CHAPTER 5: Zachariah 5:1-2

165 9 0
                                    

"Third Person's POV"

"DADDYYY! "

"CHIEFFFF!"

Lahat ay napahagulgul sa crew room matapos maisara ang pinto. Nagwawala si Bryan at gustong lumabas kaya inaawat na siya ng mga kapwa niya Police. Dinig na dinig pa kase nila ang mga zombie na tumaktakbo sa nilikuan ni Edward.

Si Jimmy at Kairo ay hindi magawang mag react sa nangyare. Sa sobrang galit ni Kai ay nasuntok niya ng malakas ang pader gamit ang kaliwang kamay. Dalawang kamao niya na ngayon ang parehong may sugat dahil sa suntok sa pader.

Gusto man nilang magwala ay walang mangyayare.

"Kasalanan niyo to! KAYA NAMATAY ANG TATAY KO!"

Lahat ay nagulat sa sinabi ni Bryan. Habang dinuduro ang grupo nila Jimmy. Sinisisi niya ang lahat nang dahil sa kanila.

Si Yanna ay yumakap na kila Selene.

Paulit ulit niyang sinabi sabi ang salitang "Kasalan niyo to" sa lahat. At walang makapigil sa kanya.

Nang bigla siyang tinulak ni Jimmy.

"ALAM MO BA SINABI SAMIN NG TATAY MO!"

Galit na sigaw ni Jimmy kay Bryan na nakaupo sa lapag habang hawak-hawak pa ang shotgun na dala ni Edward kanina.

"YUNG ANAK KO... YUNG ANAK KO TULUNGAN NIYO.."

Lumapit ang police na si Dennis kay Bryan at inakbayan ito.

"Pare..." Hindi niya masabi ang masakit na katotohanan.
Pero muling sumagot si Jimmy. Alam ni Jimmy na kailangan niyang sabihin ang lahat.

"Alam nating lahat sa simula palang na kapag nakapasok kaming lahat dito habang kasunod ang mga zombie na'yun. Hindi na tayo makakalabas! Alam natin sa sarili natin yun! Dahil sa utak ng mga halimaw nayun. Nandito yung pagkain! Nandito tayong lahat! Pero anong ginawa ng tatay mo?!
Kahit hinawakan na namin siya ng mahigpit. Tinulak niya parin kami para sumunod yung mga zombie sa ibang dereksyon. Bilang tao tingin mo ganun kadali magdesisyon?! Alam niyang kapag hindi niya ginawa yun pare-pareho tayong mamatay kasama ka! At binalewala lahat ng tatay mo yun dahil iniisip ka niya!"

Halos manindig sa takot ang lahat sa sigaw ni Jimmy.

"..IKAW ANG UNANG INISIP NIYA NUNG MAKAGAT SIYA SA BRASO! KAYA NAMIN SIYA AKAY-AKAY! IKAW ANG UNANG NAISIP NIYANG ILIGTAS HINDI KAMI!"

Nanlaki ang mata ng lahat ng marinig yun. Lalong naiyak si Bryan lalo pa't naalala niya na lumuluha ng dugo ang kanyang ama. Gusto niya sapakin si Jimmy pero inaawat na siya. Hindi niya matanggap. Napaupo na lamang siya sa isang tabi at dun na humagulgol.

Lahat ay napatahimik ng sandali. Hindi maalis sa isipan nila ang mga nangyare.

Habang umiiyak si Bryan ay bigla siyang nilapitan ni Kai. Aawat pa sana si William pero kalmado ang mukha niya.

"Pasensiya kana. Pero anong pangalan ng tatay mo."

Isang tanong na nagpataka sa lahat. Hindi alam ni Bryan kung magagalit ba siya sa tanong nayun o hindi nalang papansinin. Pero pinili niya nalang sumagot.

"Edward..."

Tumalikod si Kai at lumapit na lamang sa batang Malaysian at sa aso habang sinasabi sa sarili na.

"Hinding hindi ko kalilimutan yung pangalan mo... Tatang."





Si Jun na isang CCTV Operator at mag isang umiiyak ay napatingin sa Monitor, nabigla siya at nanlaki ang mga mata dahil nagawa pa niyag makita si Edward na tumatakbo at hinahabol ngmga zombie.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now