CHAPTER 21: Deuteronomy 15:11

63 3 0
                                    



"ANO JIM? MALAYO PABA?"
ヽ('Д´)ノ︵

"BULAG KA BA!? KANINA PA TAYO HINDI MAKAHANAP NG MAAYOS NA DAAN DAHIL SA MGA ZOMBIE AT SASAKYAN!"

"OH AYAN IPILIT MO DIYAN!"

"HINDI NGA UBRA! SASAPAKIN KITA E!"

         (Jim,  May alam ako na shortcut papalabas ng expressway! Mag U-TURN ka sa may left side mo. Barangay dadaanan natin!)


"OKAY!"

"DALIAN MO JIMMY!"

"MALAPIT NA WAG KA MAATAT!      KAMUSTA NA BA YUNG KAPATID KO?!"

"AYAW PARIN KUMILOS! SOBRANG TAAS NG LAGNAT E!"

Nagsisigawan si Kai at Jim sa harapan habang naghahanap sila ng pharmacy store. Napuno na si Jimmy dahil sa bibig ni Kai kaya naman binigyan niya na ng ISA ito.

Habang sina Aiko, Selena,  Synthia at Heisly ay inalagaan si Yanna.

Si Mario ay napatingin din kay Yanna at binigyan ito ng isang kumot upang hindi lamigin.

"Yanna, ano kamusta kana?"

"Kaya pala inuubo na siya kaninang umaga!"

"Si Rocky nag-aalala sayo!"

Sunod-sunod na banggit nila Selena, Heisly at Synthia. Habang si Aiko ay niyayakap si Yanna dahil ayaw nito magsalita.

"Wag niyo muna siya kausapin baka nabinat kagabi o napagod lang. Ang mahalaga makainom siya ng gamot. Kumain naba siya kanina?"

"Kokonti lang po, Ma'am! Hindi niya po naubos."

Sagot ni Heisly sa tanong ni Aiko.

Sina Steven at ang grupo nila Jin, ay nag-aalala din para kay Yanna.

Habang ang ibang mga estudyante ay nag-uusap usap nang dahil kay Yanna.


"Hirap magkasakit ngayon!"

"Baka 'Daravilla' yan!?"

"Yare tayong lahat!!"
Ito ang mga bulong-bulungan ng ibang mga estudyante kay Yanna. Hindi maalis sa isipin nila ang magduda.

Pinasok na nila Jimmy ang isang barangay upang mag shortcut dito pero pinahinto ni Kai si Jimmy.

"Bakit?!"

"May Botika, pwede na yan! Anong mga gamot ba ang kailangan??"

Agad na tumungo si Kai kay Aiko at tinanong ang mga kailangan na gamot. Si Jin at Mario ay napatayo nang malaman na papasukin niya ang isang saradong botika.

"Madaming zombie sa labas, Kai! Magsama ka! "
Pag-papaalala ni Aiko dahil gusto sana nito pumunta mag-isa.

"Nagyabang na naman!"
Sambit nila William kaya maman tumayo ang apat. Kasabay ang grupo nila Dambo at Mario.

Ang mga bababa ay sina Kai, Mario, Jin, Steven, William,  Bobby, Patrick, Dean,  Clyde, Dambo,  Matt,  Jerry, Lincoln at Ren. Silang labing apat ang bababa.

Pati si Rocky na dapat ay susunod kila Mario,  ay binuhat na ni Heisly.

"Bantayan mo muna yung amo mo, Rocky!"

.

.

Habang nag-aayos ng mga gamit sila Kai upang bumababa ay tumayo si Jimmy.
Kung saan pinigilan siya ni Kai na sumama.

"Ops!  Paubayan mo muna samin to, Jim!"
Ngiting sambit pa nito habang nakataas pa ang palad.

"Sa ngayon ikaw muna ang maiwan at tignan ang kapatid mo!"

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now