"Maaliwalas talaga dito, Kai! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulungan!"
Ito ang first impression ni Carl matapos nilang bumaba sa Level-B.
Matapos itong sabihin ni Carl ay sinalubong naman sila nang napakaraming zombie kung saan sila nagkahiwa hiwalay na tumakbo!
"SAAN KAYO PUPUNTA!!"
Sigaw pa ni Jimmy kila Kai pero huli na ang lahat!
Nag-iba sila ng kanilang mga dadanan!"BAKA HINDI MALIGAW YUN HINDI NILA ALAM YUNG PASIKOT SIKOT DITO!"
Agad na sambit ni Jimmy habang kasabay na tumatakbo sila Ronald."Hayaan mo kasama nila si Lagman at Paul! Tatawag ako sa CCTV kung nasaan sila! Ang mahalaga matakbuhan muna natin ang mga ito!"
Pag-uusap pa nila Jimmy at Ronald habang nahuhuli at inaalalayan ang kalahati ng kalahati ng Football players.
"KALIWA! KALIWA!"
Sigaw ni Lagman nang muntikan ng lumiko sa maling direksyon sila Clyde at Dean. Kasama ni Lagman na tumakbo ang tatlong teacher na sila Benjie, Larry at Robert. Kasama din nila ang grupo nila Dambo."HINIHINGAL NAKO! PAG NAGKATAON! PAPATULAN NA NAYIN TONG NGA ZOMBIE!"
"WAG KAYONG MAGPAPAPUTOK! LALONG MAGSUSUNUNURAN YAN!"
Pag sigaw ni Paul kila Jin at Kai habang nauunang tumakbo kasabay ni Mario.
Pati ang dalawang presong kalbo na si 123 at 124 na kasama nila ay mas matulin pang nauuna."WALA BA TALAGA KAYONG MGA KAIN NG TATLONG ARAW?!"
Sigaw pa ni Kai sa kanila habang tumaktakbo."BASIC LANG YUNG TATLONG ARAW NG WALANG KAIN DITO! WAG KANA MAGTAKA!"
Agad din naman sagot ni 124.Habang sila Bobby at Patrick ay nagtatawaman sa dulo.
"PUCHA YUNG MGA ZOMBIE NA HUMAHABOL SATIN MGA LONG HAIR! SAMANTALANG ITONG MGA KASAMA NATIN MGA KALBO!"
"HAHAHAHAHHAHAHA!"
Nagtatawanan pa silang lahat sa mga pinagsasabi nila Bobby at Patrick.
"Whoo! Naku po! Sumakit ang kamay ko dun ah!"
Sambit ni Ronald habang nakasandal sa isang pader at tinitignan na lamang ang mga zombie na tanggal ang ulo.Binanatan na nila ito at pinagpapatay nila.
Habang ang mga football player na kasama nila Jimmy ay ganagong ganado."Ang lalakas ng mga kasama mong bata ah! Mga aggressive!"
Ngiting sambit ni Ronald kay Jimmy habang humihinga ng malalim."Mga football player kase sila. Pati yung ibang mga kasama kong nahiwalay satin mga sanay sa paguran. Nagkataon lang na may natira sa estudyante namin na ganito."
Seryosong sagot naman ni Jimmy habang inaayos ang baril na hawak niya.Si Ronald ay napatanong na lamang.
"Paano mo ba na kasama ang mga estudyante mo?"
"May tour dapat kami. Pasakay na sana kami ng eroplano nang magsimula itong kabaliwan na ito. Pinalad lang siguro at buhay pa kaya kasama mo kami ngayon"
Sagot ni Jimmy.Napaseryoso si Ronald.
"Eto na pala ang pinagkakabalahan mo sa ilang taon na 'yon."
Napatingin ang mga football player kay Jimmy.
BINABASA MO ANG
Headshot (COMPLETED)
Mystery / Thriller"BRING IT ON!" A Zombie Apocalyptic world is coming. Kairo Marciano and his friends are getting on a project trip with his University class to take a contest. Without knowing that an undying virus awaits of their arrival. Tragedy starting to happen...