Third person's POV
5:47am
Si Aiko ang pinaka naunang nagising sa lahat at ang una niya ginawa ay tumambay sa harap ng bintana ng sala at saka nag kape. Kumuha pa siya ng silya, para lang abangan ang pag angat ng araw.
Nakangiti lamang siyang pinagmamasdan ang langit na unti unti nang nagliliwanag.
"Aiko...
"...Halika dalian mo. Gagala tayo!"
May isang alaala ang lumabas sa kanyang mga mata. Mga mukhang tuwang tuwang nakatingin sa kanya at galak na galak dahil gising na siya.
Mga mukha nang kanyang lolo at lola na sinasalubong siyang palagi tuwing umaga.
Naalala niya kung paano siya ilagay ng kanyang lolo sa balikat nito at saka ilalakad tuwing umaga.Naaala niya din ang mga panahong kapag uuwi at dadating siya para magbakasyon. Ay parati siyang inihahatid nito hanggang sa gate nila papalabas, para lang mag paalam.
Napangiti siyang ulit sa nga munting alaalang nakikita niya pa ng malinaw.
"Lolo at lola ko. Miss ko na kayo..."
Buntong hininga niya at bulong sa sarili.Habang lumalagok siya nang kape ay muntik na siyang masamid dahil bigla na lamang lumabas si Mario sa gilid niya.
"Sorry, Ma'am. Nagulat ka pa!"
Pag ngiting kaunti nito. At mukhang kakagising lamang din. May hawak-hawak din itong tasa na hinahalo niya pa ang kutsara.Tumayo ito malapit sa bintana at saka lumagok ng kape.
"Alam mo, Ma'am..."
Nagsalita ito."Kung ganito bahay ko lagi. Yung tahimik. At mukhang mapayapa. Matutuwa ako. Ang ganda kase rito."
At saka lumagok ng kape si Mario na lumabas din naman agad dahil naalala niyang magja-jogging pa sila nila Jin kasama sila Dambo.
Si Aiko ay lalong natutuwa s amga naririnig niya sa nga batang kasama niya.
"Pinasasaya niyo ko."
Bulong pa nitoBigla namang nagsilabasan na ang mga estudyante.
"GOOD MORNING MA'AM AIKO!"
"Tara na aalis na tayo!"
"TODAYS WE ARE GOING TO LEAVE RIGHT??"
Sabay-sabay ding nag ring ang alarm ng mga estudyante. Hindi na ito kinaylangang gisinging pa nila Benjie, Larry at Robert. Dahil lahat sila'y dire-direchong na pumila.
Sinunod nila ang sinabi ni Jimmy kagabi kaya naman bawas sait sa ulo ang ginawa ng mga estudyante.
Sila Tatang Ted at Merry, kasama sina Miggy at Rafael. Ay tuwang tuwa na pila-pila ang mga ito papalabas na ng lugar nila.
"Bawal ba talaga tayong sumama sa kanila?"
"Ayaw po ba nila dito sa atin?"
Tanong ng dalawang bata pero nginitian nalang nila Ted at Merry.
Isa isa nang nag si sakayan paakyat ang mga ito. At lahat sila'y masyang nagpapaalam kila Ted. Ang iba'y inaaya rin sila. Pero tumatangi ang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Headshot (COMPLETED)
Mystery / Thriller"BRING IT ON!" A Zombie Apocalyptic world is coming. Kairo Marciano and his friends are getting on a project trip with his University class to take a contest. Without knowing that an undying virus awaits of their arrival. Tragedy starting to happen...