CHAPTER 15: 1 Corinthians 3:15

102 5 1
                                    

"DOC!! WAG NIYO KO IIWAN!!"



Hindi na maigalaw ni Kai ang kanyang katawan. Hindi niya narin alam ang gagawin matapos ang mangayare.

"DOKTOR!!"



"ANONG NANGYARE!?"

Wala na siyang naririnig kundi ang mga hiyawan nila Thea. Habang sila Jimmy ay napaupo na lamang matapos bugbugin ang tatlo.
Pati sila hindi narin alam ang gagawin sa pagkakataon na ito.

Sa galit na nararadaman ni Kai ngayon. Ni hindi na nito narararamdaman ang tama ng baril kanyang balikat.

Wala na siya ibang nararamdaman kundi ang galit.

Tinignan niya rin ang itsura ni Fernan na naghahabol ng hininga at naliligo sa dugo. At hindi niya na maramdaman pa ang awa sa kanyang dib-dib.

Tuluyan nang nawala ang doktor na si Grand.









"GRAND!"

Pagsigaw pa ni George pero wala na talaga.
Namatay ito ng nakadilat at nakatingin sa kanya.

Those eyes,  that every doctors knows, his eyes became colorless. A sign of death.

Gustong magalit ni George, habang iniiyakan ang kanyang kaibigan. He's tired of everything. Tired of this world. Matagal niya nang kaibigan si Grand kaya naman napakasakit sa kanya na mawala ito sa kanyang harapan.












"Grand...       Alam kong...      Wala kana...      P-pero gagawin ko parin ang matagal na nating planong dalawa!"
Niiyak siyang ipinipikit ang mata ng kanyang kaibigan.



At tumayo siya ng derecho upang humarap kila Jimmy.



"U-umalis na kayong lahat. W-wala na kayong mapapala pa rito!!" Naiiyak niyang sabi habang lumalapit kay Jimmy at hinawakan ang kanyang kamay.

"Pakiusap... Umalis na kayo..."
Tinataboy niya na ito.

Habang si Jimmy ay napatingin na lang sa kanilang lahat.

"Wag niyo nang sayangin yung oras niyo dito!!"
Pinipilit niya nang umalis sila Jimmy hanggat maari. Sumisigaw na siya nang pagkalakas.



Napatayo si Kai.


"Sumama kayo samin manong!?"
Walang pag-aalinlangan niyang aya, pero hindi man lang siya nito pinansin.




Si George ay dumerecho kay Fernan na nakaupo at kinuha ang baril na ginamit niya. At saka siya pumunta sa isang zombie na nasa loob ng room research. Zombie Patients 25.


"Anong gagawin mo?!"

Tanong nilang lahat at saka niya ito pinakawalan.
Agad itong tumakbi patungo kay Jimmy.

"Manong."

Na agad din namang binaril ni Jin.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni George.
Gusto niya na talagang paalisin sila lahat at iwan na lamang siya dito.






Muling pumunta si George sa mga kasunod pang kwarto ng zombie at nagbukas na ng tatlo pa.

Napatayo na sila Thea kung saan silang magkakapatid na ang pumatay sa mga zombie.

"MANONG ANO BAMG GINAWA MO?!"
Galit na sigaw nila Kai pero hindi na siya pinakikingan.


At kahit pagsisigawan man nila ang matanda.
Ay tila wala siyang naririnig.
Kahit ilang beses man nilang mapatay ang mga zombie na pinapakawalan niya. Ay pilit parin niyang binubbuksan ang mga kasunod.

Headshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon