Kabanata 2

5.7K 95 1
                                    

SOFIA

MALAKI ang pasalamat ko dahil advanced ako sa teknolohiya lalo na sa paggamit ng kompyuter. Hapon na at nakaramdam ako ng matinding gutom. Hindi ko rin naman na-enjoy ang kumain dahil abala ako sa pagtitipa ng mga ito.

Siguradong gagabihin ako ng uwi rito. Pansin kong unti-unting nawawala ang mga tao sa opisina. Nagpaalam na rin ang mga kaibigan ko dahil tapos na ang trabaho nila habang ako subsob pa rin sa trabaho.

"File. Save. Print." Bulalas ko nang matapos ko. Para akong nabunutan ng tinik pagkatapos kong I-save ito.

Nag-unat muna ako ng katawan bago sinimulang magligpit at sabay tingin sa relo ko...

Omg! Lagpas alas-onse na!

Pinatay ko ang kumpyuter tsaka lumabas ng opisina ko. Habang naglalakad ako palabas ay naramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Madilim na ang hall way dahil sarado na lahat ng opisina. Mas binilisan ko pa at pansin kong parang binibilisan din niya.

May nakapasok na magnanakaw.

Nang binilisan kong muli ay naramdaman ko ang bigla nitong paghablot sa kamay ko.

"MAGNANAKAW!!!"

DRAKE

"Ouch! That hurts." Sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas ako sa mga hawak niya. Sinabihan pa akong magnanakaw.

"Sir?" Gulat nitong tanong.

"Yes!" Seryosong tugon ko.

"Akala ko na magnanakaw. Bakit kasi hindi kayo agad nagpakilala?" Sabi niya.

"Nevermind! Let's go." Ani ko sa kanya at nauna akong naglakad.

I really followed her with no intention na sabihin kung sino ako but it got worse. 

Nahampas ako ng wala sa oras.

It is my fault though.

Gusto ko sana siyang yayain para kumain ngunit nahihiya ako.

When did I learn to be shy?

Inantay ko na siya dahil alam kong hindi pa siya kumakain sa trabahong ibinigay ko. 

I felt bad, but it's part of my plan.

We arrived at parking lot nang mapagtanto kong isang sasakyan lang ang nakikita ko, ang sasakyan ko.

"Fuck." She cursed.

"Sumabay kana, I'll drive you home." Pag-offer ko sa kanya. Nag-alangan ito noong una ngunit sa huli ay pumayag din.

"I'm sorry, naabala pa kita. Nagpahatid nga lang pala ako kaninang umaga." Paliwanag niya.

"Relax! It's fine." Ani ko.

"Your address?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan siya iuuwi.

To my home?

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa nang bigla kaming may narinig. Gusto kong tumawa ngunit pinipigilan ko. Tumunog ang tiyan nito ng dahil sa gutom.

"Bakit ka huminto? Hindi pa ito ang bahay namin?" Anito sa akin.

"I know! And I knew you were hungry. Let's go and eat first." Pag-aya ko sa kanya.

"No! I'm okay, thanks." Pagkasabi niya ay muling tumunog ang tiyan niya.

Tinitigan ko nang tahimik.

"Fine." Tugon niya.

SOFIA

Tumanggi ako noong una dahil ayoko ngunit ang hindi maganda ay muling tumunog ang tiyan ko.

Nakakahiya!

Narito kami ngayon nakaupo habang hinihintay ang aming mga order. Naiilang ako sa sandaling ito kaya naisipan kong laruin muna ang cellphone ko.

Tingnan mo nga ang pagkakataon, ngayon pa lowbat!

Narinig kong tumikhim ito kaya ibinalik kong muli sa bag ang cellphone tsaka ko siya hinarap. 

"Anyway, I am Drake Maximus, son of Alpheus Maximus." Pormal na wika nito sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala naman kasi akong matandaang may lalaking anak pala si Tito.

"You knew me already, but I wanted to introduce myself again, formally. I am Sofia Smith, your encoder." Natawa siya sa huling sinabi ko. 

Sinadya ko talaga iyon para naman mag-iba ang aura nitong sobrang seryoso.

Napagtanto kong nakikipagtawanan na rin pala ako sa kanya habang nakikipagkamay.

Awkward!

"Sofia?" Napabaling ako sa babaeng tumawag sa akin sa kabilang table.

"Clara?" Sambit ko ng mapagsino ko ito. Tumayo siya at lumapit sa amin.

"Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko.

She's one of my friends. Matagal na siyang nanirahan sa America magmula nang dalhin siya ng kanyang mga magulang doon.

"Yesterday, I was just here because I had a date with my husband." Anito

Tumango naman ako. "Is he your boyfriend or husband?" Tanong niya na siyang ikinagulat ko.

Sasagot sana ako ng muli siyang magsalita.

"Hindi ko alam na may kasintahan ka na, akala ko tatanda kang mag-isa. I'm so happy for you." Sabi nito.

Parang gusto kong ipakain sa kanya ang kutsara at tinidor na nasa harapan namin. Kahit kailan wala talagang preno ang bibig nito.

"You get it wrong. Anyway, he's Drake Maximus, my boss." Pakilala ko.

Ngayon ay natameme siya sa sinabi ko. Alam kong nahihiya siya sa kanyang sarili dahil sa mga sinabi niya. 

"Ganyan mahiya ka!" Sabi ko sa isipan ko.

"I'm sorry! My apology, Mr. Maximus." Paghingi nito ng paumanhin. Tiningnan ko naman ang binatang seryoso pa rin ang mukha.

"No worries. You get it right!" Nagulat ako sa sinagot niya. 

"What?" Gagawa na nga lang ng istorya 'yon pa.

"Ikaw kasi puro ka deny. I'll make sure our friends will know about this. We're so happy for you." Magsasalita pa sana ako upang magpaliwanag ngunit nilayasan ako.

"Bakit mo 'yon sinabi?" Gulat kong tanong.

"Why? You wanted them to call you a loner forever." Anito na siyang ikinatahimik ko.

Aba, pakialemero.

"You should be thankful to me." Sabi niya na siyang ikinainis ko. 

Sadyang makapal ang pagmumukha niya. Assuming!

"Ang lakas din naman ng tama mo ano?" Sabi ko na parang hindi ko boss ang kinakausap ko.

"Tsss... Why am I not attractive? Am I not handsome to you?" Wika nito.

Fuck! Ano ba ang ipinagsasabi nito.

Manyak nga talaga! I don't have any feelings for him, sanay na akong makakita ng mga guwapo at nakakasawa rin.

Ganda ka girl?

"Anong pinagsasabi mo? Are you out of your mind? Hindi lang ikaw ang guwapong nakita ko." Tugon ko habang pinipigilan ang tawa ko.

Sumeryoso ang mukha nito at nagbaba ako ng tingin dahil ayaw kong makita ang mala-monster nitong ekspresyon. Para niya akong kakainin nang buhay ngayon sa mga titig niya.

LORD HAVE MERCY!

-

A/N

Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏

Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓Where stories live. Discover now