3 years later....
DRAKE
HINDI pa rin ako makapaniwalang wala na si Sofia. Tatlong taon ang nakalipas ngunit wala pa rin akong balita sa kanila. Tatlong taon na ngunit pighati at lungkot pa rin ang nararamdaman ko.
Hinanap ko sila ngunit walang makapagturo kung saan sila naroroon. Para akong mababaliw sa mga panahong iyon. I can't even sleep nor eat properly.
Palagi akong tulala. Iniisip at nagbabakasakaling magparamdam o makita siyang muli.
Marami pa akong plano sa aming dalawa katulad ng magiging ina siya ng mga anak namin at mamuhay ng mapayapa ngunit ang mga planong iyon ay nawalan ng saysay dahil hindi ko siya mahagilap maging ang anino nito.
Muli ko na namang naalala ang mga salita sa akin ni papa dahil sa mga nangyayari sa akin.
"Are you really going to waste your life? Come on, Drake. You've done this before. This time, it's your fault, not Sofia's. You need to get up off your ass baka magkaroon pa ng himala na babalik siyang muli. Gusto mo bang makita ka niyang ganyan? Be a man." Mga turan niya ng hindi na ako lumalabas ng kwarto.
Palagi nila akong dinadalhan ng pagkain at pinapangaralan ngunit hindi ko rin ginagalaw o pinapakinggan ang sinasabi nila.
Ngunit noong sabihin ni papa ang mga katagang iyon ay para akong natauhan at nabuhayan ng pag-asa. He's right. I don't want her to see me like this.
But I'm longing for her.
"Babe, let's go. The board is waiting already." Anang kapapasok.
It's Jenny.
Dalawang taon akong kinukulit nito. Siya ang nanligaw sa akin at hindi ako. Para lang matigil siya sa pangungulit ay hinayaan ko na lang at pinagbigyan ang gusto niya.
Sarado pa rin ang puso ko kahit tatlong taon na ang nakalilipas. Wala akong maramdaman sa kanya. She's attempting to kill herself at napilitan akong hayaan na maging kami.
Hindi ko gusto na may magpapakamatay dahil sa akin. My conscience can't take it at alam kong habambuhay na magiging bangungot ito sa akin sakaling mangyari iyon.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa conference room. Naupo lang ako at nakikinig sa presentation nila.
Alam na alam naman ng sekretarya ko ang gagawin kaya kahit na wala ako sa tamang pag-iisip ay walang problema. Ang mga kaibigan ni Sofia ay hindi rin alam kung saan sila naroroon. Umaasa pa rin akong balang araw ay magkikita kaming muli at ang araw na iyon ay hinding-hindi ko sasayanging pagkakataon.
"Tumaas naman ang sales natin ngayon kumpara noong nakaraang taon. Our product really pleases our consumers. Ang mga supplier natin ay marami ang kinukuha kaya we're having double time na gawin ang mga order nila. And we can assure that we'll beat ang mga nakatakdang araw na maibibigay ito sa kanila. That's all for today, thank you for listening." Pagtatapos ng nagpresenta.
Pumalakpak ang lahat. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa araw na ito at sumasakit ang ulo ko.
"Babe, are you okay?" Tanong ni Jenny.
"Not feeling well." Wika ko.
"Kailangan mo ng magpahinga. Umuwi muna tayo ako na ang bahala sa iyo." Sabi niya.
Tumango na lang ako at umuwi nga kami. Sinabi kong kaya ko na ngunit mapilit ito. Hindi na ako nakipagtalo dahil baka sasabog lang ang ulo ko.
Isang taon na kami ngunit cold pa rin ang relasyon namin. I told her that I'm not ready ngunit sabi niya ay maghihintay siya but she still happy because we're together.
Sa kabila ng ginawa niya noon ay napatawad ko ito. I'm just human as well, and I make mistakes, and I understand.
-
Narito kami sa kwarto ko ngayon. Nagpapahinga na ako at nakahiga sa kama samantalang kinuha nito ang upuan ay tumabi sa akin pagkatapos ay nagbasa siya ng mga libro.
Tumalikod ako sa kanya dahil sa totoo lang ay hindi ako komportable. We've been together for a year ngunit wala pang nangyayari sa amin. As I have said to her hindi pa ako handa.
-
JENNY
NARITO ako ngayon sa tabi niya habang nagbabasa ng libro at binabantayan siya. I wanted to give all my support and care to him dahil balang araw ay alam kong mamahalin din niya ako gaya ng dati.
I know cold ang relasyon namin sa isang taon. Nauunawaan ko dahil ako ang dahilan ng pagkasira niya ngunit hindi ko iyon pinagsisihan.
Tuwing maghahalikan kami at kapag ito ay lumalalim tumitigil siya saying na hindi pa siya handa. Inuunawa ko na lang ito. I knew one day he will also realize my efforts at pagmamahal sa kanya.
I'm reading a book ng maalala ko ang usapan namin ng kaibigan ko.
"Masaya ka ba?" Tanong nito.
"Somehow, oo dahil kahit papano ay kami na. At malungkot, isang taon na ngunit wala pa rin nangyayari. You knew me hindi ako susuko hanggang hindi niya ako minamahal ulit gaya ng dati." Tugon ko.
"I'm happy for you. Sana nga ay magtagumpay ka sa mga plano mo para hindi masayang ang mga paghihirap mo." Sabi nito.
"Minsan nga naiisip ko masyado ata akong naging makasarili. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Sa alam ko ay ginagawa ko ito dahil mahal ko siya. Ngunit nakokonsensya pa rin ako." Wika ko.
"Ikaw ba yan? O may sumaping kaluluwa sayo? Kailangan mong panindigan ito. Sinimulan mo, tatapusin mo. Andito lang ako na tutulong sa iyo. Don't be conscience dahil tama ang ginawa mo. Tama lang sa kanya iyon. Remember, ang sa iyo ay iyo. Nararapat lang na kunin mo ang dapat sa iyo." Aniya.
"You're right. Hindi ko ba alam kung bakit ko naiisip iyon. Cheers na lang tayo. Wala akong pakialam sa babaeng iyon. Nagpapasalamat ako dahil wala na siya sa buhay namin." Ani ko.
-
Habang tulala ako sa kaiisip ay narinig kong humihilik ang boyfriend ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa tabi niya.
Napakagwapo pa rin niya. He's so cute while sleeping. Tinabihan ko ito at hinagod ang buhok niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay hinalikan ko ito sa labi.
Mamahalin mo rin ako.
-
A/N
Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏
YOU ARE READING
Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓
RomanceA TAGALOG-ENGLISH STORY Sofia is an uncomplicated young woman who has turned down many men. Although she reassures herself that she does not dislike men, she simply does not feel any romantic attraction towards them. For nearly a decade, Sofia has b...