* [Avs2D] Chapter 21 : The Game Starts Now
Nikko's POV
Magdadalawang araw na ng magsimula akong maghanap ng impormasyon tungkol sa babaeng tinutukoy ni Samantha na pinanggalingan ng baraha. At itinuro ng mga ito ang isang night club na nagngangalang 'Red Label'
Ipinarada ko muna ang aking sasakyan saka ako pumasok sa loob nito. Mukhang ordinaryong night club lang naman ang itsura nito ngunit maganda ang disenyo sa loob. At may isang bagay ang nakatawag pansin sa akin ito ay ang disenyong Ace of Spade sa mga walls. Sa totoo lang hindi lang naman Ace of Spade ang naroroon kumpleto ang mga karakter sa baraha. Maski ang joker.
Agad akong nagpunta sa beverages station. Umupo ako sa isa sa mga stool roon at isang babaeng bartender ang kumuha ng order ko. Marjorie Lota a.k.a Ace miyembro ng isang gang na tinatawag na Aces.
Naglibot muli ang paningin ko sa paligid. At dito nga ang lugar na hinahanap ko. Dahil may nakita akong mga miyembro ng mga mafia groups at maaaring isa sakanila ang salarin sa barahang ito.
Maya-maya pa'y dumating na siya at iniabot ang inorder kong inumin.
"Salamat...
Marjorie" wika ko bago ko iniangat ang aking nakayukong ulo para makita niya kung sino ako.
Halatang gulat ang ekspresyon nitong nakatingin sa akin at dahil ron alam kong kilala na niya ako at may nakapagsabi na sa kanya ng tungkol sa akin. At 'siya' lang naman ang bukod tanging nakakaalam ng tungkol saakin.
Inabot ko ang bayad ko sa ininom ko ngunit tinignan ko muna siya ng matagal at mukhang naintindihan niya ang mga titig ko. Bago niya nginuso ang lugar ng isang babaeng nagpapatugtog sa DJ set. Sino pa nga ba, si Mikki Lee a.k.a Spade.
Ibang-iba na siya ngayon. Kinuha kong muli sa aking bulsa yung lukot na barahang nanggaling kay Samantha o mas tamang sabihin na kay Mikki talaga ito nanggaling kaya pala mafia code ang gamit.
"Sa ngayon Spade, ikaw muna ang kumilos habang unti-unti rin akong kikilos. Sooner or later magkakaharap rin tayo *smirk*" tinago ko ng muli ang barahang hawak ko bago tumayo at lumabas ng lugar.
"I'll see you next time Spade"
***
Mikki's POV
Kanina pa ako nakakaramdam ng kung ano. Parang may taong nanonood sa akin sa malayo kaya agad kong iniikot ang paningin ko at nahagip nito ang isang lalaking nakatitig sa nalamukos ng baraha na kanyang hawak.
Matapos iyon ay nag-angat ito ng tingin at isang Nikko Quintos ang nakita ko. Pfft. Nagsumbong na nga yung Samanthang yon sa kanyang mga kasamahan. Kaya mas maiging hayaan kong si Samantha muna ang gumawa ng plano bago ko siya tatapusin. Dahil siya ang susi para sa mga susunod kong mga hakbang.
Do or die.
***
Narration:
Natapos na ang trabaho nila Mikki sa Red Label kaya nagkaayaan na rin silang umuwi sa kanilang bahay. Ngunit hindi muna sumama si Mikki at sinabing may pupuntahan lamang ito saglit.
"Okay pinsan, wag papagabi!" Bilin pa ni Xander sa pinsang si Mikki habang nakaakbay sa girlfriend na si Shiela
"Tss. Edi umaga uuwi -__-" pamimilosopo naman ni Mikki
"Pinsan ikaw ba yan? Sht! Nagjoke ka!" At nagtawanan sila dahil doon.
"Miks magdoorbell ka lang I'll open the door for you!" Wika ni Kim
Tumango lang si Mikki saka sila pinaalis.
"Layas na! Hoy ikaw Xander ingatan mo yang syota mo babae pa man din yan *smirk*" bilin niya sa pinsan
BINABASA MO ANG
' ACES vs DARE DEVILS '
Aksi"Life's choice: To fool. Or to be fooled To kill. Or To be killed. . ." Sp♤de