CHAPTER 19: Proverbs 24:3-4

121 5 0
                                    



Matapos ang palabas ay nagsilabasan narin ang lahat ng estudyante. Tuwang tuwa si Yanna dahil para daw silang nasa langit at napanood niya ulit ang kanyang paboritong palabas sa pangalawang pagkakataon.



"Sobrang saya mo, Yanna ha!"
Sambit ni Heisly sa kanya dahil kita sa mukha nito na talagang natutuwa siya.

"Hahahaha! Buti nalang naputol yung palabas kanina!"
(σ≧▽≦)σ

Napatingin sila Selena kila Kai, at kitang kita nila ang mukha ni Kai na bahagyang nakangiti at parang naka shape ng puso ang kanyang mga mata.

(♥ω♥ )

Napailing nalang sina Selena, Heisly at Synthia nang makita ito.


Nauna sa paglalakad sila Kai at nagmadali kaya naman napatanong si Yanna.



"K-kai... Saan kayo pupunta?"
Tanong nito.


"Sa kitchen lang, Yanna! Inutusan kase kami ng kuya mo na magluto eh!"
Sagot naman ni Kai habang hindi tumitingin dahil sa tuwa.





"GANON??? SIGE SASAMA KAMI!"

At lalo pang natuwa si Kai nang marinig ito.






_______________

"Kai's POV"


"Yanna, baka mahiwa yung mga kamay niyo ha. Dapat kami ang gumagawa niyang mga lalaki dahil inutos samin to. At saka mga HRM kami."
Pag-aalalang sambit ko kay Yanna habang naghihiwa siya ng mga patatas at carrots.
Pati ang apat na sila Selena ay may kanya-kanya ding hinihiwa.


"Kaya na namin to. Wala kase kaming gagawin kaya naisipan na naming tumulong."
Sagot naman ni Yanna sa akin.

Sa itsura at kamay ni Yanna parang hindi siya masyadong nagluluto. Sobrang hinhin niya.
(っ'▽')っ♡

Afritada, Adobo, at Tinolo ang balak naming lutuin dahil minsan nalang kaming lahat na makakakain ng lutong ulam mula sa bahay dahil sa nangyayare ngayon kaya naman dinamihan na namin.

Ang anim na sila Steven ay naghihiwa naman ng manok at iba pang gulay.

Magsisimula na sana akong mag gisa nang bigla akong napatingin na lalaki pumasok sa kusina.


Nandito si Malas!




Napatitig ako kay Marten na pumasok sa kusina, at napansin kong para natahimik sila Yanna sa pagpasok kaya naman lalo akong nabibwisit.

Dumerecho siya malapit kila Yanna, at kumuha siya ng tubig sa loob ng ref.

Nakatitig lang ako sa kanya at seryoso lang ang expression ng mukha nito habang umiinom ng tubig.

(づ ̄ _ ̄)づ



Huminga nalang ako ng malalim at pinilit na hindi siya pansinin. Mas maganda na siguro to na walang istorbo sa utak ko habang nagluluto.

Ilang sandali pa ay lumakad na siya papalabas ng kusina. Kaya naman lumamig na ang ulo ko.

Maayos na kaming nakapagluto ng mga ulam.
Pati kanin ay nagkakagulo pa kami nila Bobby at Patrick dahil sa dami ng aming isasaing.




Matapos ang ilang oras ay sa wakas!



"DINNER'S READY!"

Sambit sa amin ni Yanna habang nakasoot ng Pink na Afron. Nakatali ang buhok. At punong puno ng pawis.


Headshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon