* [Avs2D] Chapter 8: Bagong Kasapi

27 1 0
                                    

* [Avs2D] Chapter 8: Bagong Kasapi

Liam's POV

Kaninang ala sais pa ng hapon ako hinatid nung Spade na un sa condo ko matapos niyang pagtripan ung pilay sa braso ko. Taenang yon! -_-

Ala-una na ng umaga pero di parin ako makatulog. Binuksan ko ung telebisyon at mga walang kwenta at puro katarantaduhan sa bansa ang laman ng mga balita. Nakatulala lang ako sa TV at ni isa wala akong naiintindihan sa sinasabi ng news anchor.

Ngunit nanaig nanaman ang galit ko ng biglang ibalita ulit ang nangyari sa bahay namin kahapon sa probinsya kung saan naroon ang mga magulang at bunsong kapatid ko.

Tangina At sa mga panahong 'to isang tao lang ang pumasok sa isipan ko. Si Spade.

*flashback*

Pinanonood ko lang siyang bendahan yung braso ko nang tanungin niya ang pangalan ko. Nung una ay nagmatigas ako pero sinabi ko rin sakanya dahil mukhang tototohanin niya ang pagputol sa braso ko.

"Akalain mong anak ka ng isang congressman sa probinsya" nagulat ako sa naging reaksyon niya.

Bihirang may taga siyudad na nakakakilala sa mga congressman sa probinsya. Kaya nung akmang tatanungin ko na siya ay bigla naman siyang nagsalita.

"Bakit ko sila kilala?" Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sakanya.

"Simple lang, may mga bagay na sadya kong inaalam dahil konektado sila sa nakaraan ko." Tumalikod na siyang muli at ibinalik ang 1st aid kit sa sasakyan niya.

At nang makabalik siya ay,

"Spade's my name. And I know you need me. Enter my world Liam Kanata"

*end of flashback

***

Mikki's POV

Nakatutok lang ako sa harap ng telebisyon mula ng ihatid ko ung batang yon sa condo niya. Nang may pumukaw ng atensyon ko.

"Headline News: Wala pa ring makitang bakas ng kung sino ang gumawa ng krimen na pagpatay umano sa mag-anak na Kanata  kabilang ang congressman ng lugar na ito na si G. Leocarpio Kanata at ang may bahay nito at bunsong anak. Napag-alaman ring meron pang isang anak ang congressman na nag-aaral sa Maynila at ngayo'y pinaghahanap ng mga imbestigador para sa iba pang impormasyon..

Narito ang chief of police na siyang may hawak sa kaso ng mag-anak na Kanata..

Sir, wala pa rin ho bang lead sa kung sino ang may kagagawan nito? -reporter

Sa ngayon eh, pinaghahanap pa namin ang isa pang anak ni Mr. Kanata para sa isang interview kung mayroon bang naikukwentong mga naging kaaway ng pamilya nila. Kasi madalas sa ganitong kaso, usapang pulitika ang unang dahilan ng mga ito. Ngunit wala kaming ibang makitang impormasyon tungkol sa anak ni Mr. Kanata bukod sa edad , kasarian at pangalan nito.- CoP ...."

Pinatay ko na ang telebisyon at napaisip sa balitang aking nasagap. Kaya pala ganon ang reaksyon ng Liam na yon!

Hinarap ko ang laptop ko at kinontak si Xander. Ngayon nakakasiguro na akong papayag siya sa inoffer ko sakanya.

***

Xander's POV

Tahimik na nakikipagtext ako kay Shiela ng biglang tumunog ang isa ko pang cellphone na tanging si Mikki at ang ibang miyembro pa ng Aces ang kumukontak dito.

Siguro may Drift Race nanaman -__- Aayain nanaman ako ng mga mokong na yun na pumusta -_-

*From: Spade

Search for  Leocarpio Kanata. ASAP. Need it by 4AM tom*

Sheez!

Agad kong hinarap ang laptop ko para sa hinihingi ni Spade na impormasyon.

*To: Shiela

Tx you again tom. Nyt babe :*

Baka magtampo eh, hirap na! *wink*

***

~1 day to go before the launching.. 2 days to go before the race...~

Marj's POV

Bukas na ung launching ng business ni Alfonso. Kinancel niya na yung conference. At feeling ko kinutuban yun. Tss.. Dapat lang.

Dahil wala namang gagawin ngayon ay gagala ako at magshashopping mag-isa buong araw. Bumaba na ako at papunta sa garahe ko ng biglang may nagtext sa private line ko.

*From: Spade •x•

Meeting today at Red Label 9 pm*

Awts! Ang plano ko! Hays.. Anyways..may ilang oras pa naman ako 4pm pa lang kaya makakapagmall pa ako saglit. Nagmadali na akong sumakay ng kotse ko at pinaharurot papunta sa mall.

***

Spade's POV

Pinatawag ko lahat ng miyembro ng division ko sa HQ mamayang 9pm para sa isang announcement. Nasabi ko na rin naman kay Queen na may bago akong miyembro at sumang-ayon siya. Kaya ipapakilala ko ang bagong kasapi ng Aces, and HE is under my supervision, 'Ace of Spade'

TBC...

***

(MM's note: Pinakamaikling part ata 'to? Hahahaha)


' ACES vs DARE DEVILS 'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon