Kabanata 40

5.5K 109 10
                                    

DRAKE

HINDI ako matahimik mula nang makita ko ang mukha ni Sofia. Nang umalis ang dalawa ay sinundan namin ang mga ito.

Malakas ang kutob kong si Sofia at Olivia ay iisa. Tinawagan ko sina mama at daddy gayundin sina tito at tita para ipaalam ang lahat. Kung kinakailangan ng DNA test para malaman namin ang totoo ay gagawin ko.

Habang sinusundan namin sila ay agad kaming nagulat ng mga anak ko lalo na ako sa sumunod na nangyari. Ang sasakyan nila ay nabangga sa malaking truck at tumilapon.

Bababa sana ako ngunit ayaw kong iwan ang mga anak ko sa sasakyan dahil delikado na sa panahon ngayon.

Sakto naman ang pagdaan ng mga pulis at sila ang tumulong sa mga ito upang dalhin sila sa hospital. Tinawagan ko sina tita at tito upang sunduin ang mga anak ko. Hinintay namin sila rito habang pinapanood sina Sofia at Benjie na tinutulungan para madala sa hospital.

Pagkaraan ng isang oras ay dumating ang hinihintay namin. Gusto nilang sumama ngunit pinigilan sila ni tito. Pumunta agad ako sa hospital upang matingnan sila. Tinanong ko kung saan ang kwarto ng babaeng idinala kanina at sinabi naman ng nurse. Sinabi kong ako ang fiancée nito dahil hindi nila ibibigay ang impormasyon kung hindi ko kaano-ano ang pasyente.

Binantayan ko siya buong gabi. Hindi pa rin ako matahimik at sobra ang pag-aalala. Nang pagdating ng umaga tumawag ang mga anak ko at pinapauwi ako. Sinabihan ko ang mga nurse na wala silang papapasukin doon kahit na sino.

Umuwi ako sa bahay at kinuwento ko sa kanila lahat ng mga nangyari. Kinausap ko ang mga anak ko na huwag ng sasama dahil babalik ako roon at pumayag naman sila.

Kumain at naligo ako nang mabilis tsaka umalis. Nagtungo muna ako sa pamilihan at bumili ng mga prutas para sa paggising niya ay may kakainin ito.

Pagdating ko ng hospital at malapit na ako sa kwarto nang may marinig akong nag-aaway.

"Niloko mo ako. Hindi Olivia  ang tunay kong pangalan kundi Sofia. Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko. Bakit? Bakit mo ito nagawa?" Rinig kong sabi ni Sofia.

I knew it. 

Hindi ako nagkamali sa kutob ko dahil alam na alam ko ang fiancée ko. Nakinig lang ako sa kanila habang nagsusumbatan sila at baka may marinig pa akong hindi ko nalalaman.

Sinasabi ng fiancee ko na pabayaan na niya ito ngunit ayaw ni Benjie. "Call the police, now." Wika ko sa parating na nurse at agad na pumasok sa loob ng marinig ko ang nabasag na vase.

"Hayop ka!!!!" Sigaw ko at sinuntok ang may swerong si Benjie. Pansin kong walang malay si Sofia at dumudugo sa gilid ng noo niya.

Nang dahil sa sobrang galit ko ay sinuntok ko ang mukha ni Benjie hanggang sa puro pasa ang inabot niya. Hindi siya makalaban sapagkat mahina pa ito.

"Sir, tama na." Awat sa akin ng pulis.

"Babae lang ba kaya mo?" Wika ko at sinipang muli si Benjie.

"Ikulong niyo ito." Utos ko sa mga pulis. Kaagad akong pumunta kay Sofia at binuhat ito. Ipinunta ko siya sa kabilang kwarto upang malunasan ang kanyang galos.

Habang inaasikaso ng mga nurse ay  tinawagan ko sina mama at daddy maging sina tito at tita. Labis ang tuwa nila at nagmadaling pumunta rito. Sinabi ko na rin kasi sa kanila na siya talaga ang totoong Sofia.

Pero hindi pa rin ako mapaniwala. Papaano siya nabuhay at nakaligtas? Kung hindi si Sofia ang inilibing namin, sino siya?

-

Sobra ang iyak ni tita sa galak sapagkat muli nitong nahawakan at nakita ang anak. Maging si tito ay umiiyak na rin habang hawak ang mga kamay nito.

"Mom/dad." Mahinang boses naming narinig.

Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓Where stories live. Discover now