Chapter 2

614 41 12
                                    

"Hey." Napalingon siya sa nagsalita at ng makita ang binata ay napangiti siya.

"Doc Leroy." She said bago lumapit dito. Nasa mall sila.

She's looking around for baby clothes nang may magsalita sa likuran niya. Di niya inaasahang makita ang binata dito sa mall lalo na sa baby section.

"Leroy will do. How are you?" Sabi nito.

Hindi niya alam pero magaan ang loob niya sa binata. She actually like seeing his handsome face. Maamo kasi ang mukha nito na tila anghel kaya ang sarap titigan.

"I'm good. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? May anak kana?" She asks.

"Nope." Sabi nito. "Nakita lang kita habang naglalakad ako sa labas so I decided to come and say hi." Sabi nit bago tila namula ang tenga. Ang cute.

"Ah oh edi Hi?" She said before smiling tsaka niya itinaas ang baby clothe na hawak. "What do you think about this one? Cute diba? Do you think bagay kay baby?" She asks habang nakangiti.

Ayun na naman ang titig nito na gaya ng sa veterinary clinic nito. Gusto niyang mailang pero bakit naman?

"Hmm cute like mommy?" Basa nito sa nakasulat sa baby clothe. "Pwede. Babae o lalaki ang baby mo?"

Umiling siya bago tumalikod dito at tumingin ulit sa mga pambatang damit. "Hindi ko pa alam. Pag five months na bago pa malalaman ang gender ni baby. I still have two months to go."

Lumapit ito sa kanya at tumabi sa gilid niya. Ang bango nito at dama niya ang init ng katawan nito kahit magkatabi lang sila. For some reason his smell is enticing on her, hindi gaya ng ibang pabango na nababahuan siya.

"Here mas bagay to sa baby mo." Sabi nito sabay taas ng isang onesies na may nakasulat na. "Mommy's little sunshine."

Napangiti siya bago tumango sabay kuha non sa kamay nito. "Thank you."

"Magtatagal kaba dito?" Tanong nito.

Napakunot noo siya bago tumingin sa mga mata nito. "Nope. Maternity dress nalang at maghahanap na ako ng restaurant para mananghalian."

"Do you mind if I join you?" He asks na ikinagulat niya. "Ok lang kung ayaw mo."

"Ahm no, its ok. Ok lang bang maghintay ka habang namimili ako ng damit? Baka ma bored ka?"

"Nah I'll be fine. Go pick some clothes now and don't mind me." Sabi nito kaya tumango siya bago nagsimulang mamili ng damit para sa kanya.

After she's done picking atleast five maternity dresses for her and few more baby clothes ay nagbayad na siya agad sabay lapit kay Leroy na nakacross arm na naghihintay malapit sa pinto ng boutique.

"Done?" He asks kaya tumango siya. Sa gulat niya ay inagaw nito ang dalang shopping bag bago siya hinawakan sa likod na tila inalalayan siya. "I'll carry this. Go ahead and pick the restaurant you wanna eat. I'm starving."

"Salamat." She said bago napakagat labi.

Ang gentleman naman ng lalaking to.

After walking around the mall Ay nakahanap na rin siya ng restaurant kung saan gusto ng panlasa niya.

Leroy assist her when she sat down at ito mismo ang nagtawag ng waiter. They order their food and while waiting ay di niya mapigil ang sarili na titigan ito.

"You know you could take a picture of me and I'm sure it will last." He said na ikinalaki ng mga mata niya bago siya napangiti.

"Ok lang?" She asks sabay kuha ng phone niya sabay kuha ng litrato nito na ikinagulat ng binata. "Ang gwapo mo kasi, gusto kong titigan ang mukha mo." Prangka niyang sabi na ikinalunok nito sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Am I being creepy Leroy?" She asks innocently.

Tumikhim ito bago umiling. "Nope. Don't mind me Haru."

She smile bago nagsalita. "You just call me by my name."

"Ayaw mong tinatawag ka sa pangalan mo?" Tanong nito kaya napatawa siya bago umiling.

"Hindi naman pero ngayon mo lang kasi binigkas ang pangalan ko."

"Tsk." Sabi nito bago tumingin sa paligid.

"Leroy."

"Hmm." Sagot nito bago bumaling sa kanya.

"Pwedeng pahalik sa pisngi?" She asks. And when his cheeks goes red again ay mas lalo siyang nangigil."Please?"

Napalunok ito at tila hindi alam ang gagawin o isasagot sa kanya. Bigla siyang nahiya. Ano bang nakain niya? Sinong babae ang hihingi ng permiso na humalik sa pisngi ng lalaking tatlong beses niya palang nakita?

But he's too cute. Her brain said at napanguso siya. Ewan ba niya pero kanina niya pa gustong pugpugin ng halik ang mukh ni Leroy. Gwapong gwapo siya dito at pagnamumula ang pisngi nito ay gusto niyang kurutin lalo. Nababaliw na ata siya.

"Sige wag nalang. Sorry." She said bago napayuko. Nahihiya siya at gusto niyang umiyak.

Nakakabaliw ang hormones niya.

"Ok." Sabi nito kaya napatingin siya sa mukha ng binata. "Don't be sad. You can kiss me." He said and she immediately smile bago tumayo sa kinauupuan at lumapit sa gilid nito.

Hinawakan niya ang mukha nito at pinakititigan at ayun na naman ang pamumula ng pisngi nito na tila ginigigil siya.

So she didn't wait and kiss his cheeks. Yung halik na pang baby. Gigil at may kasamang pag singhot.

After she did that ay masaya siyang bumalik sa upuan niya habang tulalang nakatingin lang sa kanya si Leroy.

Leroy's Beautiful KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon