* [Avs2D] Chapter 6: Blacklist
Kinahapunan..
Ara's POV
Arrgh! Nabuburyong na'ko sa tatay ko!! He's been acting like a retard. Kelan pa naging duwag si daddy?
He's been calling my cellphone for 3hrs. at kinukulit niya akong lumipad papuntang London!
Like duh! Parang susundin ko siya! No way!! Ma-pride ako! At hindi ako aalis ng walang dahilan.
Saka may laban pa ako sa AoS. Ayokong matatalo ako ng hindi lumalaban!!
Hah! Sabi nila matinik raw ang AoS sa karera pero tignan natin kung mas matinik sila sa'kin!
Anong oras na ba?! Mag-aala una na pala late na ako. Aish! Makapasok na nga.
By the way My name is Ara Claire Alfonso. Daughter of the famous businessman in Asia. And a college student of ASIA University.
* * *
Mikki/Spade's POV
Sinusundan ko ang kotseng sinasakyan ni Alfonso ngayon. Umalis kasi siya agad ng makita ako sa sementeryo.
Naduwag ata =_= Pssh. May pasok pa man din kami. Yae na.
At hanggang ngayon ay natatawa parin ako sa itsura ni Alfonso nung makita niya ako sa libing ni Guevarra.
Dapat lang, dahil pag sinabi ko gagawin ko. May ilang araw pa siya para ilabas ang sarili niyang baho sa media at para linisin ang pangalan ng daddy ko.
Dinial ko ang number ni Alfonso. Wag na kayong magtaka kung paano ko nakuha yung numero niya.
[Hello!] halata sa boses nito ang awtoridad
Tsk.. mayabang! Ni hindi mo nga lang magawang tignan na kasunod mo lang ang magpapatahimik sa buhay mo eh.
[HELLO!!!] sigaw niya
Maiksi ang pasensiya ng isang to.
[HE--] pinutol ko na ang sasabihin niya
"Hello Mr.Alfonso! Do you still recognize my voice?" panimula ko
[Wh-who are you??]
"Masyado ka na atang makakalimutin Alfonso! Baka gusto mong pasabugin ko na yang sinasakyan mo?" biro ko sakanya
[Nasan ka ha??]
Tsk, kita ko mula rito na kumuha pa siya ng baril at lumingon lingon.
Bobo neto! Di lumingon sa likod! =_=
"Sa likuran mo!" sabi ko
Pero bago pa man siya lumingon ay naitabi ko na sa kotse niya yung kotseng minamaneho ko.
Halatang nagulat yung driver ng kotse ni Alfonso ng bahagya kong banggain ang kotseng sinasakyan nila. Na siyang dahilan ng medyo pagkawala ng kontrol nito.
[IPAPAPATAY KITA!!!]
"Oooh em scared! Tss, anak mo muna bago ako! 9 days to go Alfonso. And say goodbye to your daughter" nang matapos kong sabihin iyon ay binangga ko pa ang kotse niya na siyang nagpawala ng kontrol ng sinasakyan nila.
Pero syempre yung hindi pa muna sila mamamatay! Yung sapat na para kabahan lang siya.
Kasabay noon ay ang pagpapaharurot ko sa kotse ko. Binasag ko ung cellphone ko at binakli ung sim.
Hirap na, baka mahanap niya ako.
Ngayon ay papunta na'ko sa ASIA U tssk.. Late na tuloy ako -____-

BINABASA MO ANG
' ACES vs DARE DEVILS '
Action"Life's choice: To fool. Or to be fooled To kill. Or To be killed. . ." Sp♤de