* [Avs2D] Chapter 7: Sino ka?

36 1 0
                                    


Chapter 7: Sino ka?

  ~2 days to go before the launching.. 3 days to go before the match...~  

Mikki's POV

I'm heading somewhere, Hindi nanaman ako pumasok sa ASIA U =__= Buti na lang talaga naipapasa ko yung tests.

Tsk, san kaya may malapit na restaurant dito? Potek gutom na'ko eh.. Paniguradong ung mga yun nakakain na.

Etong mahirap sakin eh pag-inatake ng katamaran kung san san ako napapadpad -_-

Ano bang lugar to? Tsk.. As if my sasagot sa tanong ko..

Dinaig pa kasi yung ingay at gulo sa Quiapo at Divisoria.

Aisshh.. Asan ba mga kainan dito?!

***

Narrator:

Nagpalakad-lakad si Mikki sa lugar na kung nasaan siya at naghahanap ng makakainan, nang may bumangga sakanyang isang binatilyo na mas bata ng dalawa hanggang tatlong taon sakanya.

Natumba ito ngunit agad ring tumayo saka tumakbo palayo. Nang akmang aalis na rin si Mikki ay may nakita siyang pitaka sa lugar na pinagbagsakan ng binatilyo kanina. Pinulot ito ni Mikki at hinanap ung binatang nakaiwan nito.

"Tsk. Gutom na ako pero eto ako naghahanap ng bata!" ani nito sa kanyang isipan.

Sa kanyang kalalakad di niya namamalayan na napadpad na pala siya sa isang eskinita. Medyo liblib at tago ang lugar na ito. Yung tipong pag dito ka naholdap malayong may makarinig sa'yo.

Nakarinig si Mikki ng isang kalabog sa hindi kalayuang kasunod pang eskinita na kinaroroonan niya, tunog ng isang bumagsak na bakal na basurahan.

Kinapa ni Mikki ang kanyang hita at hinanap niya kung naroon ba ang madalas niyang gamitin na maliit na kutsilyo tuwing napapalaban sila.

Nahanap iyon ng kanyang mga kamay kaya pumunta siya sa lugar kung saan niya narinig ang ingay.

Dahan dahan siyang lumapit roon at sinilip kung ano mang meron sa eskinitang iyon. At doon niya nakita ung binatang nakabangga sa kanya. Namataan niya itong dinadaing ang sakit ng braso nito. At sa tingin ni Mikki ay dahil ito sa pagbagsak ng binata ng sila ay magkabanggaan.

Sumipol si Mikki upang matawag ang atensyon ng binata

Gulat na napatingin ang binata sakanya.

"Sino ka?!" Pasigaw na tugon nito kay Mikki

Ngunit hindi siya sinagot ni Mikki, bagkus ay kinuha niya ung pitakang naiwan ng binata kanina. Di man siya siguradong sa binata nga iyon, at nakumpirma niya lang na sa binata nga iyon ng kinapa nito ang likod na bulsa ng pantalon.

"Bakit nasa iyo yan?" Maangas na tanong ng binata kay Mikki.

Di siya sinagot ni Mikki, dahil mukhang nakatuon ang pansin nito sa itsura ng binata.

"Di ka naman mukang mahirap, pero bakit nangiisnatch ka ng pitaka ng may pitaka??" Takhang tanong ni Mikki sa binata

"Asa kang inisnatch ko yan! Bakit nakita mo??" Katwiran nito

"Hmm.. Hindi" Plain na sagot ni Mikki

"Hindi pala eh. Ibalik mo na sakin yan!" Command nito

"Hindi ko nakita pero may nakakita sayong iba" Mahinang wika ni Mikki

Kitang-kita sa muka ng binata ang pagkabigla, kaba, at takot. Napasmirk lang si Mikki sa naging reaction ng binata.

"Bat ka namutla?" Wika niya ng may halong pang-aasar

' ACES vs DARE DEVILS 'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon