Kabanata 25

2.5K 36 1
                                    

SOFIA

Ngayon din ang araw na alis namin at kahit isang tao ay wala kaming pinagsabihan maliban sa aming kasambahay.

Nakasakay kami ngayon sa eroplano patungong Canada. Yes, ito ang pupuntahan namin dahil alam kong pupunta siya ng states at doon kami hahanapin kung sakali.

"Don't be sad, anak. He's not worthy of your love." Sabi ni mama. Samantala, si daddy ay tulog na.

Hinaplos ko ang tiyan ko habang iniisip ang mga nangyari. Tumulo ang mga luha kong hindi namamalayan. 

I will raise my own child kahit na mag-isa ako.

Nagpapasalamat talaga ako sa pagmamahal ng magulang kong ibinibigay sa akin.

Canada...

Pagkatapos ng napakahabang biyahe ay narito kami ngayon at kabababa lang namin ng eroplano.

Sumakay kami sa sasakyang pagmamay-ari ng kapatid ni daddy. 

"Tito." Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge.

"Siya na ba ang pamangkin ko? Aba't munting paslit lang ito ng huli kong makita ah." Tumawa naman kaming lahat sa sinabi ni tito.

"Ikaw ba'y may asawa o boyfriend na?" Sunod nitong tanong na siyang nagpatahimik sa aming lahat.

Sa tingin ko ay napansin nito ang mga reaksyon namin. "O siya, sige. Tara na." Pag-iiba niya sa usapan.

My parents owned a house here. Sadyang matagal na naming hindi nabibisita. The last time I came here ay bata pa ako.

"You need to pay all your debt to me. Nakakapagod ang palaging linis nang linis sa bahay ninyo." Sabi ni tito kay daddy. Panay ang tawa namin dahil parang bata pa rin kung umasta ang magkapatid na ito.

They made me happy.

DRAKE

I got beat by Tito yesterday, and I deserved it. 

Ayaw nila akong tulungan o payagan makausap siya.

Narito ako ngayon kasama ko ang mga magulang ko at sinabi ko sa kanila ang nangyari.

"For Pete's sake, that's all your fault." Sigaw ni Papa sa akin. He's so mad. I can see his anger at samantalang pinapakalma ito ni mommy.

Dad beat me as well. "Magtanda ka sa mga kagaguhan mo." Sigaw nito at umalis.

Lumapit si mama at niyakap ako."Everything will be alright, son. Don't lose hope." Wika ni mama sa akin.

"I'll try to call, Dalia." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang mama ni Sofia.

Tumayo ito at kinuha ang telepono. "Why can't I contact her? What's happening." Wika niya.

"I'll go and talk to them again, mom. I'll handle this because it's my problem after all." Sabi ko at umalis.

-

Nakailang doorbell na ako ngunit walang taong lumabas. Pagtapos ng limang minuto ay may nagbukas. Ang kasambahay nila dala-dala ang mga maleta.

"Where are you going, manang? Tinanggal ka ba nila?" Tanong ko.

"Hindi po sir, pinagbabakasyon kaming lahat nila ma'am at sir. Katatapos ko lang naglinis at isasara ko na itong mansion." Tugon niya.

I am confused.

"Isasara? Why? Where are they?" Sunod-sunod kong tanong.

"Maaga po silang umalis. Sabi nila magbabakasyon lang daw sila." Anito.

I felt nothing now.

"Sinabi ba nila kung saan sila pupunta?" Tanong ko.

"Hindi po, sir. Basta iyon lang ang sinabi sa akin. Mauuna na po ako." Anito habang sinarado ang pinto.

Para akong mababaliw sa mga nalaman ko. Wala akong magawa kundi sumigaw. Sumakay agad ako sa kotse ko at umuwi ng bahay.

Wala akong kabuhay-buhay pag-uwi ko. Napansin ni mama ito at nagtanong. Samantala, si papa ay tahimik lang ngunit kita ko pa rin ang galit sa mukha niya.

"What happened? Nakausap mo ba sila? I can't contact them all." Sabi ni mama.

"They're all gone, mom."

"What do you mean?"

"They went abroad at walang nakakaalam kung saang bansa sila nagtungo." Sabi ko.

"That's what you get. Hindi ito mangyayari kung hindi puro kagaguhan ang alam mo. Sinayang mo ang pagkakataon." Sigaw sa akin ni papa.

Tahimik lang ako at nakikinig sa mga galit niya. Ayokong makipagtalo dahil ako rin ang puno't dulo ng lahat na ito.

JENNY

"Cheers." Sabi ko sa kaibigan kong si Britney.

"Ano ba talaga ang okasyon? Tila kay saya mo ngayon?" Tanong niya.

"Well. I just wanted to celebrate one of my biggest achievements." Tugon ko.

"Congratulations, sa kompanya mo?" Tanong niya.

"Gaga! Did you already forget about me saying you na mananalo ako sa pagkuha ng ninakaw sa akin?" Wika ko.

Ngumiti ito ng malawak. "I just can't believe tinuloy mo pa rin, Jenny. I'm so proud of you. Bagay lang sa bitch na iyon." She said.

"Exactly! Ang akin lang ay akin at hindi ako makapapayag na basta na lang nila kunin ang pag-aari ko." Sabi ko.

"But are you sure he's going to love you back? After what you did?" Tanong niya at napa-isip ako sandali.

"I admitted na mahihirapan akong mapasaakin siyang muli ngunit hindi ako titigil. You knew me." Sabi ko sa kanya.

"Paano kapag sugurin ka ng babaeng iyon dito?" She asks

"Well, it's not a problem anymore dahil wala na sila rito sa Pilipinas at wala na akong po-problemahin pa sa kanya. I need to focus to him para mapasaakin siyang muli." Tugon ko.

"I can't wait the day na maging kayo ulit. I'm so happy for you." Anito.

"Cheers." Sabi kong muli.

I will do anything just for him to love me back. I'm so confident now dahil wala na ang bruha kong karibal. This was all my parents fault, kung hindi sana nila ako pinigilan ay baka kasal na kaming dalawa.

Nag-e-enjoy lang kami ng kaibigan kong umiinom habang iniisip ang kasal namin ni Drake. I'm now imagining myself wearing a white wedding dress while walking down the aisle.

"You look so happy, now." Sabi ni Britney.

"Very much." Tugon ko.

Mapapasaakin ka rin, Drake.

-

A/N

Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏

Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓Where stories live. Discover now