Napatigil ang lahat nang makita ang Bus na may nakalagay na number 6. Ito ang Bus na kung saan kinuha ng mga nang hi-jack na apat na lalaki.
Isang punot dulo kung saan nadamay ang iba pang mga Bus sa pagkawala.Naiiyak ang mga estudyante sa tuwing naalalala ang mga oras na yun.
Napatayo ang lahat ng Football players at dumerecho kay Jimmy. Pati ang mga lalaki na nasa likod ay napatayo dahil gusto nila itong puntahan at silipin.
"Coach isama mo kami!" pagpupumilit nang mga Football players na sila Clyde at Dean.
Pero agad din naman silang nabigla sa mukha ni Jimmy. Ngayon lang kase nila nakita nang ganito ang kanilang coach. Kahit na madalas man silang matakot kay Jimmy eh ibang mukha na ang ipinikita nito.
Pati sina Yanna na nasa likod ay natatakot narin kila Kai at Mario na naatat nang makalabas. Nangigigil na ang mga ito.
Nakaramdam na lalo nang kaba si Aiko dahil kumuha na nang baril si Jimmy. Alam niyang wala talaga siyang balak na umalis at hindi man lang silipin ang Bus.
(Jim, May tao sa loob! Nakita sinilip tayo!!)
Pagtawag pa ng ibang proffesor sa radyo.
"Bumaba yung mga gustong sumama!"
Isang salita ni Jimmy kung saan nagsimula nang magkagulo ang mga lalaki sa pagbaba. Sina Yanna at Aiko ay wala nang nagawa kahit na pigilan pa nila.
Alam na nilang pareho na kahit anong pang gawin nila, eh hindi talaga papapigil ang to.
Sina Mario, Jin, Kai, Steven, William, Bobby at Patrick ay sumunod na bumaba din.
Nagsipuntahan man ang mga zombie sa kanilang direksyon ay wala silang pakielam. Deretcho parin na bumaba sila Jimmy.
Si Aiko naupo at seryoso naupo na lamang. Pati siya ay nakakaramdam narin ng galit sa tuwing naalala ang oras na yun.
Iilan lang ang mga may hawak ng baril at ang iba ay baseball bat, bakal, at kung ano pa na pwede nilang magamit pamalo.
"DITO LANG KAYO SA LABAS AH. WAG KAYO SASAMA SA LOOB!"
Sambit ni Jimmy sa kanilang lahat habang papalapit na sa Bus. Nagreklamo pa ang players niya pero hindi niya ito pinakinggan.
Gusto niyang pagbantayin ang mga ito sa labas dahil sa zombie at mag isa nalang na pumasok sa loob.
Pero sila Kai at Mario ay mga walang balak na sumunod. Nagkukuwanri man ang mga ito na nakikinig pero hindi na sila makapag hintay na makapasok.
Doon na binuksan ni Jimmy ang pinto.
"Jim. Alam kong sa una palang na makita mo yung Bus na'to. Alam kong parehas agad tayo ng iniisip.
Alam kong hindi ka papayag na hindi masilip at makita man ang pagmumukha ng mga lalaking sumira sa mga estudyante.Lahat tayong mga lalaki na nandito. Alam yun!"
Eto ang mga salitang nasa utak ni Kai. Hindi niya maalis ang kanyang mata sa likuran ni Jimmy.
Si Aiko ay hindi narin napigilan ang sarili at sumunod narin na bumaba.
"Gusto kong makita ang mukha mo Alvin!!"
Pagtukoy niya sa lalaking nagpakilalang leader habang hina-hijack kanilang mga Bus noon.Bigla nang bumukas ang pinto matapos itong sirain nila Clyde at Dean.
At humakbang na si Jimmy sa loob.
BINABASA MO ANG
Headshot (COMPLETED)
Mistério / Suspense"BRING IT ON!" A Zombie Apocalyptic world is coming. Kairo Marciano and his friends are getting on a project trip with his University class to take a contest. Without knowing that an undying virus awaits of their arrival. Tragedy starting to happen...