"Kai's POV"
"KAI! TEKA LANG!"
"SAAN KA PUPUNTA?!!"
"ALAM MONG HINDI PE-PWEDE YAN!"
Dinig na dinig ko ang pag-uusap ng mga ugok kong kaibigan habang sinasabihan ako sa binabalak ko, dahil talagang sasali ako at hindi ko hahayaang maunahan ako ng panget nayun sa pagbigay ng mangga kay Yanna.
Hinding hindi!
Kaya pala!
Kaya pala na habang pinag uusapan namin ni Yanna ang tungkol sa mangga kanina... ay parang may nakikinig samin! Ikaw pala 'yon Marten! Chismoso ka! Malakas din pala ang radar mo ha!Tigtig na titig akong lumalapit na papunta sa kanilang puno, habang ang lahat ay nakatingin parin sa kanila.
Habang lumalapit ako ay naabutan na pala ko ni Carl, at agad na humawak sa braso ko.
"Kai, saan ka pupunta?!"
Tanong sakin nito, kasama ang apat na sila Steven, William, Bobby at Patrick na takang taka at nagtatanong din.Lalo lang lumabas ang ugat ko sa ulo sa apat na ito.
"Tinatanong paba yun, edi aakyat! 'Di pwede siya lang magpasikat!"
(ノಠ益ಠ)ノ彡
Hahawakan pa sana ko ng dalawa na sina Steven at William, pero sinamaan ko sila ng tingen kaya naman napabitaw ang mga ito.
"Makuha kayo sa tingen ah!"
(ノ °益°)_____________________________
"Third person POV"
Si Kai, at ang kanyang mga kaibigan ay nasa likuran ng mga estudyanteng nanonood. Malayo-layo sila kila Yanna kaya halos walang makapansin sa kanilang pinagtatalunan dahil ang lahat ay nakatingin sa itaas.
"Hindi nga pe-pwede! Sabi eh!" - Steven
"ANAK NANG! UMALIS KAYO DIYAN!" - Kai
"HAWAKAN NIYO YUNG BINTI!" - William
Ang lima na sila Steven ay sabay sabay na yumakap kay Kai habang nagsisimula na itong kumilos dahil mukhang hindi talaga nagpatinag at talagang pinilit makipag singitan sa tao upang makaakyat na at sumali.
"A-aray ko naman!"
"Ouch!"
Agad na napatabi at napareklamo ang mga estudyante sa kalagitnaan ng kanilang panonood dahil para bang may malaking bulas ang tumutulak at pilit na sumisingit mula sa kanilang likuran papunta sa harapan.
Nagsisimula na silang makakuha ng atensyon nang lumabas ang lima na sila Steven sa harap, na tinutulak at hinahatak pabalik si Kai papapunta sa likuran.
"PADAANIN NIYO KO SABI EH!"
"Kai, kapag kami nainis sayo dadaganan kana namin! Yari tayo kay, Sir Jimmy nito!"
Sambit ni Bobby na nasa kanyang harapan at pilit siyang pinipigilan."Wala 'kong pakielam sa oso na yun! Umalis kayo diyan!"
(‘益’# )
Giit nito at nagpupumilit parin."Hindi ka talaga papapigil ah!"
Habang si Patrick ay hinawakan naman ang kanyang binti upang hindi na ito makahakbang pa.Agad napansin ni Kai na halos hindi na siya makagalaw at mukhang ihihiga talaga siya ng lima.
"TALAGA NAMAN!"
Pero bago pa siya maitumba ng lima ay agad niya itong pinagyayakap. Una niyang hinawakan si Steven sa balikat, habang sa kaliwa naman ay si Patrick. Nagtaka ang nakakakita sa kanila kung bakit parang nagkaroon ng group hug ang mga ito, pati sina Aiko at Jimmy ay nagtataka rin kung ano nga ba talaga ang nangyayare.
BINABASA MO ANG
Headshot (COMPLETED)
Mystery / Thriller"BRING IT ON!" A Zombie Apocalyptic world is coming. Kairo Marciano and his friends are getting on a project trip with his University class to take a contest. Without knowing that an undying virus awaits of their arrival. Tragedy starting to happen...