CHAPTER 17: Acts 2:2

80 4 0
                                    


"HERE WE GO AGAIN..."

"SOBRANG GANDA NG BAHAY WATDAPAK!"

"PARANG CASTLE SA SOBRANG LAKI AMPUCHA!"

"LAGYAN NATIN NG PANGALAN YAN, VEINSLAND HOUSE!"

Tuwang tuwa ang lahat habang tinititigan ang isang napakalaking mansion na kaharap nila ngayon. Kahit madami mang mga zombie sa bakod at labas nito ay hindi ito iniisip. Namamangha sila sa laki at ganda nito.

Tumayo na si Jimmy upang magsama ng mga tao upang pasukin ang bahay at hindi pa siya nakakapagsalita ay lumalapit na ang lima na sila Kai. Habang si Carl at Selena ay naiipang sumama.
Si Jin,  Mario,  Clyde, Dean,  Dambo, Lincoln, Matt,  Ren at Jerry ay gusto ring sumama.

"Kayo di kayo sasama?"
Pag-aaya ni Jimmy sa kanyang mga Football player kung saan tumayo narin ito at kumuha ng gamit.



"Selena,  mag-iingat ka ha!"

"Oo naman!"

Pati si Rocky ay tinatahulan din sa Selena at para bang ini-encourage ito.


"Girl, wag ka papakain ah!?"

"HA??"

"Oh bakit??"

"Ah wala iba lang naisip ko. Haha!"

Pag-uusap naman ni Heisly at Selena.
Habang si Synthia ay yumakap na lamang kay Selena at ito tumalikod.

Pumunta na ang lahat sa labas kung saan pati ang apat na magkakapatid ay inaantay nalang sila.


"Aiko, pakisabi sa mga professors na mag antay nalang until makabalik kami. Madami pa kaming lilinisan na zombie."
Pag utos naman ni Jimmy bago bumabas ng sasakyan.

Lahat ay nagkumpulan na sa labas upang ihiwalay ni Jimmy ang grupo at kung paano sila magsasama.

Ang lahat ng estudyante sa Bus ay pinapanood silang nagmi-meeting sa labas.


Habang seryosong nakikinig si Selena sa ipinapaliwanag ni Jimmy ay bigla naman siyang binulungan ni Kai.

"Selene,  sure kaba na sasama ka talaga?"
Biglang nagsalubong ang kilay niya

"Bakit!? Porket ba babae ako kaya mo ko tinatanong?"

"Oy hindi ah! Mas malakas kayo samin. Pero naisip ko lang kung bakit mo naisipang sumama. Para ba maunahan mo yung ibang mga babae kung may moisturizer sa bahay?!"
     (´∀`)


"SIRA!"
At agad namang hampas ni Selena kay Kai.


"Alam naming medyo may laman kami pero wag kang pabigat samin ah!"

"Oo nga. Buti nalang kasama kami, kaya bago ka makagat kami muna ang unang kakainin bago ka!"

Pang-aasar naman nila Bobby at Patrick sa kanya kaya naman agad niya itong pinagsasampal.

Tawang tawang ang tatlo na sila Steven, William at Carl dahil dinig na dinig nila ang mga tunog ng hampas niya.
Lumapit naman si Steven sa kanya.

"Ini-encourage kalang ng mga yan! Ang totoo gustong gusto nilang may nakakasamang bagong tao lalo na ikaw!"
Napatingin si Selena at parang natuwa.

"Oo. Kaya maging masaya ka. Actually inuuto kalang namin ni Steven eh!"
Nang marinig iyon ni Selena ay pati sila nakadama ng matinding sampal.

"ARAYY!!"

Halos mamula ang mga iniwang marka nito sa kanilang katawan pero nagtatawanan parin ang mga siraulo.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now