* [Avs2D] Chapter 14: Red Label

17 1 0
                                    

* [Avs2D] Chapter 14 : Red Label

Mikki's POV

"Hey couz!" Masiglang bati sakin ng pinsan ko.

"Tss" balik na bati ko sakanya.

Sanay na yan kaya wag niyo nang intindihin ang mararamdaman niyan. Pfft.

"Oh, day off niyo ah bakit nandito kayo?" Wika nang isang babae saming magpinsan. Isang linggo na rin ang lumipas ng mamatay si Alfonso.

At medyo payapa naman kami ngayon pero siyempre patuloy parin naman kami sa negosyo at trabaho namin.

"Auntie naman, masama bang bumisita dito bilang costumer at hindi bilang trabahador?" Sagot ni Xander sa auntie namin.

Oo tama kayo ng basa! Ang may-ari nga pala ng Red Label na pinagtatrabahuhan namin ay kami. Ito na lang kasi ang bukod tanging natira mula sa mga negosyo namin. At si Auntie ang pinamahala namin dito.

"Sus! Ikaw talaga na bata ka! Kabisado na kita Xander naghahanap ka nanaman ng babae dito at sinama mo pa talaga ang pinsan mo! Pano kung may mambastos diyan? Hmpp"

Ingay nila eh no? Buti nalang nasa VIP room kami. Tss.. Oo nga pala walang alam ang auntie namin sa mga pinaggagagawa namin ang alam lang niya ay isa kaming drift racer.

"Aray naman Auntie! Walang mambabastos jan kay Miks no! Bukod sa napakatikas ko eh mas matikas pa sakin yang si Spad-- Aw!"

"Lalaki ka bang talaga? Andaldal mo! Auntie may naghahanap na sayo dun oh" tinuro ko yung mga babae sa labas ng VIP room mga amiga ni Auntie. Saka ko nilingon si Xander saka tinignan ng nakamamatay na tingin.

"Ay oo mga amiga ko! Haha ang tagal na rin naming hindi nakapagbonding! Oh siya siya! Xander! Hmm! Ikaw umayos ka!" Banta pa nito bago tuluyang umalis.

At nang makaalis na si Auntie ng tuluyan ay binato ko ng plastic tray tong mokong na kasama ko.

"Oy insan walang ganyanan!" sabi niya sabay tago sa likod ng sofa

"Siraulo! Anong Spade? Tanga ka ba?"

Lecheng to eh. Babanggitin pa yung pangalang Spade kay Auntie -___-

"Sorry na insan! Pfft.." akmang lalapit siya sakin at yayakap ay agad kong hinablot yung kutsilyong nasa hita ko.

"Lalapit ka o gigilitan ko leeg mo?"

"Chill! Hahaha" tas saka siya umupo ng matino sa tabi ko at naglagay ng yelo sa baso at nag salin ng wine.

"Buti hindi ka hinahanap ng girlfriend mo?" Eh madalas kasing clingy yung si Shiela. Pfft. Kung alam lang niya. *smirk*

"Insan personal space! Saka nagshopping daw siya kasama ng mga highschool tropa niya" sabi niya saka humigop sa baso niya.

Ilang minutong katahimikan at tanging tugtog lamang sa labas ng VIP room namin ang naririnig nang may isang babae ang nahagip ng aking paningin.

"Hmm.. Regular costumer ba yun dito?"  Turo ko dun sa babaeng nahagip ng paningin ko.

"Hmm.. Yep! W T F is her schedule visit here.  Madalas mga congressman ang kasama."

"Isa lang yung tanong ko pati schedule ng bisita niya sinabi mo na -___-" madaldal eh.

"Well my dear cousin I've known you for years at kabisado ko na mga curiosity mo! *smirk*"

"Edi wow!" Sagot ko.

Umiling-iling lang siya at medyo natatawa pa. Muntanga lang. -_-

Natahimik naman kami at ako naman ay nakamasid sa babaeng matagal ko na ring pinapamanmanan kay Sean.

This is his first mission. Except sa paglilinis ng mga kotse dahil punishment niya yun!

Nang mawala siya sa paningin ko isang text message ang nareceive ko.

•x•

From: Sean

Spade, she's here at Red Label and I've been watching her since morning, and still nothing suspicious

•x•

Ibig sabihin nandito si Sean.

•x•

To: Sean

Don't take your eyes off her. I'm coming

•x•

Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"Insan saan ang punta? At bakit sinusuot mo yang uniform ko?" Usisa ni Xander

"I have business. Don't call anyone, I'm just going to stalk someone" sabi ko saka dumiretso palabas ng VIP room.

Nagpunta ako sa beverages station kung saan nagfflairing sila Xander araw-araw.

"Oh, Miks day-off ka ah? At hindi ka naman bartender." Sabi nang isa sa mga bartender dito.

"Isa ka rin eh noh? Magsama nga kayo ni Xander ang chichismoso niyo -_____-*"

Dumiretso na lang ako sa may pwestong kinauupuan ni Sean.

"Cocktails sir?"  Pagtawag ko sa atensyon ni Sean

Tumingala ito at medyo nagulat pa. Pinandilatan ko naman siya ng mata at nakuha niya naman ang nais kong ipahayag.

"One vodka will do" sagot naman niya.

Hinanda ko naman ang inumin niya at isinerve ko rin naman agad sakanya.

Pero binigyan ko siya ng sulat na may secret code na ginagamit ng lahat ng mafia groups pati na ng gang ko dahil sa lahat ng gang kami lang ang nakakaalam nito.

♤네 베 룻 포쿠스 ♤

"Never lose focus..." rinig ko pang basa niya bago ako tuluyang umalis sa pwesto niya.

Tssk. Marami pa talagang hindi alam ang batang 'to -___-

"Miss! One bloody mary"  ring kong tawag saakin ng isang babae

Nilapitan ko siya at nginisian.

"One bloody mary for Ms?" tanong ko

Pfftt.. Medyo comedy pala to eh. Biglang panget. Tss -.-

(MM's note: Kunyari yung hangul letters yung magic code nila or ika nga ni Mikki secret code nila. Imaginin niyo na lang xD)

"WtH? Ano to coffee shop? Just get my drink and keep yourself out of my sight!"

"*smirk* One bloody mary for Ms. Kagawa. Comin' right up!" Bahagya pa akong dumukwang sakanya at hinipan ang buhok niyang nakatabon sa mukha niyang tinatakpan ang kaliwang parte nito.

Akmang mananampal ito nang dumating na ang kasama niya.

"Drinks for two. Yung inorder niya na rin"

"Bloody mary for two....." wika ko saka tumalikod sakanila.

"And one bloody ending for the both of you." Pabulong na sabi ko.

Inabot ko na ang dalawang inumin nila kasama ang isang card.

"Miss! Yung baraha mo!"  Sigaw pa nung kasama niya

Pero hindi ko na ito nilingon at dali-daling lumabas ng counter. Saka na ako bumalik sa loob ng VIP room namin.

"Welcome back couz!"

Inirapan ko lang siya at nagsalin ng wine sa baso ko.

"May naghahamon daw. At sabi ni Brass kotse ang ipinusta. Ano? Tara? Wala namang trabaho for now right"

"Right! Let's go!" aya ko.

Nagsend muna ako ng text kay Sean bago tuluyang umalis ng Red Label.

***

(MM's note: Oooh.. bloody ending? xDD)


' ACES vs DARE DEVILS 'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon