CHAPTER SEVENTEEN

5 1 0
                                    

Maaga pa lang naka prepare na ang mga gamit ko at nakagawa na rin ako ng sandwich na dadalhin ko dahil sigurado akong hindi kakain ng breakfast si Jin bago siya pumunta rito, baka nga sa office niya 'yon manggagaling. Habang hinihintay kong dumating siya tiningnan ko muna ulit ang sarili ko sa full-length mirror namin, ilang beses ko ng tiningnan ang suot kong simpleng gray sweatshirt, black na above the knee shorts tapos sneakers. Gusto kong maging komportable sa byahe at the same time hindi mamatay sa heat stroke dahil sobrang init dito sa Pinas.

"You look good, ganyan talaga pag inspired gumaganda kahit na anong suot, no?" muntik pa akong mapasigaw sa gulat ng biglang magsalita si Gorge na nakatayo sa tapat ng kwarto niya at nakasandal sa pinto.

"Nakakagulat ka naman." singhal ko sa kanya.

"Maganda ka na." biro pa niya at naglakad papunta sa kusina. "Mag-iingat kayo doon ah. Sinabi ko naman na sa 'yo ang mga kailangan mong malaman kagabi pagdating niyo doon, magsabi ka lang sa akin pag nagka problema, okay."

"Okay lang ako, don't worry, kasama ko si Jin." nakangiti ko namang sagot pero nasa phone ang tingin dahil nag message si Jin.

"I know." she smiles habang nagsasalin ng coffee sa cup. "Sinasabi ko lang naman, pero mag enjoy kayo doon, huwag mo kong kalimutan dalhan ng pasalubong."

"Oo naman, ginawan din kita ng sandwich d'yan."

"Thanks. Malapit na ba siya?"

"Yep, malapit na siya, galing siya sa office nila kaya any minutes nand'yan na 'yan."

"Nagtatrabaho pa rin siya?"

"Sabi niya may tinapos lang sila para okay ang lahat bago siya mag bakasyon."

"Okay." kibit balikat niyang sagot. "Napaka hard working naman ng boyfriend mo, hindi naman na niya kailangan maghanda masyado para sa future." pang aasar niya pa.

Ngumuso lang ako sa kanya habang tinatali ang buhok ko sa medyo messy bun para hindi ako mahirapan mamaya.

"Cali." tawag niya sa pangalan ko in a serious tone kaya nagtataka ko siyang nilingon ulit. "Alam mo naman na kahit anong gawin mo at sabihin niyo meron talagang mga tao na may masasabing hindi maganda hindi ba?"

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya.

"Hindi mo sila kailangan i-please, they are entitled with their own opinion, just keep in mind na hindi nila kayo kilala personally kaya hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari sa inyo ni Jin. Besides, Jin is a grown up man now and he is on the right age. Hindi siya pag-aari ng kung sino kaya his life his decision, irespeto man iyon ng iba o hindi siya pa rin ang masusunod sa kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya.

Bagsak ang mga balikat ko at hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya, ngumiti ako pero ramdam kong alam niyang pinilit lang iyon, Bumagsak ang mga balikat ko bigla, ngumiti ako sa kanya pero pilit lang iyon. No'ng isang araw lang kasi nalaman ko ang tungkol sa isang article na nilabas ng isa sa sikat na korean media, naging careless kami no'ng nasa Tagaytay kami kaya meron silang nakuhang information sa naging trip namin, he tried to do damage control on it kaya rin siguro hindi nila dinis-close ang information ko. Maganda ang laman ng article nothing was against Jin or me but the comment section halos ilang araw akong hindi pinatulog ng mga nabasa ko doon.

"Ang mahalaga masaya kayong pareho ni Jin. Alam ko naman na no'ng pumasok ka sa relasyon na 'yan handa ka na sa ibang mga comment na hindi maganda, hindi ba?"

"I think so, pero wala naman akong choice kung hindi maging handa, 'di ba?"

"Oo nand'yan ka na e.''

Seven with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon