Kabanata 37

2.5K 37 2
                                    

SOFIA

"Hello?!" Sigaw ko.

"Hello, bitch." Sabi ng kabilang linya at agad kong napagtanto kung kanino ang boses na iyon.

"Jenny?" Bulalas ko.

"Oh yes, dear. Sabi ko naman sayo pagsisisihan mo ang ginawa mo." Wika niya.

"Hayop ka! Huwag mong sasaktan ang mga anak ko kundi papatayin kita." Sigaw ko.

"Are you sure? Ngayon pa lang ay dalawang kalabit ko lang ng bala ay patay na ang mga anak mo." Wika nito.

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. "Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko.

"Your life." Mabilis na tugon nito.

"Are you out of your mind?" Sabi ko.

"Mine is only mine. Nagkamali ka ng binangga. Kung gusto mo pang makitang buhay ang mga anak mo bago magdilim puntahan mo ang lokasyong ibibigay ko sa iyo. Oras na may marinig o maaninag kaming mga pulis, consider your children dead." Sabi niya at pinatay ang tawag.

"HINDI!!!!!" Pagsigaw ko sa sasakyan. Hanggang ngayon ay gulat na gulat ako maging ang driver.

Nataranta ako at agad kong tinawagan si Drake. Tinanong ko kung nasaan ang mga bata dahil sa totoo lang ay ayaw kong maniwala na nadukot nga sila.

Sinabi nitong papunta na sila kaya ang ibig sabihin ay hindi niya kasama ang mga itong pumunta ng simbahan. Galit ang nararamdaman ko sa ngayon sa kanya.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko lalong lalo na siya kung may masamang mangyayari sa mga anak ko.

Lumabas ako ng sasakyan at muling pumasok ng bahay. Hinihintay ko si Drake para mag-usap kami ng maayos.

After 15 minutes ay dumating si Drake na alalang-alala. Sinampal ko kaagad ito dahil sa pinabayaan nito ang mga anak ko.

"Hindi ko ginusto ang nangyari." Wika nito.

"Kung sana hinintay mo sila hindi sana mangyayari ito." Sabi ko habang sinusuntok ang dibdib niya.

Hinawakan nito ang mga kamay ko sabay yakap ng mahigpit. Hindi ako makagalaw o makapanakit sa kanya dahil sa higpit na pagkakayakap nito.

DRAKE

Nagmadali akong umuwi at pagdating ko ng bahay nila ay sampal agad ang inabot ko. Walang may gusto sa nangyari kaya naiintindihan ko siya.

Sinusuntok-suntok nito ang dibdib ko at niyakap ko siya ng mahigpit sa gayon ay kumalma ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay napagod siyang kakaaway sa akin.

Naupo kami sa sofa at pumunta ako ng kusina kumuha ng tubig. Pinainom ko ito upang huminahon.

Maya-maya ay dumating sila daddy, mama, tita, tito, mga kaibigan ko, kaibigan ni Sofia at mga kasambahay na kasama ng mga bata.

"Ano ba ang nangyari?" Bungad ni Sofia sa kanila.

Nanginginig sa takot ang babae. "Palabas na po kami ng bahay nang biglang may isang sasakyang humarang sa gate at agad lumapit sa amin tsaka kinuha ang mga bata. Sinubukan namin silang habulin ngunit hindi na namin sila mahagilap." Paliwanag nito.

"Anak, huminahon ka para makapag-isip tayo ng maayos na plano." Pagpapakalma ni tita.

"May tumawag na ba sayo na nanghihingi ng pera o kung ano?" Tanong ni tito.

"Hindi ransom ang kailangan kundi ako. It's Jenny who kidnapped my kids." Wika nito. Pagkarinig ko ay agad na kumulo ang dugo ko.

I'll kill that bitch.

"What's else she said?" Tarantang tanong ko.

"I am going to the address she sent me. Kinakailangan ako lang mag-isa ang pupunta kundi mamamatay ang mga anak ko." Sabi ni Sofia.

"No, don't go alone. Sasama ako!" Sabi ko.

"Bingi ka ba? I told you na mapapahamak lalo ang mga bata." Galit na sigaw nito.

"Calm down, please; let's have a plan." Ani ko.

"He's right iha, let's have plan para makasigurado tayo. Sabihin nating makakapunta ka mag-isa, paano kong patayin ka rin niya at pati na rin ang mga bata? Masasayang lang ang pagod at sakripisyo mo kung ganoon." Pagsang-ayon ni tito.

Tumahimik ito at nagsagawa kami ng plano. Ilang oras ang tinagal naming pag-uusap. Lahat ng connection nila tito at papa ay kinontak na nila.

Ilang oras na lang ang natitira.

SOFIA

KITA ko ang mga alaala naming lahat ng mga anak ko. Ngunit iba pa rin sa pakiramdam ng isang ina na katulad ko. Kung buhay ko ang kapalit para lang mailigtas sila ay gagawin ko.

Nagpalit ako at naghanda. Isasagawa namin ang mga plano nila. Kunwari pupunta ako mag-isa ngunit nasa likod lang sila.

"Please be safe, okay? I don't want to lose you." Wika ni Drake sa akin habang malapit kami sa lokasyong ibinigay sa akin.

"No matter what happens, always take care of our kids, okay? Promise me to give my full support and love to them. I will love you always." Paunang paalam ko sapagkat hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gabi.

"Shss. Don't say that, look like you're saying goodbye. Think positive!" Anito.

Nginitian ko lang siya. Isang abandonadong lugar itong pupuntahan ko. Inaamin kong natatakot ako ngunit kailangan ko itong gawin para sa mga anak ko.

Naiwan sila sa 'di kalayuan at pumunta ako sa building. Gagawa lamang sila ng aksyon once na makalabas ang mga bata at sumang-ayon naman si Drake.

Marami ring armadong tauhan ni Jenny sa labas pa lamang ng lugar.

Pumasok ako at kita ko ang mga anak kong parehong may nakasabit na bomba sa kanilang katawan.

Tumakbo ako sa kanila at tatanggalin ko na sana nang may magsalita.

"Remove it or you all die."

"Hayop ka." Sigaw ko.

"Sana kasi hindi mo na inaagaw ang para sa akin. Okay kami noong wala ka ngunit dahil muling dumating ka doon na naman nasira ang mga plano ko." Sigaw niya rin sa akin.

"Talagang malinaw na ako ang mahal niya at hindi ikaw. " Sabi ko.

"Ako ang unang minahal hindi ikaw. " Anito habang nakangiti.

"I'm the future, and you're only the past." Mataray kong sabi.

"Sinabi ko namang hindi kayo magiging masaya at mas lalong hindi ako magiging masaya kung nabubuhay ka pa." Sigaw nito.

Sinampal niya ako nang malakas. Sasampalin ko rin sana siya ngunit tinutukan ako ng baril at hawak nito ang button ng bomba.

"Don't you dare na lumapit kundi sabay-sabay tayong sasabog ng mga anak mo. Hindi mo naman gusto iyon diba?" Nang-aasar na sabi nito.

Rinig ko ang mga iyak ng anak ko. Naaawa na ako sa kanilang kalagayan nila. "Walang hiya ka." Sigaw ko at akmang susugurin na siya sa galit nang may biglang humampas sa ulo ko.

Namilipit ako sa sakit at ilang sandali ay unti-unting nandilim ang paningin ko.

-

A/N

Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏

Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓Where stories live. Discover now