Chapter 18

109 15 3
                                    

"Leroy saan tayo pupunta?" She asks habang mahigpit ang hawak sa kamay ng binata dahil di niya makita ang mga nilalakaran niya dahil naka blind fold siya.

"It's a surprise Haru. Just trust me ok? Few more step." Sabi nito. "Ok stop and just stand there. And when I say remove your blindfold do it ok." Sabi nito bago siya binitawan. "Ok, 3,2,1. Remove it Haru."

Agad niyang tinanggal ang blindfold niya para lang mapatakip sa bibig ng makita niya ang paligid niya.

"Surprise!!"

Leroy said habang nakatayo sa harap niya. She look at him bago walang babalang umiyak na yumakap dito.

"Hey, Bakit ka umiiyak. Ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto?" Malambing nitong tanong kaya tumingala siya dito.

"Gusto. Pero leroy."

"Tsk, no more pero. What matters to me gusto mo ang surprise baby shower na hinanda ko. Now come let's meet our guest. Kanina pa gutom si Sunshine baka sungitan ka non." Sabi nito na ikinatawa niya.

And while he assists him walking towards their guests na kanina pa nakatingin sa kanila ay di niya maiwasang titigan ang binata. He surprised her with a baby shower. Kaya ba ito busy nang mga nakaraang araw?  This man surely knows how to make her feel special. She is really glad to met and have Leroy in her life.

Her guest were Leroy friends and their wives na naging kaibigan narin niya dahil kay Sunshine na lagi ipinasok siya sa group chat nang mga ito kaya kilala natin niya ang mga ito kahit papano. Leroy's family and cousins na nameet niya nung nagpunta sila sa bahay ng magulang nito.

"Haru come here." Leroy said . "Have a seat here para dika mapagod." Sabi nito bago siya inalalayang maupo sa gitna nang venue. "Do you wanna open some gifts? I told them to buy neutral clothes or items for the baby dahil ayaw mong malaman ang gender kaya walang gender reveal na mangyayari. We will just do baby shower for you."

Nang hindi siya magsalita ay niyuko siya nito at agad itong nabahala nang makita ang ekspresyon niya. "Haru what is wrong? May masakit ba sayo?" Tanong nito bago hinawakan ang kamay niya at pinisil nito iyon. "Galit ka ba? Ayaw mo ba sa surprise ko?"

Umiling siya bago walang babala na yumakap dito. "Thank you. Thank you so  much Leroy, this is too much. Do I even deserve this?" Umiiyak niyang tanong dito. 

Huminga ito nang malalim bago pinalis ang mga luha niya, "Napaka iyakin naman nang Haru ko, and to answer your question, yes Haru. You deserve this, you deserve every happiness life could offer. Now stop crying ok, lets enjoy this event dahil kanina pa ako pinapatay nang matalas na paningin ni Sunshine. Gutom na siya panigurado." Nakangiti nitong sabi bago siya hinalikan sa noo. "Smile now Haru, today is your day and the baby. Lets enjoy ok."

Tumango siya bago tumingkayad at hinalikan ang binata sa pisngi na ikinatigil nito. She smiled bago tinitigan ang mga mata nito. "Thank you Leroy. I love you." 

And when she learned what she said ay gulat na naptitig siya sa binata na gulat din na nakatingin sa kanya. 

What the fck!!!


-----------------####---------------

Buhay na ako ulit hahahha

Malapit na tayo sa exciting part, maraming salamat sa mga nagbabasa parin sa story na to. 

Mahal kayo nng apdo ko. 

Jes

Leroy's Beautiful KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon