Chapter 16

258 20 4
                                    

He sighed heavily while he watched Haru sleeping. Nasa kwarto niya silang dalawa dito sa bahay ng mga magulang niya.

After she told him everything ay bigla itong nakaramdam ng hilo kaya dinala na muna niya ito sa kwarto niya. She immediately fall asleep kaya ito siya ngayon nakabantay dito.

He still can't believe what he learned from her. But he doesn't have judgment to what Haru did dahil kung siya lang din naman ang nasa katayuan nito ay baka nagawa din niya ang ginawa nang dalaga.

Yes killing someone using your barehand is bad, you could have called the police but with how society works right now. Baka nabayaran na ang mga pulis na hahawak sa kaso at patuloy ang mga iyon na mag hasik nang kasamaan sa mundo at hindi si Haru ang magiging huling biktima. Plus with her yakuza background, he knows killing is not a first time for her.

Napatingin siya sa pinto nang may Mahinang Katok na nagmula doon. So he get up and open it and saw his mom.

"Yes ma?"

"How was Haru?" Tanong nito.

He goes out of his room and close the door behind him. "She's sleeping ma. Nahilo po kasi kanina."

Tumango ang mama niya bago siya tinitigan. "Sure ba talagang Hindi ikaw ang ama ng dinadala ni Haru?" Tanong nito na ikinailing niya lang. "sorry nak, sadyang ang hirap paniwalaan na hindi ikaw ang ama ng bata dahil sa paraan ng pag aalaga mo Kay Haru." Sabi nito.

Napakunot noo siya. "What do you mean ma?"

Bumuntong hininga ito bago sumagot. "You are so attentive to her, subra mo siyang ingatan at alagaan. Plus you guys always hold each other na Tipong mawawala ang isa sa inyo kung hindi kaya mag ka hawak kamay o mag ka akbay."

Napailing siya bago napangiti. "Ma I swear hindi ako ang ama ng anak ni Haru at wala kaming relasyon. What we have is pure friendship and I just have this urge to take care of her dahil mag isa lang siya dito. Plus she's a good woman, ano ba naman yong konting tulong sa kanya while she's on her pregnancy journey."

Napataas ang kilay nang mama niya. "Tulong nga lang ba? Hays, bahala ka  na nga. Malaki kana anak, sana lang ay maisipan mo nang mag asawa dahil hindi kana bumabata. But remember, whatever we tell Haru awhile ago, we meant it. She's welcome in our family. Hala, bumalik kana don. Nagpunta lang ako dito to make sure Haru is ok." Sabi nang mama niya bago ito tumalikod kaya napailing nalang siya.

When he get back to his room ay nakita niya si Haru na nakaupo sa gitna nang kama niya at tila nagtataka kung nasaan ito.

"Leroy!!"

He smiled bago lumapit dito. "Hey sleepyhead." He said bago inayos ang magulo nitong buhok. "How are you? Still feel dizzy?"

Umiling Ito bago walang babalang iniyakap ang mga kamay sa leeg niya. He let her bago niya hinaplos ang likod nito.

"I'm ok now. I thought you left me." Mahina nitong sabi.

"And why would I do that?"

Napakagat labi ito bago siya tiningnan sa mga mata nang hindi binibitiwan ang pagkakayakap sa kanya.

"Because of what you've learned. I'm not a good person Leroy. I killed people." Mahina nitong sabi.

Napabuntong hininga siya bago kumalas sa pagkakayakap nito. He then sat infront of her at hinaplos ang pisngi nang dalaga.

"You are a good person Haru. Those people you killed, they deserved it." He said bago siya huminga nang malalim. "Put this on mind ok? Kahit ano paman ang nalaman ko, hindi non mababago ang pakikitungo ko sayo. You are important to me Haru. Those months of being with you as your friend makes you one of my special friend. Kilala na kita, at alam kong mabuti ka. So don't worry about anything ok? Walang magbabago sa atin dahil lang sa nalaman ko. Ako parin ang Leroy mo na pwede mong tawagan kahit anong Oras para lang mag request nang mga pinag kecrave mo. I will still be the same Haru, I won't change ok?" He said.

"You're making me fall Leroy." Mahina nitong sabi na ikinatigil niya. Ngumuso Ito bago nagbaba ng tingin. "Kalmahan mo naman ang pagiging mabait at malambing sa akin, dahil ang hirap nang hindi mahulog sayo."

And his world felt like it stop turning for a second after she said that.

Leroy's Beautiful KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon