* [Avs2D] Chapter 18 : Secretary

2 0 0
                                    

* [Avs2D] Chapter 18 : Secretary

Narration:

Agad na nabahala ang buong Park corp. ng malaman nila ang pagpatay sa matagal ng sekretarya ni President Park Jun Hee. Kaya agad nitong inutos sa anak na si Jon na siya munang humalili sa naiwan niyang trabaho dahil kailangan nitong sumama para sa imbestigasyon ng kaso ng namayapang sekretarya.

Agad namang sumunod sa utos ng ama ang binatang si Jon. Ngunit biglang pumasok sa isipan niya ang kanyang subject na kailangang libanan para sa araw na ito. Kaya naman agad niyang tinawagan ang kambal niya upang pumalit muna sakanya dahil sa pagkakaalam niya ay walang P.E class ito dahil nga sa kadahilanang varsity player ang kanyang kapatid.

Nang malaman ni James ang makakapareha niya sa P.E na kapatid na si Jon ay agad itong pumayag na siya namang binalaan muna ng kanyang kambal na pag-ingatan ang kanyang mga kagamitan.

Sa isip-isip tuloy ni James ay nahawa na ito sa ama nila. At tuluyan na ngang ibinaba ni James ang cellphone upang pumasok sa mga subjects ni Jon.

Kaya naman agad na ring kumilos si Jon upang humalili sa trabahong naiwan sa kumpanya nila. Dali-dali itong umalis ng University at nagmaneho papunta sa opisina ng ama.

Nang sumagi sa isipan niya ang kung ano naman kaya ang dahilan kung bakit pinatay ang sekretarya ng kanyang ama. Kaya kinuha niyang muli ang kanyang cellphone itext ang ibang miyembro ng gang nito. Napili nitong kontakin si AJ dahil sa lahat ito ang pinakamaaasahan pagdating sa research.

'I need Ms. Dela Vega's informations now. Kindly send it on my account. Thanks.' ang mensaheng kanyang isinend sa kaibigan.

'Got it' agad namang tugon nito sakanya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may isang babae ang pumasok sa opisina ng kanyang ama at lumapit sa kanyang mesa.

"Excuse me, Presiden--" Wika nito kay Jon gunit naputol ang sasabihin nito dahil sa iba ang taong nakaupo sa pwesto ni President Park.

Inangat ni Jon ang paningin sa babae at sa itsura nito ay hindi lalayo sa edad ng kanyang ama. Mga dalawa hanggang tatlong taon ang pagitan nila ng kanyang tatay.

"What is it?" malamig na sagot ng binata at ibinalik ang tuon sa computer.

"Oh, Jon. I want to talk to your dad" ika ng babae.

"Do you have any appointments with Mr. Park?" Pagtatanong niyang muli sa babae ng hindi parin nakatingin rito at sa computer lamang nakatuon ang pansin nito.

"Ah, I forgot, I am his second secretary. Well maybe I'll be his secretary na because his old secretary isn't here anymore" sagot nito.

"Sam.. hmm.. I thought you're just a friend of my dad who visited him a week ago and now you're a secretary. Nice" wika ni Jon habang nakatingin parin sa computer.

"You know for a kid like you you're rude to your elders. And the last time we've met you still have your manners"

"Ah, now I remember. I doesn't know you yet that time. That's why.

And by the way.." huminto muna ito saka tinitigan sa mata ang babae saka muling nagsalita

"For a secretary like you? You're rude to your boss" saka niya muling ibinalik ang kanyang atensyon sa ginagawa.

"Just leave that folders here then you may go" sabi pa niyang muli

Sinunod naman siya ni Samantha saka lumabas na ito ng opisina ng kanyang ama.

"You must die first before you planned to kill my mom and ruin our family" ani ni Jon sa kanyang isip.

***

Samantha's POV

I go straight at the restroom. I need to pamper. Humarap ako sa salamin at naglagay ng lipstick.

Akala siguro ng Jon Park na yon ay hindi ko alam ang totoo niyang pagkatao? Tss. Nagkakamali siya. Alam kong pinamumunuan niya ang isang gang na nagngangalang 'Daredevils' o mas kilalang 2D.

Sa ngayon hahayaan ko munang umiral ang kanyang munting akala at sa huli kapag napasaamin na ang Park Corp. ay papatayin ko na siya muna siyempre susunod ang kaniyang ina.

For now I just need to cool down. Good thing Dela Vega was dead. Ganyan talaga ang nangyayari sa mga taong masyadong maraming inaalam namamatay.

***

(MM's note: shortest update I guess? >///< xDD)


' ACES vs DARE DEVILS 'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon