* [Avs2D] Chapter 13 : The race II
Jack's POV
"Tindi din nitong Ara na to eh no!" rinig kong komento nung isang lalaki sa kabilang kampo
Napailing na lang ako at muling itinuon ang pansin sa karera
Binanggang muli ni Spade si Ara kaya gumanti naman ito sa kotse ni Spade. Binangga rin niya ito na siyang nagpawala ng kontrol sa sasakyan ni Spade.
"Dammit!" bigkas ni Spade ng muntikan na siyang bumangga sa malaking bato na nakaharang sa daan.
Muntik na!
Agad ring pinaharurot ni Spade ang sasakyan at tumutok muli sa sinasakyan ni Ara.
"Second move." utos ni Ace
Agad itong sinunod ni Spade at pumunta sa harap ng kotse ni Ara. Ngayon ay parang nagpapatintero na ang dalawa sa daan.
Nasa unahan si Spade at si Ara ay nasa likuran na tumatakas mula sa pagkakaharang ni Spade sa dadaanan nito.
"Nice pla--"
"Shut up! Jack" pagpuputol saakin ni Spade
"Chill. Hahaha" sagot ko sakanya
Habang nanunuod ay narinig kong may parang kakaibang gulo sa kabilang linya kung saan nakadugtong iyon kanila Feral. Kaya agad kong kinabit yung device ko para kausapin si Feral
"What's happening there?!?" I asked them
"Pinasok kami and I am going somewhere with Alfonso"
"Aish" I hissed kaya napalingon sa akin sina Diamond
"What is it?" Heart mouthed
"Pinasok sila. Kailangan niyong pumunta roon tulungan niyo yung tatlo we'll monitor Spade" utos ko kina Heart at Diamond kaya agad silang umalis
I was about to tell Feral na papunta sila Heart when I heard Ace
"She's going to do it. Spade!!" utos ni Ace
"Turn right!" sigaw ko din sa linyang konektado kay Spade
Kaya agad na iniliko pakanan ni Spade ang kotse niya. Ngunit si Ara ay nagtuloy-tuloy.
Babanggain kasi dapat nito ang kotse ni Spade ng mawalan ito ng kontrol at di namalayang papaliko na ang daan kaya nagdirediretso ang sinasakyan nito sa bangin.
"Shit Spade!" bulyaw ko
Naririnig ko pang nagsasalita si Feral sa kabilang linya ngunit ibinaba ko na ang tawag.
Akmang pasakay na kami nina Ace at Shiela sa kanya kanya naming sasakyan ng may marinig kaming pagsabog.
Nagkagulo ang lahat ng marinig ang pagsabog ng kotse mula sa bangin.
Potek si Spade!!!!
Agad kong nilingon muli yung lugar na pinanggalingan ng pagsabog. Takte di ko mapapatawad yung Alfonsong yun pag may nangyaring masama kay Spade!
***
Narration:
"Now, let's get out of here!!" utos ni Spade sa mga kasama ng marinig ang pagsabog.
Kaya nakahinga ng maluwag sina Xander dahil nagsalita si Spade ibig sabihin ligtas ito. Bago msila nagkanya-kanya sa pag-papaandar ng sasakyan. Saka paharurot paalis sa lugar na pinangyarihan.
Ngunit bago pa tuluyang lumayo si Spade dahil siya ang pinakahuling umalis sa mga kasamahan niya ay sumilip muna siya sa banging pinaghulugan ni Ara.
"Tss." ani nito saka umalis na sa lugar.
END of Narration
* * *
Flower's POV
"She did it. . . Yeah. . . Okay then. 3Weeks" binaba ko na ung telepono at nag-iwan ng bente pesos sa tindahan.
Nakitawag lang kasi ako. Dahil baka pag ginamit ko ang cellphone ko sa pagtawag ay mabulilyaso ang plano.
Sumakay na ako sa kotse ko at uuwi na ng makitang nagbavibrate pala yung cellphone ko.
It's babe. Xander. Pinindot ko ang answer key at saka inilagay ang hearing device sa tenga ko.
"Hello?" bati ko kay babe saka ko binuksan ang makina ng sasakyan
[Where are you babe?] napangiti ako dahil halata sa boses nito ang concern at love.
"Babe natrapik ako. Ibang way kasi ang dinaanan ko nung magdisperse tayo. Don't worry I'm going home na" sabi ko ng mejo natatawa pa.
[Okay. Be careful. We're heading first at ASIA University dahil naroon daw sina Alfonso. Then susunod na ako sa condo. Bye. I Love you babe]
"Okay. Love you too" binaba na niya yung tawag. Saka pinaharurot ko na ang kotse ko pauwi. My babe missed me already.
***
Spade's POV
I went straight to the house where I left Alfonso with Feral, Brass and Furious.
I parked my car from afar then walk towards the gate but I was shocked when I saw dead bodies lying on the floor
"What the heck" I hissed
Kaya kinapa ko yung baril ko at pumasok sa loob. Pagpasok na pagpasok ko ay siyang palabas naman ng grupo na kinaiinisan ko ang 2D
"What the!" react ko sabay tutok ng baril sa kanila
"Chill Ms. Lee, we just helped" wika nung isang maputi na blonde
I looked at the guy with dark brown hair. And to the guy on his right.
His twin! The Park Brothers
"Mr. Alfonso is with your friends at ASIA University" he said then walked pass through me
"Till next time Mikki" wika naman nung kambal niya.
Those bastards!
I immediately go to the University and texted Jack when I got there.
*Where are you!?*
-sent
1 message received
*At the old building*
Pumunta agad ako doon at nakita ko sina Brass at Furious na ginagamot ni Ace
"What happened?" I asked Feral
"May umatake saamin and puro mga nakaitim sila puro armado at marami sila" she answered
Napaisip naman ako sa sagot ni Feral. Sino ang mga iyon at bakit alam nila yung address ng bahay namin noon?
"Asaan si Alfonso?" Tanong ko kay Jack
"Sa kotse"
"Let's finish this already I want to go home" I told him
He sign Heart to follow me papunta sa kotse. Binuksan ko yung pinto at sumalubong saakin si Alfonso.
"Where are the files?" I asked him while pointing my gun to his chest
"I won't tell you!! You killed my daughter!! You son of a b--"
Hindi na niya iyon natapos dahil ipinutok ko na yung baril sa dibdib niya.
"Ayusin niyo na 'yan. I am going home" utos ko sakanila bago sumakay sa sasakyan ko at dumiretso na sa condo unit ko.
*bzzt bzzt
1 message received
-You owe us bigtime
~2D
"Those daredevils"
***
BINABASA MO ANG
' ACES vs DARE DEVILS '
Action"Life's choice: To fool. Or to be fooled To kill. Or To be killed. . ." Sp♤de