Chapter 4

565 42 8
                                    

"Haru?"

Agad siyang napatingin sa nagsalita at agad napangiti ng makita si Leroy.

"Oy ikaw ulit." She said happily. It's been a week since that last encounter they had.

"What are you doing here? Gabi na." Sabi nito bago siya nilapitan at hinawakan sa may pulso ng kanang kamay niya.

"Nagugutom ako. Gusto ko ng pinoy at fishball." She said bago napatingin sa mga kasama ni Leroy na anim na lalaking nag gagwapohan at kunot noong nakatingin sa kanya. "Hi." She said.

Tumango ang mga ito kaya napanguso siya. Ang suplado naman.

"Asan ang mga bodyguard ng lolo mo? Gabi na, masama sayo ang maglakwatsa sa gabi." Leroy said kaya napabaling siya dito.

"War kami ni Lolo. Nasa japan sila ngayon. At sa condo ko naman ako nakatira. Five minutes away lang dito tas magtataxi naman ako." She said.

Umiling ito. "Your pregnant Haru. You could have asks someone to buy you what you want." Sermon nito.

Biglang tila gusto niyang umiyak at ng makita nito ang pagbabago ng emosyon niya sa mukha ay napamura ito.

"Fuck, no don't cry. I'm not mad. I'm just worried. Babae ka, buntis pa. Nag aalala lang ako." Sabi nito.

Magsasalita sana siya ng maunahan siya ng nagtitindang mama sa gilid.

"Ma'am ito na po ang isang dosenang pinoy na gusto mo at fishball." Sabi ng matanda.

A smile immediately came back to her face bago niya tinalikuran si Leroy at nilapitan ang matanda. After she paid and even give all her change sa limang daan niya sa matanda ay humarap na siya kay Leroy.

"I got my cravings na." Masaya niyang sabi dito sabay pakita ng plastic bag where all the pinoys and fishball is. "Uuwi na ako."

"Magtataxi ka?" Tanong nito.

"Yup."

Umiling ito. "I'll take you home." Sabi nito bago bumaling sa mga kaibigan nito. "See you when I see you guys." Sabi nito at di na hinintay na sumagot ang mga lalaki dahil hinawakan na siya sa kamay sabay dala sa kanya sa parking lot.

And just like before ay pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse sabay alalay sa kanya papasok at paupo sa loob.

"Diba masama sa buntis ang pagpupuyat?" Leroy asks nagdadrive na ito patungo sa condo niya.

"Hello ten palang po ng gabi." She said at nilantakan na ang fishball.

She loves pilipino food so much, being half japanese and half pinoy ay malakas ang hila ng pinoy food sa kanya. She grows up in Japan at minsanan lang siya makabisita sa pinas. She only got the chance to move here when her parents died at iniwan sa kanya ang bahay at tatlong condo buildings na siyang bumubuhay sa kanya ngayon.

She would love to stay to the house where her parents stays alot while being here in the Philippines but her and her granpa is not in good terms because of her pregnancy. May tampo parin ito sa kanya dahil sa nangyari and she can't handle stress right now kaya siya na ang umiiwas.

"Don't eat too much tonight dahil baka sumakit ang tiyan mo." Leroy said at tumango siya dahil di siya makapagsalita dahil sa nginunguyang fishball. "Do you always have your cravings at night?"

Nilunok muna niya ang fishball bago umiling. "Hindi naman. Minsan sa umaga ako nagkecrave."

"Hmm. Do you have someone with you? Like a maid or relatives?"

"Nope. Just my dog Callie." She said at napailing ito. Napangiti siya dahil tila problemado ito sa sitwasyon niya. "I'm ok Leroy. Buntis lang ako di naman ako baldado."

Leroy's Beautiful KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon