CHAPTER 22: Matthew 25:35

103 4 0
                                    

"Kai's POV"

"Bakit di ka sumama sa kanila ngayon, Kai?"

Tanong sa akin ni Synthia habang nakahinto ang aming mga sasakyan sa isang Gas Station, na may Mini-Store.
Bumaba kase Sila Jimmy, Dean, Clyde at saka yung grupo nila Dambo kasama sina Steven upang mag pagasolina at kumuha ng mga pagkain.

Dalawa lamang kami ni Carl ang magkasama na nasa dulo ng Bus.

"Uhh...  Napagod kase ko kanina kaya pinagpapahinga ko yung sugat ko!".
Σ(*´∇`*)
Sagot ko naman sa tanong niya nang biglang humarap si Yanna.

"Tama!  Magpahinga ka muna,  Kai!"
(。・ω・。)ノ
Kitang kita sa mga mata ang pag-aalala. Kaya naman lalo akong naiinlove eh!

Sa totoo lang ay kaya ko nagpaiwan upang samahan na muna siya dito. Nag-aalala parin kase 'ko at baka kung ano na naman ang mangyare sa kanya.

Pero.
Sobrang ganda niya talaga.
  (╯✧∇✧)╯

Matapos maupo ni Yanna ay bumulong naman sa akin si Carl.

"Kai,  pansin ko rin hindi ata bumaba si Mario. Magkatabi sila ni Jin ngayon oh. Mahimbing ang tulog??"

"Sus, wala 'kong pakielam sa kanya!  Ang mahalaga mabantayan ko si Yanna!  Mamaya mabinat pa siya e!"

Mahina ko naman sagot kay Carl kung saan natawa siya.

"Nextime sasama na 'ko kapag lalabas kayo!  Para naman magka expirince nadin ako!  Nagsasawa na kaming maglaro dito nila Synthia ng baraha eh! Hahahaha!"
Sila Heisly ay natawa sa kanyang mga sinabi.

Sila Jimmy ay muli nang pumasok sa loob ng Bus kasama sina Steven. Napakadami nang nadala nilang mga grocery para sa ibang bus at mga tubig at kakainin namin.

"Kai,  ang sarap gamitin ng axe mo! Parang akin na ata to!"

Bungad naman sa akin ni Patrick habang nauupo sa kabilang bintana.

"Nanghihina na ata si Kai kaya hindi sumama ah!"

"Hindi,   tingin ko matagal ng mahina yan eh!"

Dag-dag pa nila Steven at Bobby sa pang aasar sakin.

#( ̄_ ̄)
Mga inutil!!

Magtimpi ka lang saglit Kai. WAG KA MUNA MAGALIT. KALAMAYIN MO MUNA YUNG LOOB MO.








"Yanna,  kamusta ka? Nabantayan ka ba ni Kai?"

( ⊙_⊙ )

NAKO ANAK NG PUNYEMAS!!!  ANONG PINAGSASABI NITO!!!

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni William,  habang ang apat na sila Carl ay natatawa na sa akin!
Nako lagot!

"Ha? Ano yun, William? S-sorry naka earphone kase ako e!"
  Σ(。’▽’。)
Tanong ni Yanna sa pagtataka kung bakit nakatingin si William sa kanya

"Ah wala!   Tinatanong ko lang kung kamusta ka!"
(*´∇`*)




Sila Selena ay natawa nalang din dahil sa kanilang pag-uusap.
Walangya kang William ka! MANG AASAR KAPA!

Agad ko siyang sinasakal sakal matapos niyang bumalik sa pwesto. Tawang tawa na naman sila Synthia at Heisly sa aming paghaharutan.

Matapos mabigyan ng mga pagkain ang kabila ay umandar nang muli ang aming sasakyan.

Hindi ko na alam kung anong lugar na ang mga dinadaanan at pupuntahan namin.
Siguro mas okay nang hindi ko narin inaalam at wala namang nagbabago sa sitwasyon namin.

Headshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon