* [Avs2D] Chapter 5
Narration:
Matapos ang klase nila sa P.E ay dumiretso agad sila Mikki sa girl's locker room sa Gym
Nang makapasok sila sa loob ay siniguro muna nilang lumabas ang lahat bago simulan ni Mikki ang plano.
Nang maubos na ang tao sa loob ng gym pati na rin ng locker room ay agad na inilock ni Kim ang pintuan ng room.
Saka sinimulan nang magdiscuss ni Mikki.
"Ayon kay Xander na pinagimbestiga ko sa press. Ay ngayon ilalabas sa media ang pagpapakamatay ni Guevarra"
Kita sa lahat ang focus sa sinasabi ni Mikki. Si Mikki naman ay sobrang ingat sa kanyang pananalita yung tipong sila lang talaga ang makakaintindi.
"At bago ang launching ay magkakaron muna ng press conference si Alfonso" pagpapatuloy ni Mikki at tumango-tango lang sila Marj bilang tugon sakanya
"At dadaluhan natin iyon. Alam niyo na yung plano diba?"
Nagtanguan sila na siyang simbolo na naiintindihan nila.
End of Narration
* * *
~"Go kuya! Kaya mo yan! ^^v" wika ko sa Kuya ko.
Eto yung first time na mapapanood ko si Kuya na magdrifting. Illegal siya kasi sa bundok lang ginaganap. Unlike sa mga napapanood ko sa TV nasa podium talaga.
Gayunpaman excited parin ako. Kasi makakapanood ako ng live.
Gamit ni Kuya ay yung orange na kotse niya! Balang araw aarborin ko yun sa kuya ko !!
Tinap niya yung ulo ko saka na niya binuksan ang pinto ng kotse niya. Pero bago pa siya tuluyang umalis ay ngumiti siya sakin at nagthumbs-up.
Kaya nagthumbs-up rin ako.
Maya-maya pa'y nagstart na yung game. Marami rin silang naglalaban-laban. Ang nakita ko lang ay 'Pioneer' , 'H11', 'SChx' , at 'XD'..
Yan yung mga nakaprint sa labas ng cars nila. Yung mga plate numbers nga nila is may cover.
Ayun, kitang-kita dito sa taas yung mga usok ng sasakyan. Pati yung mga drifting tricks nila.
"Waah! KUYA KO YAN!!" sigaw ko ng makitang perfect angle ang ginawa ng kuya ko at bakas na bakas ang saya sa aking mukha.
Ngunit nawala ang sayang iyon ng makarinig kami ng isang malakas na pagsabog. Ilang minuto pa ay nagkagulo ang lahat.
"Tara na Mikki." sabi ng isang babaeng kasing edad ng aking kuya habang isinasakay ako sa kotse niya.
"Si kuya? Ang kuya ko?" pagtatanong ko sakanya
Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Nagsimula na ring manikip ang aking dibdib, kinakabahan sa kanyang sasabihin. Nanatili akong tumitig sakanya, nagtatanong at umaasa na sana okay lang si kuya.
"W-wala na siya" wika niya at tuluyan ng bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang luha.
"KUYAAAAAA!!!~"
* * *
Mikki's POV
Napabangon akong bigla sa panaginip ko!! Binabangungot nanaman ako!!
Lumabas ako ng kwarto at bumaba para pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. Nang may narinig akong kalabog sa mismong kusina. Kaya agad kong dinukot yung maliit na kutsilyo na laging nakatago sa belt na siyang laging nakapulupot sa kaliwang hita ko.
BINABASA MO ANG
' ACES vs DARE DEVILS '
Action"Life's choice: To fool. Or to be fooled To kill. Or To be killed. . ." Sp♤de