Kabanata 3

4.7K 69 0
                                    

SOFIA

RAMDAM ko ang mga kamay kong masakit paggising ko ng umaga. 

Ikaw ba naman kasi ang magtipa ng napakarami.

"Ayos ka lang iha?" Alalang tanong ni mama pagdating ko sa hapagkainan.

"Ayos lang ako mom, sadyang inaantok lang ako." Palusot ko.

Ayokong sabihing napagod ako sa trabaho dahil talagang sasabihing mag-resign na ako.

Kinuha ko na lang ang hotdog tsaka kinain para maiwasan ang mga tanong nila.

"Don't you eat rice?" Tanong naman ni Daddy. Sobrang pasalamat ko sa kanila dahil sila ang naging magulang ko at gayon din sa pagmamahal nila na ibinibigay sa akin.

"Mom/Dad, don't worry about me!" I said to them at tumango naman ang mga ito.

"Manang padala ng Juice." Utos nito kay manang Beth.

Si Manang Beth ang pinakamatagal naming kasambahay rito. Magmula pa raw ng magkasintahan ang mga magulang ko hanggang sila ay magpakasal. Ngayon ay naabutan ko pa siya.

"I have to go mom, dad." Tumayo ako at nagpaalam sa kanila.

"You didn't eat anything!" Wika ni mama.

Ipinaliwanag ko naman sa kanila na kailangan kong makapaghanda dahil may pasok pa ako.

"Don't forget to come home early. We will have dinner tonight with one of our billionaire friends." Wika ni mama at tumango naman ako bilang tugon.

Big time rin naman kasi ang mga kaibigan ng mga magulang ko. Ito ang mga kwento nila sa akin noong bata pa ako.

Nagmadali akong nagbihis dahil ayaw kong ma-late. 

"I hate lateness and excuses." Muling umugong sa utak ko ang sinabi ng boss ko.

I grabbed my key and drove off.

Nakarating ako sa kompanya sakto lang sa oras. Pumasok agad ako sa opisina at inihanda ang mga ibibigay ko sa kanya.

Pagkatapos kong iayos, tumungo agad ako sa opisina niya. Kumakatok ako ng mga ilang beses ngunit walang sumasagot. 

Marahil wala pa ito kaya naman iiwan ko na lang sa mesa niya ang flash drive at mga inimprinta ko at tingnan niya na lang pagpasok niya.

Binuksan ko na lang ang pinto at pumasok.

Pagbukas ko ng pinto, gulat na gulat ako sa aking nakita. 

Omg! Ang aga-aga. Nabitiwan ko ang flash drive at mga nakalimbag na kopya nito na siyang pumukaw ng pansin sa kanila.

"Don't you knock before you enter?" Tanong nitong babaeng kahalikan ni Drake. 

Ang sarap sabunutan!

"Nakailang katok na po ako miss ngunit walang sumasagot kaya pumasok na lang ako." Paliwanag kong may pagkainis.

"Still, you shouldn't enter while no one responds to you.

Ginagalit talaga ako ng babaeng ito. Relax lang self.


DRAKE

I was shocked when someone entered my office. 

Can't she see I'm in the middle of business?

Alam kong naiinis na ito dahil sa hindi matapos-tapos na usapan nila ng babaeng ito.

I sat down on my swivel chair at pinanood silang dalawa. 

This is interesting.

"So, why are you here?" My slut asked. 

Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓Where stories live. Discover now