk ko ang IG ng Bangtan dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito si Jin sa Pinas, baka lang may nasabi siya sa mga post niya or ang ibang member na hindi ko lang nabasa.

"Cali." sabay kaming napalingon ni Gorge sa katrabaho namin na biglang dumungaw sa cubicle niya.

"Yes?" gulat kong tanong.

"Hinahanap ka ni grumpy boss, punta ka na daw sa office niya para doon sa pinag-usapan niyo."

"Akala ko po ba sabi niya half day, wala pa naman ah."

"May meeting daw kasi siya over lunch."

"Tss. Hindi pa nga ako nakakapag decide e." bulong ko habang tumatayo sa inuupuan ko.

"Pumayag ka na, Cali, h'wag ka na choosy." sabi naman ni Gorge.

"Sige pupunta na ako doon." Walang gana kong sagot.

Nakanguso akong naglakad papunta sa office ni Sir Raven pero bago ako pumasok huminga muna ako ng malalim at binalik sa poker face ang expression ko.

"Good afternoon po, Sir." Bati ko sa kanya pagpasok ko sa loob.

Inalis niya sa binabasa niyang file ang tingin para tingnan ako ng walang emosyon.

"You can pick up your equipment sa I.T office, it's already ready."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya kasi hindi pa ako pumapayag sa condition niya pero parang hindi naman niya kailangan ng sagot ko.

"Thank you po?" patanong kong sagot at napakibit balikat na lang ako.

"Katulad ng sinabi ko kanina hanggang sa matapos lang natin 'tong project na 'to then pipirmahan ko na ang resignation mo."

"I understand po."

Hindi mo naman ako binigyan ng choice e, palagi naman.

"Thank you. " Sinara niya ang folder at binalik sa akin ang tingin niya. "I'll give you an update kung kailan ang sunod na meeting natin with the clients."

"Noted that Sir, mauna na po ako."

"I need you to do one more thing."

Tiningnan ko lang siya dahil hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Please visit a psychologist to make sure na you are fine mentally as well."

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon, nauntog ba siya today or may nangyari bang hindi maganda at nagkakaganito siya.

"I'll do that Sir." alanganin akong ngumiti sa kanya bago ako nagpaalam ulit at tuluyan na lumabas ng office niya.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang biglang changes sa ugali ng boss namin, matagal na akong nagtatrabaho under him kaya kilala ko na siya at 'tong pinapakita niya sa akin ngayon ay hindi siya, baka naman may kambal siya na hindi namin alam o baka naman sinasapian siya? Sa sobra kong pag-iisip hindi ko na namalayan na nasa I.T department office na pala ako.

"Hello po, ma'am." nakangiting bati sa akin ng isang I.T staff na siguro O.J.T lang dahil mukhang bata pa.

"Hi, I'm Calista Clarkson." pagpapakilala ko sa kanya.

"Ay! Opo, ito na po 'yong laptop na requested ng Senior Manager niyo."

Mabilis niyang kinuha sa kabilang table 'yong laptop.

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon