Nakahanda na ang lahat nang kanilang mga bala at baril matapos nilang ikutin ang Quarter 1. Sila Kai at Marten kasama ang ibang preso ay nagtulong tulong na mapigilan ang mga zombie.
"TULAK LANG!"
Hindi nila itong magawang ikandado dahil sa mga zombie na muntik makapasok.
Sila Jimmy at Ronald ang siyang magiging starter sa paglabas papunta sa Tower-4 habang si Bungo at Berdugo ay nakatutok na ang mga baril sa pintuan na siyang aalalay sa pagbitaw nila Kai at Marten sa pinto.
Harap likod na nakatutok ang kanilang mga baril sa kanilang paglabas.
"TATANG BAKA BARALI NIYO KAMI HA!"
Pagbibiro pa ni Kai habang hawak-hawak nila ang pinto habang ang mga braso ng zombie ay pilit silang inaabot."ISA!"
Pag sigaw ni Jimmy kung saan magsisimula na ang kanilang paglabas.
Sumilip muna sila Ronald kung ilan ang mga zombie na kanilang haharapin at talagang napakadami, inaalala niya pa ang mga manggagaling sa likod.Si Berdugo at Bungo ay ganun din. Alam nilang pareho na mahihirapan silang umabante nang ganun lang kasimple.
"DALAWA!"
Kasado na ang lahat. Si Carpio ay nakahawak narin sa pinto paakyat ng Tower-4 at inaabangan ang kanilang paglabas.
"TATLO!"
Tirik na tirik pa ang araw.
At tinulak na ni Jimmy at Ronald ang pinto kung saan nagsimulamg na silang magpaputok ng baril kasama ang mga estudyante.
Habang sila Kai at Marten ay nagsimula naring bumitaw sa pinto at pinagbabaril narin nila Berdugo at Bungo ang mga zombie.M-16 ang mga baril nila Berdugo at Bungo kaya naman puro tadtad ng bala ang mga lumalabas na mga zombie.
Nakakaramdam ng agrabyado si Jimmy dahil nagsisipuntahan narin ang mga zombie na nasa Wirewall.Hindi pa nakakaabot sa kalagitnaan ang lahat.
Hindi na nila magawang makahakbang kahit na ni isang paa.Kakasa. Babanat. Paulit-ulit man nilang gawin ito ay lalo lamang silang nahihirapan umabante dulot nang mga katawan na nakaharang sa kanilang harapan.
Ganun na katinde.Nawawalan na ng lakas ng loob si Carl pati ang ibang mga estudyante.
Hindi maiputok ang baril sa kaba habang nagagawang magkasa. Nauunahan sila ng ng kanilang mga takot dahil nakaka lapit na ang mga zombie.
Pero biglang lumabas si Kai sa kanilang mga harapan habang sumisigaw nang
"WAG NA WAG KAYONG MATATAKOT!"
At hinahampas ni Kai ang mga ito sa ulo.
Napatulala si Carl dahil kahit kakaunti ay hindi siya nagpapakita nang pagsuko. Hindi siya humihinto. Nandun parin ang tiwala sa sarili at para niyang sinasabing
"KAYA KO TO! KAYANG KAYA KO TO!"
Patuloy paring lumalaban si Kai kahit na kakaunti na lamang ang tyansa.
"WAG KANG SUSUKO!"
Nabuhayan ang lahat habang pinapanood nila si Kai nang ganun.
Nawala ang takot na bumabagabag sa utak nila Carl dahil sa lakas ng loob na ipinakita ni Kai. Bumilis ang pagputok ng mga baril.Nagawa naring makahakbang nila Jimmy at Ronald.
"TAKBO!!"
Binuksan na ni Carpio ang pinto at sila ay inaabangan nang makapasok.
Pitong metro man ang layo nito pero lalo paring nahihirapan ang mga nasa likod.
![](https://img.wattpad.com/cover/217897531-288-k403139.jpg)
BINABASA MO ANG
Headshot (COMPLETED)
Mystery / Thriller"BRING IT ON!" A Zombie Apocalyptic world is coming. Kairo Marciano and his friends are getting on a project trip with his University class to take a contest. Without knowing that an undying virus awaits of their arrival. Tragedy starting to happen...