"Haru asan ka? I stop by sa condo mo pero wala ka dun."
Napangiti siya ng madinig ang boses ni Leroy, halata ang pag aalala sa boses nito.
"Nasa mall ako." She said habang tinitingnan ang mga maternity dress na bibilhin niya. "Namimili nang damit dahil medyo sumisikip na ang mga damit ko sa bahay."
"Mag isa ka lang?"
"Hmm. But I'm fine leroy."
"Send me your location. Pupuntahan kita. Alam mo namang masama sayong mag isa diba?"
Napangiti siya bago tumango kahit di nito nakikita. "Leroy buntis lang ako. Isa pa you already know who I am and what I am capable of, kaya ko ang sarili ko. But I will send you my location for your peace of mind and for me to see your handsome face."
Dinig niya ang pag tsk nito bago ito nagpaalam. She send him her location bago nagpatuloy sa pag sa shopping. After that event in Sunshine's house at mas naging malapit sila nang binata. Halos araw araw na ito sa condo niya at kung di naman ito makakapunta ay nagbivideo call silang dalawa hanggang sa makatulog siya.
Leroy became a constant person her life in this pregnancy. And even if she denies it, mahirap hindi hilingin na sana nakilala niya ito nung ok pa siya at walang lamat nang dumi sa kanyang pagkatao. But everytime she goes to that kind of thinking, she always stop herself, it's better to let everything flow and accept this kind of generosity from a man who she accidentally met in the lobby.
Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas pero agad siyang napangiti nang makita si Leroy na papalapit sa kanya. Ang gwapo talaga nito. Itsura palang alam mo nang subrang bango.
"Hey." Bati nito nang makalapit sa kanya.
"Ang pogi." She said bago yumakap dito na lagi niyang ginagawa. She heard leroy laugh bago sinagot ang yakap niya tsaka nito hinalikan ang noo niya.
"Asan na ang mga pinamili mo?"Tanong nito kaya binigay niya sa binata ang isang bag nang mga maternity dresses. "Ito lang?" Tanong nito.
She nod bago yumakap sa libre nitong braso. "Yan lang po. Nagugutom na ako. Pwede tayong kumain ng jollibee?"
"Yan ba ang gusto mo?"
She nod happily na ikinailing lang nang binata. "Fine. Let's go."
While walking towards the fast food place ay masaya siyang nakikinig sa kwento nito. But right before they enter jollibee ay napahinto ang binata sa pag lalakad habang gulat na nakatingin sa may katandaang babae sa harap nila.
"M-mom."
Mom? Mama nito?
"Leroy you have lots of explaining to do." Sabi ng ginang sabay baling sa kanya. "Hello iha, I'm Leroy's mom. How are you." Sabi nito bago napatingin sa tiyan niya na halata sa damit na suot. "Oh my, buntis ka?" Gulat nitong tanong bago bumaling sa anak nito. "Leroy what the hell? Nakabuntis ka? At hindi mo sinasabi sa amin?"
"Ay ma'am hindi po si leroy ang ama ng anak ko."
"Mom hindi ko siya nabuntis."
Sabay nilang Sabi nang binata.
"And you really think I will believe that? Malayo palang eh ang lambing na ninyo at kung alalayan mo siya eh subrang ingat na ingat ka. Naku uwi Leroy. Sa harap namin ng papa mo at nang mga grandparents mo ikaw mag Paliwanag." Sabi ng ginang sabay talikod.
Nang mapansin nitong di sumunod si leroy ay huminto ito bago sila tiningnan. "Come on, we need explanations from both of you."
Leroy sighed bago siya tiningnan. "Is it ok? I promise it will be fast. Malapit lang ang bahay namin dito."
"Pero ang jollibee ko?" She said na ikinangiti nang binata bago siya hinalikan sa noo.
"Right. Pagkain niyo muna ni baby ang importante. But can we do take out? Sa sasakyan ka nalang kumain? Masama kasing pag hintayin ang mga grandparents ko, na mamalo ng tungkod lalo na ang lola ko."
Ngumiti siya bago tumango sabay haplos sa mukha nito. "Ang gwapo mo talaga."
"Walang maniniwala na hindi anak ng anak ko ang pinagbubuntis mo iha. Hala bumili na kayo ng jollibee at sabay tayong umuwi. Tinext ko na ang buong pamilya at magkikita nalang tayo sa bahay namin."
Napalunok nalang silang dalawa ng binata sa nadinig.
BINABASA MO ANG
Leroy's Beautiful Karma
RomanceBasahin niyo nalang tamad akong mag lagay ng description lol