CHAPTER 11: Quran 93:4

99 5 1
                                    

"Kai's POV"

"BAKIT NAG-IBA LAHAT NG MGA RUTA?!!"

"DIKO ALAM KUNG ANONG PUMASOK SA ULO NILA SIR! PERO MUKHANG NATARANTA!!!"

"KUNG DI SILA MAG-IIBA, MABABANGGA NILA LAHAT YUN AT BAKA DI NA SILA MAAKALIS!"

Pag uusap naming tatlo nila Steven at William matapos naming maupo nila Bobby.

Kung saan lumiko na naman si Jimmy sa ibang daanan.

"PURO ZOMBIE NA NAMAN!!"
Sigaw pa ng mga sa estudyante sa harap.

Lahat kami ay napapatingin nalang sa aming mga likuran habang tinitignan yung dami ng zombie.

Pati ang asong si Rocky ay napapatahol at nakikitingin narin sa bintana.

"AYOKO PA MAMATAY!!"

"GUSTO KO PA KUMAIN NG LIBRE!"

"KUNG MAMATAY TAYO MAUNA NA SANA MGA BABAE!"

Pag bibiro pa nang mga siraulong sila Patrick at Bobby. Kung saan sinaamaan sila ng tingen nila Selena, Heisly at Synthia.

Habang si Jin ay tumayo naman at pumunta sa harapan.


Biglang huminto ang sasakyan.
Napatingin ang lahat sa harap dahil sa nakakapagtakang pag hinto nang manlaki ang mga mata naming lahat dahil may mga zombie na naman!

"PUTA HINDI BA MAAUBOS YAN?!! "

Muling sigaw na naman nila Bobby at Patrick.

Nakita kong nakatayo na lamang si Jimmy at napansin kong si Jin na ang nagmamaneho, at lumiko na naman kami sa ibang dereksyon kung saan pabalik at palayo na.
Kaya diko na napigilan ang sarili ko at pumunta na sa harap.

"BA'T TAYO BABALIK?!"

Sigaw ni Aiko habang si Jin ay kalmang kalma at nagagawa pang umiinom ng tubig.

"Chill lang. Iikot lang ako saglit!"

At muli na namamg huminto ang Bus kung saan kami, dumerecho kami sa isang Skyway at iniakyat ni Jin ang Bus patalikod, pinipindot niya na ang paulit ulit ang Busina. At para bang nagtatawag siya ng mga zombie!

"NABABALIW KANA BA?! JIN??!!"
Pagrereklamo nila Clyde at Dean sa kanya.

Pati si Jimmy ay mukhang nagagalit

At doon na lalong nanlaki ang mata ng lahat.

"PUTRAGIS! PATI DITO SA TAAS MERON!"

Napapamura na ang mga football player. Pati ako ay kinakabahan na kung saan na kami pupunta ngayon!

Pero si Jin ay nagagawa pang lumingat lingat!

"ANONG GAGAWIN MO?!!"

"SAGASA!!"

At bigla niyang hinarurot ang Bus!



________________

"Third person's POV"

.

"Papatayin mo ba kam!!i!"

Agad na batok ni Aiko kay Jin dahil sa nangyare. Sa ngayon ay nakahinto na ang kanilang Bus sa kanilang kitaan kasama ang Bus nila Larry at Robert.

"DI NAMAN TAYO NAMATAY AH!"
Sagot pa ni Jin kung saan binatukan na naman siya ni Aiko.

"SIRA SINEWERTE KALANG DUN DAHIL PABABA YUNG DAAN!"

Habang si Jimmy at Kai ay chine-check ang headlights ng Bus kung kamusta ito. Napapailing nalang sila dahil puro dugo ito,  pero kahit papano ay bumubukas pa kahit sira-sira na.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now