CHAPTER 28: John 1:5

86 5 0
                                    

"TAKBOOOOO!!"
(ノ`Д')ノ彡


"PENGE AKONG TUBEG!"
(ノ*0*)ノ

"WALA PA TAYONG PAHINGA!"
(╯°□°)╯︵

"MAMAHINGA KANA KASAMA YANG MGA ZOMBIE!"
(┛✧Д✧))┛彡


"WAAHHHHHHH DIKO NA KAYA!!!"
(ノ ̄皿 ̄)ノ


Eto ang sigawan nila Steven, William, Bobby, Patrick at Carl habang nauuna nang tumatakbo mula sa mga zombie.

Lahat kase sila ay tumatakbo paikot sa MidPoint na halos nagkakatulakan dahil hindi nila kinaya ang dami ng zombie, kaya naman nagpahabol nalang ang mga ito.

"NAGTATAPANG TAPANGAN PA TAYO! TATAKBO DIN PALA YUNG HULING OPTION NATIN!"
Pag sigaw pa ni Berdugo na nasa bandang gitna.

"DAPAT PALA HINDI NA TAYO LUMABAS EH!"
Dagdag pa na biro ni Bungo dahil lahat sila ay napapagod na!

Sila Jimmy kasama sila Santos ay nagtatanung kung saan ba ang tamang dadaanan.

"Kakaliwa ba tayo?!"
Tanong ni Jimmy kay Santos.

"Oo! Masyadong lang masikip yung dadaanan natin, sa dami natin magsisiksikan tayo sa liit ng Hall paakyat!!"
Sagot naman nila Santos.

Habang si Ronald ay abalang abala na sinisigawan si Carpio sa radyo.



"CARPIO PAAKYAT NA KAMI. IHANDA MO NA ANG MGA KAILANGAN!!!"









_____________________











"Buhay pa kaya yung mga yun?"
Ito ang tanong ni Carpio habang humihikab at nakatayo lamang sa Tower 4 habang inaantay sila Ronald. Paulit ulit pa niyang sinisilip ang mga zombie sa ibaba pero wala parin siyang nakikitang mga kasama.

"Boring naman dito! Labing walo, labing siyam..."
Dagdag pa nito habang binibilang ang mga zombie isa-isa upang siya ay makatulog.

Nalimutan kase nitong buksan ang kanyang radyo.

"Sana buhay pa sila."



________________________





"Anong oras na wala parin?!"
Si Aiko ay nababadtrip na habang nakahalukipkip ang mga braso at nakatingin lamang sa malayong kulungan. Kahit na nag iingay ang ibang mga estudyante ay hindi niya magawang pansinin dahil sa pag-aalala mula kila Jimmy.

Matagal tagal narin siyang hindi nababanas ng ganito. Hindi niya rin alam kung bakit, siguro ay dahil nagugutom lamang siya o dahil sa mga estudyanteng nag-iingay.

Napahawak na lamang siya sa kanyang ulo at kumuha ng tubig at saka naupo sa driver seat upang magpahinga.












"Kamusta na si Rocky, Yanna? Ayaw parin ba umalis?"
(*・~・*)

Tanong naman ni Heisly na kakagising lamang habang ang dalawa na sila Synthia at Selena ay naglalaro ng pusoy sa kanilang likod.

"Ayaw parin eh."
(。•́︿•̀。)

Kanina pa kase tinititigan ni Yanna, si Rocky at kanina niya parin ito binabalik balikan ngunit ayaw talaga umalis sa pwesto.

Napangiti si Heisly.

"Malamang inaantay niya yung mga umalis."

Hindi mapakali si Yanna sa kanyang kinauupuan at hindi inaalis ang kanyang mga tingin sa asong si Rocky.

"Rocky..."

































"Rocky! Rocky! Magpahinga ka muna!'
Paulit na sambit ni Ronald sa kanyang asong si Rocky matapos ang ilang rounds na training sa field.

Headshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon