* [Avs2D] Chapter 19 : Judo Time

3 1 0
                                    

* [Avs2D] Chapter 19 : Judo Time

***

James' POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa gym. Tsk. Nakiusap kasi saakin yung kambal ko na ako muna ang umattend ng klase niya ngayon dahil may gagawin daw siya at ako wala. Pasalamat siya gwapo ako kung hindi naku! At saka sinabi niya saakin na tuwing PE daw nila eh kapartner niya si Mikki. Kaya pumayag na rin ako.

Nang makarating ako sa gym ay agad akong pumasok sa loob at nandoon na halos lahat sila. Pasipol-sipol akong lumakad papuntang locker room. Ehem! Siyempre kelangan kong magpalit ng pang-p.e at locker ni Jon ang gagamitin ko. Hahahaha. Naalala ko pa nung binigay niya saakin yung susi ng locker niya pfft. Epic! Kung makapagwarning eh kala mo mananakawan.

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ay agad akong binati ng iba pa niyang kaklase. Hmm.. wala pa rito yung mga mokong. Magkakaklase kasi sila sa p.e since ako ay gwapo varsity ako ng soccer kaya excempted na'ko sa p.e.

"Hey, Jon good mood? Pasipol-sipol na lang ah! Ahaha" bati sakin nung lalaking taas-taas ang buhok na kala mo eh kinaguwapo niya. Tss kolehiyo kana brad!

"Haha. Kanina good mood ako pero ngayong nakita na kita nabadtrip nanaman ako -__-" sagot ko sakanya

"Pff.. back to normal ka nanaman pare!"  Sabi niya at muli akong tinapik.

Tss.. feeling close! Sumipol-sipol na lang akong muli para walang makahalata.

Identical kami ni Jon diba? Pero siyempre may pagkakaiba kami. Gusto niyong malaman? Pfft.. mamaya si Jon pala yung kinakalabit niyo tapos ang tawag niyo James naku mabubulyawan kayo nun. Hahaha

Pero gusto niyo ng clue? Sige pero sikreto lang to, ang pagkakaiba namin ni Jon? Ay ang labi namin. Pfft.  Mas maganda ang labi ko dun at mas masarap halikan! Ahahaha.. saka di hamak na mas gwapo ako sa lokong yun.

(MM: Ge show off pa more James! Pfft.. malaman laman lang to ni Jon naku! Tsk tsk tsk.. ppyong~)

Pagbukas ko ng locker niya ay bumungad sa akin ang napakaayos na locker. Pfft.. lalaki ba talaga kapatid ko? Ahahaha.. kinuha ko yung pants niya at saka nagpalit. At dahil hindi ako kumportableng manghiram ng pang-itaas ay may baon akong damit ko. Nagbihis na ako at akmang lalabas na ako ng magsidatingan yung mga loko.

"Jon pare ang aga mo ah!" Boses pa lang kilala na. Si Smith. Dahil nakatalikod ako ay hindi pa nila nalalamang hindi ako si Jon

"Nagpagupit ka? Naiba ata ayos ng buhok mo? Ahaha" pang-aasar pa nito at hinila ako paharap sa kaniya.

"Pareng Jame--asdfghklfmmmm" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya siyempre sarap na sarap siya ron sa medyas ko eh. Pfftt..

"Ang pakla p.ta! Hoy bakit ka nandito?!" Sigaw niya

Tssk. Ang ingay ng bunganga nito eh noh!

"P.E malamang! Tss" panggagaya ko sa ekspresyon ng aking kapatid hahaha.

"Fairness ah kuha mo! Ahaha.. ewan ko lang kung makapalag ka sa partner mo mamaya hahahahahha" ambakla talaga neto manalita eh -___-

Natapos silang magbihis at sabay-sabay kaming lumabas ng locker room at dumiretso na sa lugar na kinaroroonan ng iba pang kaklase ng aking utol.

"You guys are late again! Go to your partners!" Wika ni miss minchin este ng p.e teacher namin pfft.

Agad naman akong pumunta sa lugar ni Mikki at nginitian siya. Siyempre isnob! Pfft.

"You're not Jon" pabulong na sabi niya pero siyempre dahil gwapo ako narinig ko

"Woah! Ganun na ba kayo ka close ng kapatid ko kaya pati aura niya alam mo na? Ahaha" manghang sabi ko siyempre pabulong rin

' ACES vs DARE DEVILS 'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon